March 18, 2015

15 2 0
                                        

March 18, 2015

4:20 PM

Dear me,

Minsan pabaya talaga itong si Sir sa sarili niya. Hindi na naman kumakain kapag lunch time! Ako naman, mamumulubi na yata sa kakabili ng pagkain para sa kanya. Take note, tatlong klaseng magkakaibang pagkain ang binibili ko para lang may mapagpilian siya! Yes, tatlo talaga. Ayoko naman kasing masabihan ng mga tao rito sa floor na wala akong pakialam at hindi ako concerned sa kapakanan ng boss ko, 'no? Kaya ayan, napapagastos ako nang wala sa oras.

Tsaka wala naman siyang reklamo sa mga pagkaing inihahain ko. Pero siyempre, asahan mo namang wala ring "thank you" na lumalabas sa bibig niya. Asa pa ako, 'di ba? Tsaka pansin ko sa kanya, kung tahimik at suplado na siya noong mga nakaraang linggo, aba, ngayon mas lalo pa siyang naging tahimik. Sakit ka talaga sa bangs, Sir! Kung hindi ka lang talaga gwapo, naku ewan ko na lang! Nakakaasar.

Tsaka ito pa. Ewan ko lang kung natutulog pa ba siya sa lagay niyang iyan. Tuwing uuwi ako pagka-alas singko, andiyan pa rin siya sa loob ng opisina niya, nakakulong. Tinatanong ko nga minsan ang mga guard sa ibaba kung anong oras ba siya madalas umuwi. Aba, ang balita sa akin ng loko, minsan daw may umaakyat na babae rito sa floor namin! Kaloka, 'di ba? Mga bandang 10:00 PM daw pumupunta, at every other day kung magpakita.

So, ibig sabihin ba nito ay may bago na agad siyang babae? Wow lang. Ang bilis naman niyang makahanap ng kapalit! Samantalang si Leon nga doon sa binabasa kong novel (iyong Jonaxx universe pa rin), kahit nasa kabilang mundo na si Freya ay naging tapat at loyal pa rin siya. Kahit kailan, walang ibang nahalikan si Leon kundi si Freya lang. O, 'di ba? Matindi ang katapatan noon! Pero itong boss ko? Iba 'to, ang bilis mag-move on kung totoo man.

Kailan kaya si Sir titigil sa kaka-hunger strike niya para naman makatipid na itong wallet ko? Aba, daig ko pa ang may boyfriend sa pinaggagawa ko ngayon. Buti sana kung kami talaga ang magka-relasyon, eh ang kaso, hindi naman! Oo, aaminin kong gwapo siya, pero hindi ko talaga ma-imagine sa utak ko na magiging kami, o magiging bagay kami. Malabong mangyari.

At may nalaman pala akong bagong chika tungkol kay Mister Marte. Siya pala ay may isang mas batang kapatid na babae, at dito raw sa Pilipinas nag-aaral. Eh, bakit kaya hindi ko man lang nakikitang pumupunta rito sa office kahit minsan? O baka naman madalas siya rito noong wala pa ako sa kumpanya? Anyway, akala ko talaga noong una ay only child si Sir. Wala kasi akong nakikitang kahit anong picture frame ng pamilya o kahit ano sa loob ng opisina niya.

Sobrang plain ng kwarto niya. Walang ka-buhay-buhay, ni walang kahit isang maliit na halaman sa sulok. Ang nandoon lang ay isang mahabang black leather couch, carpet, at coffee table. Tapos ang table niya at laptop. Ay, mayroon pa palang isa—iyong parang New York overlooking view na painting. Buti pa ang opisina ni Christian Grey doon sa Fifty Shades na libro, very manly ang dating at ang sexy ng aura ng kwarto. Pero ang kay Sir? Napaka-boring!

Kailan kaya darating ang babaeng magpapabago sa opisina niyang napaka-boring at madilim? Iyong maglalagay ng kaunting kulay sa buhay niya. Ewan ko ba!

Begin AgainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon