June 20th 2015

16 1 0
                                        


"I specifically ordered you to pile this according to their numbers! That's the only thing I asked you and yet—"

Sermon ni Mister Marte habang iwinawagayway sa harap ko ang mga papel na parang hindi ko nakikita nang malinaw. Halos ihagis niya na sa mukha ko ang mga papeles na pinagpuyatan ko kahapon. Hindi ko naman sinasadya ang kasalanang ito. Kulang na lang ay palabasin niyang ang maliit na pagkakamaling ito ang magiging sanhi ng pagkagunaw ng mundo, o parang binaluktot ko ang batas ng kanyang kaharian.

Eh, 'di ba mas malala pa nga iyong una kong pagkakamali tungkol sa nakalimutang meeting? Bakit feeling ko mas matindi ang galit niya ngayon? Pwede ko naman ulitin 'yan nang walang pag-aalinlangan. I can accept and be truly responsible for my mistake. Normal lang naman sa taong magkamali, 'di ba?

Tsaka pangalawang pagkakamali ko pa lang naman ito simula nung pumasok ako. Gutom na gutom lang talaga ako noong oras na iyon kaya medyo hindi ko natutukan ang pagsusunod-sunod ng mga numero. Sa sobrang lakas at bangis ng boses niya, pusta ko paglabas ko ng pinto ay marami nang nakatingin sa akin sa floor. Hindi sa pinalalaki ko ang isyu, pero nakakahiya pa rin.

"...Are you really that estúpida that you couldn't just comprehend a simple task, Miss Magdua?!"

Mula sa nakayukong pagtitig sa sahig, hindi ko na napigilan ang mag-angat ng tingin at tignan siya diretso sa mata. Nagpantig talaga ang mga tenga ko matapos kong marinig ang mapangmaliit at degrading na salitang iyon mula sa kanya. May mga luha nang nagbabadyang kumawala, pero pinili kong ibaba ulit ang tingin at lunukin ang bikig na humaharang sa aking lalamunan. Pero bago ko binuwag ang isang minutong pakikipagtitigan sa matatalas niyang mata, parang nakita ko ang bahagyang paglambot ng ekspresyon niya—o baka naman namamalikmata lang ako dahil nanlalabo na ang paningin ko sa luha.

As if my tears could understand my pain, hindi ko na napigilan ang pag-unghol ng iyak. At dahil carpeted ang sahig ng opisina ni Sir, kitang-kita ang mabilis na paglamon ng tela sa mga pumatak kong luha. Tahimik akong sumisinghot nang ubod ng lakas habang patuloy pa rin siya sa pagsesermon tungkol sa bwisit na pagkakamaling iyon.

It's okay, kaya ko 'to. Dahil pangalawa ko pa lang naman itong pagkakamali at sana ay ito na rin ang pinakahuli. Intindihin mo na lang, Fen... kasalanan mo naman kasi, kaya panindigan mo at magpakatatag ka!

Tanging ang malakas na pagbagsak ng kanyang mga kamay sa lamesa ang huling ingay na narekord ng utak ko. Masyado na akong abala sa pakikipag-away sa sarili kong emosyon kaya hindi ko na nagawang pakinggan ang mga huli niyang sinabi. I closed my eyes tightly. Noong wala na akong marinig na boses, dahan-dahan akong humingi ng paumanhin at nangakong hindi na ito mauulit muli. Pagkatapos niyon ay mabilis akong lumabas ng opisina niya para kahit paano ay makahinga ako nang maluwag.

Tahimik akong nagdasal na sana ay walang magtangkang magtanong o dumiwang sa akin sa labas. At laking pasasalamat ko dahil sinagot ang panalangin ko—walang nagtangkang lumapit sa cubicle ko. Habang nakatitig sa computer screen, paulit-ulit na nagre-replay sa isip ko ang masakit na eksenang nangyari kanina. Bumuntong-hininga ako at pinilit ang sarili kong magtrabaho.

"Well, what a great day to start..."

Pait akong napangiti habang sinisimulan kong ayusin at ipunin ulit ang mga nagkalat na papel sa desk ko—iyong mga papel na minadali kong pulutin mula sa sahig at sa mesa niya kanina bago ako lumabas.

"Hi..."

Nasa defense mode agad ang utak ko nang may biglang magsalita sa likuran ko. Pagharap ko, bumungad sa akin ang isang lalaking may hawak na tray ng pagkain. Buti na lang talaga hindi umandar ang pagkapraning ko, kundi sa akin pa mismo mabubuhos ang tanghalian niya.

Begin AgainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon