April 20th 2015

7 0 0
                                    



Dear me,

Lunch break

Siguro nagtataka kayo kung bakit imbes na kumakain at nakiki pag chikahan ako sa mga  ka workmates ko ay nandirito ako at nag tatype. Hindi sa ayokong lumabas or sa nagtitipid ako mga friends , its because my boss bought  us lunch !!! 😁☺️ Yes, kami lang dalawa kasi love niya ko! 😝 Joke lang . Ang totoo niyan nagtataka rin ako. First time kong maranasan na i'libre ng boss ng lunch. Well, kung ito na ang first and last na treat niya sa'kin ay okay lang, atleast naranasan kong maging special 😊.

Ay oo nga pala, sorry sa pagiging MIA. Lagi kasing OT e, pag uuwi  na ko ng bahay pagod at gutom . Nga pala, may update ako sa inyo tungkol don sa nagbibigay ng flowers sa'kin ! 😚 Araw-araw na kong nakakatanggap ! Except lang nung araw na wala si Sir Maarte ( hehe ) maaga kasi ang meeting ni sir sa BGC non kaya buong araw wala siya sa office  at timing din na wala akong flowers na natanggap, feeling gloomy tuloy ako that day. Pero ayos lang .Grabe ang ganda ko lungs! Iba ibang arrangements naman tapos may mga sweet message pa, grabehan lang?!!!! Kaya nga , imbis na bad trip ako kada umaga sa traffic at usok ng EDSA at Ayala ave e, ayos lang kung ganito kagagandang bulaklak ang bubungad sa'kin . Ay ! Tapos nung isang araw may pa kape pa! E kaya lang nag kape na ko sa bahay kaya pinamigay ko na lang sa iba, and you know what guys ? After that day hindi na nasundan ang kape ! Siguro nalaman niya or nakita niyang pinamigay ko lang sa iba ang kape na galing sa kanya. 😔 e kasi isang beses lang  talaga ako pwedeng uminom ng kape madali kasi akong kabahan. 😔 Sayang. Pero ayos lang kasi atleast may flowers pa din!

So ayon nga, kaya  ako nandirito ngayon. Hehe tipid . Ano kaya nakain ni Sir?  Pansin ko nga kay sir nitong mga araw, kahit na busy siya , hindi niya na napapabayaan iyong sarili niya espicially yung muka. Hindi katulad nung nakaraan na madamo ang muka niya. Nahiya siguro sa'kin ? 😁😁 Tsaka hindi na siya masyadong cold sa'kin , dati ni sulyap hindi niya ko mapagbigyan pero ngayon, madalas ko siyang mahuli na tumitingin sa'kin , hindi sa feeling ko na may gusto sa'kin si sir ha? Pero iba kasi yung dati, feeling ko he's trying to be nice and civil na pagdating sa pakikipag usap sa'kin . Dati nga diba pag nagsasabi ako sa kanya ng mga appointments niya akala mo yung screen yung kumakausap sa kanya kasi doon lang siya nakatitig at sumasagot e.  Ngayon ,let say mga 10 seconds niya akong titignan pag nag rerespond siya sa sinasabi ko. Mga ganon.

   At dahil diyan , nag email na lang ako sa kanya bilang pa' thank you sa free lunch. With smiley emoticon .

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon