Chapter 34

1.3K 23 0
                                    

ANNEKY POV

Ngayon ang araw ng pagbisita ko kay Raiver. Hindi ko maitago ang sabik na nararamdaman na makita siyang muli at mahagkan. Matagal na rin kasi mula ng makita ko siya at iyon pa yung panahon na binugbog siya at wala manlang akong nagawa.

Sumama na sa amin si kuya Alex at lalo kaming naging malapit kahit ilang oras pa lang kami nagkakasama. Tapos si ate naman gustong-gustong paglihian si kuya para daw gwapo ang anak nya. Selos nga ang asawa niya, gwapo din daw naman siya pero bakit ayaw daw ni ate na siya ang paglihian.

Nandito na kami sa mansyon. Kauuwi pa lang namin galing dun sa bahay nila tita. Kahit nahihilo pa rin ako dahil sa biyahe ay pinilit 'kong sumakay na naman para makapunta kay Raiver.

Nang makapunta sa hotel ay agad akong pumasok at sumakay ng elevator. Excited akong lumabas at dahil alam na alam ko kung nasaan ang room niya ay agad 'kong pinindot ang password at pumasok.

Linibot ko ang loob ng unit niya. It seems like a year for me mula noong huling pumasok ako dito.

Napatigil ako ng makapunta sa sala ng may makita akong damit ng babae. Kinuha ko ang damit ng babae at tinignan iyon. Nagulat ako ng may lumabas na babae sa kwarto niya.

Ysabelle!

Anong ginagawa niya dito?

"Oh! Good morning, Anne!" Bati ni Ysabelle na kinainis ko.

Sabi na e, may hindi ako magandang nararamdaman sa kanya.

Simula pa lang ng una ko siyang nakita at yung mga pinagsasabi niya sa akin ay parang may pinahihiwatig siya.

Bebeso sana siya sa akin ng itulak ko siya ng mahina. Parehas kaming nagulat sa ginawa ko. Pero wala akong paki. Naiinis kasi ako dahil ang gusto 'kong supresahin ay ang boyfriend ko pero ako ang nasupresa ng nandito siya.

Bakit kasi siya nandito sa unit ng boyfriend ko? Anong ginawa niya? Nilang dalawa?

Iniwan ko siya at mabilis na pumunta sa kwarto ng boyfriend ko. Nanlumo ako sa nakita ko, may towel na nakalagay sa noo niya at mahimbing na natutulog.

May sakit siguro siya.

Lumapit ako sa kaniya at yinakap siya ng mahigpit.

"Raiver!" Paulit-ulit 'kong binigkas ang kaniyang pangalan.

Tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kanya ng maramdaman kong nagising siya.

"A-ahhh sakit!" Napahawak siya sa ulo niya.

"Ano bang ginawa mo? Bakit masakit ulo mo?" Nag-aalala 'kong tanong.

Tinulungan ko siyang umupo.

"Nothing!"

"Pwede bang wala? Ano nga kasi?" Naiinis na tanong ko.

Hindi ko gusto ang tumatakbo sa aking isipan. Para bang may kailangan pa akong malaman bukod sa kung ano ang mga kaniyang ginawa ng pinaglayo kami.

"Aish! Fine! Nag-inom ako, akala ko kasi iiwan mo na ako!" Malungkot siyang tumingin sa akin.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay, "That won't ever happen, ok? I love you!" Hinaluan ko ng lambing ang aking sinabi.

My Seven Years Gap BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon