Napabangon ako ng may maalala ako na dapat tanungin sa kanya.
"Uhmm! May naalala ako. Anong sinasabi mo na wala ka dun sa hospital? Diba, ikaw yung nagbayad ng bill ni ate Linda?" Nagtatakang tanong ko.
Umupo naman siya at humarap sa akin.
"Pinapunta ko dun yung driver ko at siya ang pinagbayad ko ng bill ni ate linda. Wala ako dun, ok?"
"Aish! Bakit mo pa ginawa yun? Nakakainis ka alam mo yun!"
Huli na para mabawi ang sinabi ko dahil nakita ko ang gulat at sakit sa mata niya.
Hindi ko alam kung bakit iyan ang lumabas sa bibig ko.
Ang totoo nga ay nagpapasalamat ako sa ginawa niya. Dahil dun wala nang babayaran si ate at wala na ring poproblemahin pa ang pamilya ni ate Linda.
"Why? Ayaw mo ba? Tinulungan ko lang naman ang nanay ni Rina. Is it that bad?"
Is he mad? I think so! Nahalata ko na agad sa tono ng pananalita niya at sa tono ng pagtatanong niya ng is it bad?.
"No! Tsk. Dapat kasi hindi mo na lang yun ginawa. Napaghinalaan tuloy ako ni ate na kasama kita kahapon."
"Bakit ayaw mo bang malaman nila?"
Hindi ako makasagot sa tanong niya lang na ayaw ko nga bang malaman nila? Aish!
"Tsk. Ok! Alam ko namang ayaw mong malaman ng ate mo at sa side ni Ruzzell na 'tayo na'." Inemphesize niya pa talaga yung salitang tayo na.
"Galit ka?" Tanong ko. "Oy" Tinusok-tusok ko pa ang tagiliran niya but still no response. "Kausapin mo na ako." Paglalambing ko. Still no response.
Yinakap ko siya patalikod pero inalis niya lang ang kamay ko sa bewang niya at lumabas sa kwarto niya.
Tsk! Napakamagagalitin.
Pinunasan ko ang mata ko ng may maramdaman akong luha na unti na lang ay babagsak na. Tumingala ako at pinaypayan ang mata ko.
"Bumalik ka nga luha." Naiinis na sabi ko sa aking sarili.
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 4:15pm na. Inayos ko muna ang sarili ko at lumabas sa kwarto niya.
Tumingin ako sa sala kung nandun siya. And there he is. Maglalalad na sana ako palabas ng maalala ko ang bag ko. Aish! Naglakad ako papunta sa sofa kung saan siya nakaupo at kung saan ko din naiwan ang bag ko. Nang makalapit ako ay bumuntong hininga muna ako at kinuha ang bag ko.
"Sorry!" I murmured at umalis na.
Naglakad na ako pero napatigil ako ng makita ko ang lababo na hindi ko pa natatapos na hugasan ang mga plato. Napasinghap na lang ako at lumabas na ng unit niya hanggang sa labas ng hotel na 'to. Pumara ako ng taxi at sumakay na.
Ilang minuto rin ay nandito na ako sa mansyon. Nagbayad muna ako sa manong driver at bumaba na. Dumiresto ako sa kwarto ng makita kong walang tao sa sala. Baka nasa kwarto si ate.
Nagbihis na ako ng damit at humiga sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko at linagay sa gallery. Naalala ko ang first pic namin. Nasa ferris wheel kami at ayun din yung time na first kiss namin. Haha! Simula nung ferris wheel na picture namin hanggang ngayon iyun parin ang wallpaper ko. Sa dami ng iniisip ko hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
RAIVER POV
Napabuntong hininga ako ng malamang umalis na si Anne at hindi manlang siya nagpaalam o maski manlambing sa akin. Ang totoo n'yan ay nainis ako kanina, parang pinamumukha niya kasi sa akin na hindi ko na lang dapat tinulungan ang pamilya ni ate Linda.
Pumunta na lang ako sa kusina at tinuloy ang paghuhugas ng plato. Pagkatapos nun ay umupo ako sa sofa at hinahanap aking cellphone. Binuksan ko iyon at biglang nagtagis ang aking ngipin.
Tumawag na naman. Tsk. She never learn.
Tinanggal ko ang sim card at pinutol iyon. Lahat talaga gagawin para sa akin. How stupid.
I hate her.
Naalala ko na naman noon ang ginawa niya sa akin.
Habang kami pa noon ay nakahanap na siya ng ibang lalake at ang malala pa dun ay sumama siya dun lalake niya sa ibang bansa. Doon natapos ang relasyon nila. Kahit walang closure na break up ang nangyari sa amin ay sapat na 'yun para masabing break na sila.
Iyun ang ayaw na ayaw ko sa kaniya. Iniwan niya ako para lang sa pera at ngayon ang kapal pa ng mukha para magpakita sa akin at guluhin ang tahimik kong buhay kasama ang taong mahal ko.
ANNEKY POV
Kumakain kami ngayon ng hapunan kasabay ko sila ate at kuya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipin ko kung ganito ba ang kahihinatnan namin ni Raiver pag naging mag-asawa na kami. Nakangiting pinagmamasdan ko sila habang iniisip ang mga bagay-bagay kasama si Raiver.
"Bakit ka nakangiti?" Nagulat ako ng magtanong si ate.
Hindi ko pala namamalayan na nakangiti ako habang may iniisip.
"A-e wala po ate." Sagot ko at pinagpatuloy na lang ang pagkain.
Hindi ko mapigilan ang pagtawa habang nakatingin sa mag-asawa na pinagtatalunan ang pangalan ng kanilang anak e, wala pa nga itong gender dahil dalawang buwan pa lang ito.
"Girl, Quennie Rizz while boy, Kenneth Rizz." Ani ni ate Anshea sa asawa.
"I don't want kenneth, no classic. Rizzel Lcyz. Unique name right, Anne?"
"Ah, Opo." Sunod-sunod ang naging pagtango ko kay kuya.
Narinig ko namang napasinghap si ate Anshea at sa huli rin ay napagdesisyunan nilang iyun na ang ipapangalan nila sa magiging anak nila. Kung lalake ang magiging anak nila ay ipapangalan nila ang Kenneth Rizz C. Dy. Kapag babae naman ay Quennie Rizz C. Dy.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na ako sa kwarto. Umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone. Hanggang ngayon ay wala pa rin tawag o text manlang akong natanggap kay Raiver. Parang hindi niya manlang ako inaalala.
Ako naman ang may kasalanan kung bakit kami nauwi sa ganun sitwasyon kanina kaya naisip ko na lang na tawagan siya kaso walang sumasagot
Kinabuksan ay maaga akong pumasok. Nakita ko na naman si Oryza at Harrison na nilalanggam. Umupo ako sa upuan ko at hindi na lang sila pinansin.
"Yare sayo?" Tanong ko kay Henna ng mapansing malungkot siya.
"Wala naman." Sagot niya.
Sus, ako pa ang niloloko mo.
"Ay sus! 'Te sabihin na." Pagmamakulit ko at kiniliti ng kiniliti siya hanggang sa umamin rin.
"Oo na, si Mischel kasi..." Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng biglang sumingit si Oryza.
"Wait! Sino iyang Mischel na yan, ha? Ikaw ah, wala kang sinasabi sakin."
"Ito na nga diba? So ayun, naalala mo nun yung may hinila akong basta-basta para may kumuha ng pic sa atin si Mischel yun. Tanda mo?"
Kinuwento niya ang lahat sa dalawa tungkol sa kaniyang 'crush'. Habang ako ay muling nakikinig dahil naikwento na naman niya sa akin 'yon.
AGLCOLEABYG