March 7, 2015
Dear me,
Dahil nasa meeting si boss at andito lang ako sa desk ko, might as well gamitin ko ang oras na ito sa pagta-type ng aking talambuhay sa aking mahiwagang portal!
Anyway, ang totoo niyan... bored na ako at wala naman talaga akong ginagawa ngayon. Dahil, because, kasi... walang nagpapabook sa aking gwapong boss. Hindi booking para sa kung anong kabastusan, ha! Huwag green-minded! Ibig kong sabihin, walang tumatawag para magpa-schedule ng meeting o kung ano pa man.
Hindi rin kasi ako pwedeng basta-basta pumasok sa opisina niya kapag wala siya roon. Off-limits ako kapag umaalis siya, kaya hindi ko man lang maasikaso o mailigpit ang mga basura niya dahil bawal talaga.
Kanina, may napanood ako sa YouTube—iyong music video ni Taylor Swift! With matching English accent pa 'yan habang kinakanta ko, kaso may talsik-talsik na laway pang nagaganap habang nag-e-effort ako. "Out Of The Woods" iyong title. Ang galing talaga ng concept, may mga lobo pa na humahabol sa kanya!
Dahil nga napanood ko iyon, naalala ko tuloy noong sila pa ng katukayo niyang si Taylor Lautner—iyong werewolf na maraming pandesal sa katawan. Yummy, grrr! Ang sweet nila noon, pero siyempre, hindi rin sila nagtagal. Buti na rin iyon, dahil kung sila pa rin hanggang ngayon, ang itatawag sa kanila ng fans ay "Tay-Tay" gamit ang slang accent. Oh, 'di ba? Pangalan pa lang, ang sagwa na pakinggan? Kaya mabuti na ring naghiwalay sila.
Ano pa ba... Naurat din ako kay Jacob doon sa binabasa kong Wattpad story ni Kamahalang Jonaxx (no other than Heartless). Grabe, ang bigat sa loob ng kwento! Naiyak talaga ako sa part ni Auntie Coreen. Talagang one true love niya si Daddy Brandon, tapos ang sakit ng feeling na kung kailan naka-move on na iyong lalaki, ikaw heto pa rin, mukhang tangang nagnge-ngalngal sa bar. Kainis! Nainis din ako sa kung sino mang epal na naghanap ng Baby Soul 3 noon, edi sana hindi tayo naluha nang ganito! Pero okay na rin, happy ending pa rin naman ang kwento, kahit ilang drum muna ng luha ang mauubos mo bago makarating doon.
Tsaka hanep din si Coreen, 'no? Bungad pa lang ng POV ni Jacob, kaka-end lang ng "activity" nila, at talagang may pa-mention pa siya na naghugas muna siya dahil katatapos lang ng chuchu portion eklavu. Grabe ka talaga, idol! Pero at least, narealize niya sa huli na there is no one better than Rosie, because only Rosie touches his... ehem. Sana all may taga-touch ng puso, ganon lang ang peg ko rito.
Grabe, dalawang oras na akong nagta-type—
OMG, andiyan na siya! Babush! Parating na si sir!
BINABASA MO ANG
Begin Again
RomanceFenylyn Rose S. Magdua. Isang babaeng ang mundo ay umiikot lang sa mga pahina ng kanyang E-Pad at online diary. Hanggang sa isang pagkakataon na akala niya ay simpleng pag-uusap lang, nauwi sa isang hindi inaasahang tagpo. Siguro dahil sawa na akong...
