Chapter 39

1.3K 25 1
                                    

Pagkatapos naming kumain ay naghanda ako ng pagkain sa tray at pumunta sa kwarto ni Raiver. May sapak talaga 'yun, hindi manlang tinapos yung kinakain niya tapos mabibitin siya.

Nakita ko siyang nakasandal sa headboard ng kama niya at dikit ang kilay. Lumapit ako sa kaniya at linagay sa mini table niya ang tray ng pagkain. Bigla namang siyang humiga at nagtalukbong ng kumot.

"Oy! Sabi ni Tita nabitin ka daw kaya dinalhan kita ng pagkain, kain ka na." Sabi ko.

"Fuck! Anong nabitin sa pagkain? Who told you that?" Nagulat ako ng nagmura siya.

May kung anong kumirot sa puso ko at kahit anong oras ay pwede ng tumulo ang luha ko.
Ngayon niya lang ako ginanyan.

"Sabi ni Tita, e." Nakagat ko pa ang ibabang labi ko para mapigilan ang panginginig ng boses ko.

"What are you doing?" Inis na tanong niya.

Inirapan ko siya at agad na pumunta sa kaniyang cr at sinarado iyon. Humarap ako sa salamin at naghilamos kasabay noon ang pagtulo ng luha ko.

Tsk!

"Open this door, Anne!"

"A-ayoko nga." Tinakpan ko ang bibig ko ng mapalakas ang pag-iyak ko.

"Are you crying? Hey, Anne!" Umupo ako sa sahig na hindi basa tsaka umiyak ng umiyak.

Sinandal ko ang aking ulo sa pinto, nakaramdam ako ng sakit ng walang boses at katok na ang maririnig. Siguro umalis na siya at iniwan ako. Tumango ako pero ilang minuto lang may naramdam akong nagbubukas ng pinto.

"Why are crying? It's all about me?" Hindi ko sinagot ang tanong niya at umiwas na lamang ng tingin. "Talk to me, please!" Tinignan ko na lamang ang sahig at hindi siya pinansin. "Try to talk to me." He cupped my face "I love you!"

"Uuwi na ako." Tumayo na ako pero bago pa man ako makalabas ay hinila niya na ako palapit sa kaniya at yakapin ako.

"Not now please. Ayokong nagkakaganito tayo, please! Let's settle it first before you leave."

"Paano ako hindi magkakaganito? E, ikaw ang unang hindi namamansin. Problema mo ba?" Naiinis na sabi ko.

Siya naman ngayon ang umiwas ng tingin. "Nothing."

"Imposibleng wala 'yan? Bakit mo ako hindi pinapansin at iniiwasan kung wala lang 'yan?"

"It's just.... ah! Please, let's not talk about it."

"Ok!"

Lumabas ako at pipihitin ko na sana ang door knob ng pinto ng kwarto niya ng hilahin na naman niya ako. Yung totoo mahilig bang manghila 'to?

Tatanggalin ko na sana ang kamay ko ng higitin niya ako palapit sa kaniya at niyakap na naman ako.

"What's the problem, lady?"

"You! You are my problem!"

"Why me?"

"Kasi hinandaan na nga kita, ikaw pa ang maarte at minura ako."

"What?" Naguguluhang tanong niya.

"Sabi ni Tita nabitin ka kaya pinaghanda kita para kumain pero minura mo lang ako."

"No! Sa iba ako nabitin!" Napahawak siya sa puson niya dahilan para mapatingin ako. Napadako ang tingin ko sa baba niya.

Namula ako ng makitang may bakat ng kung ano doon.

"Now you know!"

Namutla ang mukha. Gosh! Nakakahiya. Ang tanga ko ngayon ko lang naintindihan yung sinabi ni Tita.

Pag nabitin kasi ang lalaki minsa'y nagagalit.

"O-oh?"

Marahas na sinandal niya ako sa pinto kasabay ng pagsara nito. Siniil niya ako ng halik at sumagot naman ako agad.

Masamang nabibitin ang lalaki.

Sabi ng utak ko.

Linagay ko ang aking kamay sa batok niya. Naramdaman ko na lang ang likod ko na pababa sa kama.

At sa pangawalang pagkakataon ay hinayaan namin ang aming sarili na damhin ang isa't isa.

Humiga siya sa tabi ko at yinakap ako. Sinubsob ko ang aking mukha sa dibdib niya at ginantihan siya ng mahigpit na yakap. Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko at hinimas-himas ang buhok ko.

"Son, we're going to shopping. You have a lot of time to be with her. Give me a grandchild!" Sigaw ni tita sa labas ng pinto.

Namula ako sa sinabi ni Tita. Aish! Lalo kong diniin ang ulo ko sa dibdib niya para hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko.

"Oh, paano ba yan? Gusto na ni mom ng apo. Bigyan na natin!" Hinampas ko ng malakas ang braso niya.

"Sira! Tulog na muna ako." Naaantok na talaga ako.

AGLCOLEABYG

My Seven Years Gap BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon