Nanlumo ako sa narinig galing sa mga kaibigan ko. Pinilit kong maglakad kahit ang totoo ay nanginginig na ang mga tuhod ko.
Naunang umalis si Henna pagkatapos nitong sampalin si Oryza kanina.
Naglalakad ako papasok sa room namin. Hindi ko na nakaya kaya't muntikan na na akong ma-out of balance, buti na lang ay may sumalo sa akin.
"Miss, are you ok?" Tanong ng lalaking tumulong sa akin.
"A-ah Oo! Salamat." Sagot ko.
Naglakad na ulit ako ngunit 'di pa man nakakalayo ay muli ko na naman maramdaman na maaa-out of balance ako.
"Miss?" Tawag sa akin at sa pangalawang pagkakataon ay sinalo niya ako. "Ano bang room mo? Dadalhin na kita"
"4th floor, Room 404." Nanghihinang sagot ko sa kaniya.
Linagay niya ang kamay ko sa balikat niya at hinawakan ng mabuti ang bewang ko para hindi doon umalalay. Naiilang man sa sitwasyon namin ay wala na akong magawa dahil nanghihina ako.
Kahit pinagtitinginan at pinaguusapan na kami sa bawat madaanan naming estudyante sa bawat floor ay hindi na lamang namin pinapansin.
Pumipikit-pikit na rin ang talukap ng mata ko. Hindi ko alam anong gagawin. Ni hindi ko pa nakikita ang mukha ng lalakeng tumutulong sa akin ngayon. Ni aninag ng mukha niya ay hindi ko makita. Punong-puno na ng luha ang mata ko at ngayon ay bumagsak na ako sa balikat ng lalake.
"Oy? Miss! Anong ng nangyari sayo? Aish! First day na first day ko dito, ganito agad ang sasalubong sa akin."
Hindi ko masyadong narinig ang boses niya.
Sinubukan 'kong idilat ang aking mata, nandito na pala kami sa tapat ng room ko. Naaanig ko pa ang mga kaklase ko na nagkakagulo maging ang teacher namin ngayon na nahinto sa pagtuturo ng makita ako.
"Excuse me!" Rinig 'kong magalang na singit ng lalaking ito.
"Dalhin niyo si Ms. Cruz sa upuan niya." Halatang aligaga si sir. "What happened to her, Mr. Park?"
"I don't know! Sorry! I just saw her earlier."
Hindi ko manlang siya nakita ng tulungan ako ng mga kaklase ko na ipasok sa loob ng room. Dahil sa nanghihina at nahihilo na ako ay agad akong tumungo at kinalma ang sarili.
Nagising ako sa ingay na nasa paligid ko lang. Pinilit 'kong imulat ang mata at napansin ko kaagad ang madaming paa. Inangat ko ang aking ulo at nakita ang mga kaklase ko na nakapalibot sa akin.
"Ok ka na ba?"
"Girl! Iba ka, new transferee pa tinuhog mo!"
A-ano daw?
"Lagot ka!"
"Ano bang nangyari sayo?"
Madaming tanong pa akong narinig sa kanila pero hindi ko na iyon lahat pinansin. Pasimple akong sumilip sa kaibigan ko na katabi ko lang pero iba ang row. Nagtama ang mata namin ni Oryza. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.
Sa wakas ay tumigil na rin ang mga kaklase kong nagtatanong especially ang mga babae. Intrigang-intriga sila sa lalaking tumulong sa akin. Ang dami nilang sinabi tungkol sa lalaki na 'yon pero wala akong alam sa mga sinabi nila dahil 'di ko naman nakita ang mukha no'n. Kesyo gwapo, sikat at kung anu-ano pang magandang katangian ang pinagsasabi nila.
Ilang oras pa ang lumipas at nag bell na hudyat na uwian na. Naglakad na ako palabas sa room. Kahit gusto kong hintayin sila ay hindi ko na ginawa. Galit pa sila.