Naramdaman 'kong niyakap niya ako sa likod. Nakapatong ang mukha niya sa balikat ko at hinawi ang nakapalibot na mga buhok ko sa mukha.
"Ang sarap gusto ko pa." I blushed hard. Buti gabi na at hindi niya napansin ang pamumula ng mukha ko.
"Manahimik ka dyan? Di pa nga tayo ginaganyan mo na ako!"
"Pwes tayo na."
"Ano ka swerte? Ligawan mo muna ako."
"Linigawan na kita hindi mo tanda?"
Napaamang ako sa sinabi niya.
What does he mean? Bakit ko alam?
"H-huh? Tsaka wala naman nangyari na ganun, ah?"
"Meron, start nung nasa ferris wheel tayo."
Lalo akong napamaang sa sinabi niya. Saan sa parte dun? Wala naman siyang sinabi na liligawan niya ako. O parte dun na hinalikan niya ako?
"Nililigawan mo na ba ako nun? Bakit hindi ko alam?"
"Ngayon alam mo na." Napatulala ako. "You're my girlfriend now and I'm you're boyfriend now." Ang sarap sa tenga pakinggan.
"A-ayoko pa!" Pag-iinarte ko.
"Edi ayaw." Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at tinalikuran ako.
Ako naman ngayon ang tinatalikuran niya. Nakakainis siya! Maasarin at mainipin. Manay suyuin ako nagpapabebe lang naman ako. Syiempre, ako matagal 'ko ng gusto siya na maging boyfriend tapos tatanggi ako.
No way!
Tumayo ako at umupo sa kandungan niya at niyakap siya. Dahil maliit ako at matangkad siya sakin.
"Payag na ako." Malambing kong sabi.
Ngayon pwede ko ng gawin lahat kung ano ang gusto kong gawin siya kanya. Kinikilig ako. Ang sweet lang ng pwesto namin.
Yinakap niya rin ako. Pinugpog ko ng halik ang mukha niya at kinurot-kurot ang pisngi niyang malaki. Nakakainis ang pogi ng boyfriend ko.
Status: IN A RELATIONSHIP
Pagkatapos ng kaewanan namin ay linigay 'ko na ang mga basket sa sasakyan niya. Habang siya ay nakaupo at nakatingin lang sa akin. Pinagmamasdan bawat galaw ko. Nakakailang tuloy.
Pagkatapos ay umupo ako bench. Yinakap niya naman ako.
"Ang bango mo"
Kinilabutan ako ng amuyin niya leeg ko. Maramdaman ko yung hininga niya sa leeg ang init.
"Alam mo bang ikaw lang ang pinunta ko dito. Sabi ko sa sarili ko na ang dadalhin ko lang dito ay taong mahal ko at ikaw yun." Umupo siya ng maayos.
"Alam mo bang ikaw lang ang nakahawak sa kamay ko at ikaw lang ang nakadama ng labi ko?" Pag amin ko rin.
"Well, I'm glad. I love you!" Aniya
Ilang minuto ang lumipas na ganun lang ang pwesto namin. Tumayo ako at naglakad papunta sa hagdan pababa. Dito sa maraming malalaking bato ako umupo at pinagmasdan ang langit. Ang daming bituin.
Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. Hinawakan 'ko ang kamay niya. Naramadmaan ko ang baba niya pinatong sa balikat ko.
"May fireworks mamaya." He murmured.
Madali 'ko 'yun naintindihan dahil nakatapat lang ang bibig niya sa tenga ko.
"Manunuod ako ng fireworks kasama ang taong pinakamamahal ko." I murmured too.