ANNEKY POV
Kasalukuyang nandito kami ni Raiver sa park. Namiss ko din maglaboy kasama siya kahit ilang oras lang. Nahahalata na kasi ako ni ate na laging late kung umuwi.
Pagkatapos ng klase namin. Napag-desisyunan namin na pumunta dito sa park. Sakaling makita ulit namin ang mga bata ay makapaglaro kami.
"Nasaan sila Rina?" Takang tanong niya.
Mukhang gusto niya na yata talagang makita ang mga bata. Napapansin ko din na mukhang mahilig siya sa bata kaya siguro ganito na lang ang reaskyon niya. Ang mga bata pa naman ang pinuntahan namin dito.
"Gusto mong puntahan sa bahay nila?" Tanong ko sa kaniya dahil alam ko naman ang kung saan sila nakatira.
"Okay lang kaya sa kanila?" Nag-aalangan man sa tono niya ay may ngiti naman sa labi.
Tumayo na kami at naglakad paalis papunta sa bahay nila Rina at ang mga ibang bata. Magkahawak-kamay kami sa paglalakad patungo sa bahay. Medyo malapit lang dati ang bahay namin sa bahay nila Rina kaya tandang-tanda ko ang bahay nila.
"Good afternoon po." Bati ko sa mga dati kong kapitbahay na nadadaanan namin.
"Boyfriend mo ba iyan, Anne? Aba't napaka-gwapo naman, diba, mare?" Natatawang saad ni nanay Nancy-ang nanay ko dito sa lugar namin.
Namula ako naman ako ng sobra. Napatingin ako kay Raiver ng lalo niyang higpitan ang pagkakahawak sa aking kamay. Habang sila nanay naman ay napatingin sa kamay namin na magkahawak.
Balak ko na sanang tanggalin ang aking kamay ng lalo niya itong higpitan. Narinig ko naman ang malakas na tawanan nila nanay Nancy at iba ko pang itunituring na nanay.
"A-e opo." May hiya ngunit may ngiti sa aking labi.
Ngayon lang kasi nila akong nakita na may kasamang lalake. Nang nakatira kami dito dati ay puro libro lang ang hawak ko. Ngayon iba na. Ang kamay na ni Raiver ang siyang hawak ko.
"Naku, hindi ba marunong ngumiti 'yang boypren mo, hija? Pakilala mo naman sa amin." Natatawang saad ni nanay Liza.
Kinurot ko ng mahina ang palad ni Raiver dahilan para tumingin siya sa akin. Nginitian ko naman siya at nag senyas na ngumiti. Tumingin siya kila nanay at ngumiti.
"Good afternoon po, boyfriend po ako ni Anneky." Hindi ko inaasahan na ganun ang ipapakilala niya sa kaniyang sarili.
Namumulang tinago ko ang aking mukha sa gilid.
Kenekeleg ekesh.
"Ka'gwapo kapag ngumingiti." Bulong ni nanay Zany pero rinig pa rin namin.
Napangiti ako sa sinabi ni nanay Zany. Maski sila ay naga-gwapuhan kay Raiver. Hindi naman kataka-taka iyon.
"Tutuloy na po kami mga nanay." Paalam ko sa kanila.
"Oh sige. Ingat kayo." Paalam din ni nanay Nancy.
Naglakad na kami papasok sa loob. Nang malapit na kami sa bahay nila Rina ay napatigil at nagulat kami ng may marinig na sigawan sa loob ng bahay nila.