Pumunta na ako sa kusina para magluto dahil nakakahiya naman kung siya ulit ang magluluto at ako lang ang tagakain. Syempre, kahit sabihin ko na masarap siya magluto ay aaraw-arawin na, hindi pwede 'yon.
Ang lulutuin ko naman ngayon ay sinigang na manok. Naghanda na ako lahat ng gagamiting indgredients at nagsimula ng magluto.
Dahil nasasanay na ako sa lahat ng gamit dito sa pagluto ay sa tingin ko ay magiging masarap lalo ang luto ko. Kasi noong una akong nagluto dito ay hindi ko alam kung paano buksan itong kalan na di-kuryente.
"Anong niluluto mo?" Nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko.
"Sinigang. Kumakain ka ba nun?"
He nodded.
Natuwa naman ako dahil kumakain pala siya ng sinigang. Pagkatapos kong magluto ay kumain na kami.
Nakita ko ang maamo niyang mukha habang kumakain. Wearing his sando and boxer, again. Iyong abs niya naman ngayon sa braso ang nakikita ko.
"Why?" Bumalik ako sa katinuan ng magsalita siya.
Paulit-ulit na lang. Lagi akong nawawala sa sarili ko kapag kaharap ko siya lalo na't pag tumititig ako.
Bumalik ako sa pagkain ko at sumubo na. Ang sarap nga ng luto ko kaso hindi ako makakain ng maayos dahil sa kaharap kong lalaki na kumakain ngayon. Wala na akong balak na sagutin ang 'why' niya dahil baka kung ano na naman ang masabi ko o kaya ay mawala ang sagot ko sa tanong niya.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na ako sa kwarto at humiga sa kama. Hanggang ngayon talaga naalala ko pa rin ang panaginip ko kagabi. Nandoon na kasi sa kiss the bride tapos panaginip lang pala.
Why am I sad about that dreamed?
DALAWANG LINGGO ang matuling lumipas. Nandito na sina ate at kuya noong nakaraang linggo pa kasabay noon ang paguwi ni Raiver sa kanila.
Bakit ganoon noong una wala sila ate ang hinahanap ko? Ngayon sila ay namang nandito, iba ang hinahanap ko. Nasanay na rin yata ako na kasama ko siya dito sa mansyon.
Kahit nalulungkot at hindi ko maalis ang saya at excitement na nararamdaman ko. Ate is now a one week pregnant. Talagang tinupad ni kuya Ruzzell na hindi sila babalik dito ng hindi nabubuntis si ate.
I'm really excited about it. Hindi mapapantayan ng kung ano ang sayang nararamdaman ng pamilya namin ng malaman ang tungkol doon dahil isa rin iyon sa pinakagusto nila Tita at Tito na mangyare.
Sa school, everything is alright.
Oryza is still broken because of their break up noong nakaraang linggo lang. She cried on me dahil mahal niya 'yon ex-boyfriend niya, pero tuwing kasama si Harrison, I don't know what happen to her dahil lagi siyang masaya at parang walang pinoproblema.
Si Henna ay nakipaghiwalay na sa dati niyang boyfriend dahil daw sa seloso at mainisin ito. E, diba nga si Henna ay 'happy-go-lucky' type of girl tapos iyong boyfriend niya ay mainisin, edi opposite ng katangian sila. Pero wala na naman sa kaniya 'yon dahil alam niya na dati pa ay hindi niya na mahal 'yon.
Si Harrison naman lagi na naming kasama saan kami mapunta. Sasama pa rin kahit girls day naming tatlo sasama siya. Hindi kaya pwede siyang maging bakla? Aish wag naman sana dahil sayang ang kagwapuhan taglay.
How about Raiver? How is he now? Hindi ko alam pero kasi laging ganito yung puso ko, sobrang lakas ng tibok kapag iniisip siya.
Hindi kaya may...
May gusto na ako sa kaniya?
Ang tagal ko ng tinatanong iyan sa sarili ko. Kung may gusto ba ako sa kaniya o wala. Meron ba o wala? Pero kasi diba, everytime I'm with him, hindi ako mapakali at matinag ang dibdib ko sa pagtibok.
Hays, pinapahirapan niya ako!
Ang tagal ko na siyang hindi nakikita. Diba ang magkaibigan pumupunta sa bahay ng kaibigan? E, bakit siya hindi pa rin pumupunta dito simula noong umuwi sila kuya Ruzzell?
He should visit kuya Ruzzell.
"HOY ANNE, ANO TULALEY NA LANG KANINA KA PA NAMIN TINATANONG KUNG ANONG GUSTO MONG KAINAN, KANINA PA RIN DITO ITONG WAITRESS." Napatakip ako sa tenga.
Tumingin ako sa mga tao na nandito at lahat sila ay napatigil sa pagkain at napatingin sa table naming apat.
"S-sorry, kahit ano na lang." Wala sa sariling sagot ko.
Nakakahiya. Pwede naman akong sampalin para matauhan hindi iyong sisigawan at pahihiyain pa ako sa loob pa ng restaurant na maraming tao.
"Aish. Iyan lang ang order mo kahit ano, kanina pa kami nagsasalita dito habang ikaw tulaley, problema mo?" Naasar na sabi ni Oryza.
Umiling na lamang ako at hindi na sumagot. His invading my mind for pete sake.
"Oo, sige, may kausap ako." Kunwaring kinausap ni Oryza ang kamay niya.
"Bakit ba?" I asked.
"Hoy ate, nasa resto tayo wala tayo sa panaginip." Asar na sagot ni Oryza.
I rolled my eyes and didn't even bother to answer her.
Narinig ko silang nag-uusap pero hindi ko iyon maintindihan. Please lang, kung ganito pala kalala ang isipin niya, hindi ko na lang siya iisipin. Nang dumating ang order namin ay kumain na rin kami.
"May problema ka ba?" Harrison sincerely asked.
"Oo nga share naman malay mo matulungan ka namin." Dagdag ni Henna na mabilis kong inilingan.
"Wala. Kumain na tayo."
Hindi na sila nagtanong at kumain na lamang kami.
Pagkatapos naming kumain ay naglibot kami sa mall. Sa bawat boutique na madadaanan namin ay lagi kaming pumapasok at tinitignan. At the end, hindi naman kami bibili.
"Gusto ko nitong dress," Sabi ni Henna habang hawak ang dress na gusto niya.
"Bumili ka kapag may trabaho ka na," Sagot naman nitong si Oryza.
Henna answered her a yes.
"Ikaw, wala ka bang gusto?" Tanong sa akin ni Harrison.
"Kahit naman may gusto ako, hindi ko pa rin mabibili iyong gusto ko."
"Ang hugot mo, tinatanong ko lang kung may gusto ka."
"Iba kasi gusto ko hindi 'yang dress."
"Sino ba 'yang gusto mo? Pakilala mo naman sa amin basta pag sinaktan ka sabihin mo sa akin bubugbugin ko." Natatawang saad niya dahilan para matawa na rin ako sa sinabi niya.
Inubos namin ang oras sa mall sa kakaikot sa bawat boutique na puntahan. Minsan kapag may nagustahan na kainin ay bibili kami.
Pasado alas-syete ng gabi na ng makauwi ako sa mansyon. Pinagalitan pa nga ako ni ate. Kesyo wala daw akong cellphone kaya hindi niya ako matawagan. Kaya sabi niya ay bukas alis daw kami at ibibili niya daw ako ng cellphone gamit ang sarili niyang pera. In case daw na mahuli ulit ako sa uwi ay tatawagan niya daw ako para malaman kung nasaan ako.
Nahiga na lang ako sa kama at pinikit ang mata.
Sa bawat pagpikit ng aking mata, mukha mo lamang ang nakikita. Sa bawat pag galaw, ang nakangiti mong mukha ang nasisilayan.
AGLCOLEABYG