June 26th 2015

13 0 0
                                        

Dear me,


Sabi ni Mister Greens, ang ganda raw ng mga bulaklak na inilalagay ko sa office ni Mister Martè! Eh syempre! Galing 'yon sa 'mysterious sender'. 

Tapos nagtaka pa siya kung bakit isang piraso lang ng malaking Yellow Tulip ang nasa desk ko. Sabi ko naman, mas feel kong special ako sa sender kapag isa lang ang nakikita ko. Tsaka kung ako ang papipiliin, gusto ko sana ay isa lang na bulaklak ang ibigay niya sa akin araw-araw—pero ayos na rin dahil may bulaklak din naman para kay Sir. Nakakatuwa talaga 'yong kano na 'yon! Ang sarap katawanan.

Kung itatanong niyo naman sa akin kung ano ang nangyari noong Sabado, ay 'wag na! Wala kayong mapapala sa akin. Ayoko na munang isipin pa ang mga nangyari, baka umasa lang ako. Sadyang malandi lang talaga si Mister Martè, masanay na kayo. Baka nami-miss niya lang ang may kalambingan.

Minsan nga naisip ko, bilhan ko kaya si Sir ng kambing? Iyong totoo talagang kambing. Ang 'meeh' ng kambing, feeling ko bagay sa kanya—possessive at clingy! Kasi meh ng meh, gusto niya siya lang ang pansinin. 

Pero seriously, itago muna natin ang kilig sa baul. Trabaho muna, Feny. Huwag basta-basta mahuhulog, lalo na't hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maipaliwanag ang halik sa noo na 'yon.

Breath in, breath out. Back to work.

Begin AgainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon