April 05, 2015

14 1 0
                                        

Dear me,

10:00 PM

Two months na pala ako sa trabaho! Hooray!

Well, dahil diyan, nakatikim na ng pera ulit ang aking ATM! 'Di ba nga halos masaid ang laman niyon noong nakaraan kaka-libre ko ng pagkain kay Bossing? Pero worth it naman ang naging pagtitiis ko. Bakit? Dahil binalik ni Sir ang lahat ng nagastos ko sa kanya, may pasobra pa yata! Ang galing lang.

Tsaka ito pa pala ang malaking chika ngayong araw—may nagbigay sa akin ng flowers! Hindi ko alam kung kanino galing, basta na lang inakyat ni Martha rito sa floor namin at ipinatong sa table ko. Mukhang ewan naman ang gaga, tanong nang tanong kung sino raw ang nagayuma ko. Tingin niya ba sa akin, ganoon na kapangit para walang magkagusto nang kusa? Grabe siya sa akin, ha. Pero in fairness doon sa bouquet, ang bango-bango at halatang binili sa mamahaling flower shop.

Kung sino man itong secret admirer na ito, sana magpakita na lang siya nang diretsahan. Medyo kasi nakakatakot isipin na baka may nagaantay sa iyo sa labas o may nanonood sa bawat galaw mo habang nagtatrabaho ka. Malay ko ba kung dito-dito lang sa building ang mokong na iyon, 'di ba?

Anyway, si Sir, ganoon pa rin naman siya. Walang pinagbago—laging busy at seryoso pa rin sa buhay. Ano pa ba... hm, gwapo pa rin ba? Hayaan mo na nga siya riyan, huwag na nating masyadong purihin. Basta ang mahalaga, ako, maganda pa rin!

Begin AgainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon