March 20, 2015

16 3 0
                                        

Dear me,

10:00 PM

Napapansin mo naman siguro na hindi ako gaanong nakakadaan dito sa mahiwagang portal ko. Wala naman kasing masyadong kakaibang nangyari nitong mga nakaraang araw. Well, ganoon pa rin naman ang mukha ni Sir, pero mas malinis na siya tingnan ngayon. Sa totoo lang, mas nakaka-inspire tumingin sa kanya kapag maaliwalas ang mukha niya.

Hindi tulad noong nakaraan! Grabe, ang fierce na nga tingnan ng mga mata niya na may matching thick eyelashes, dumagdag pa iyong makapal na balbas at bigote sa palibot ng panga niya—sobrang nakaka-distract! Kaya nga noong isang araw, hindi ko mapigilan ang sarili kong tanungin siya kung nakikita ba niya ang itsura niya sa salamin. Eh, kasi naman! Ang ayos-ayos ko bilang secretary, tapos ang Boss ko, mukha nang kaanib ng mga terorista sa sobrang dugyot?

Kaya naman kanina, talagang napangiti ako nang pagharap ko sa kanya ay shaving-shaved at malinis na ang mga pisngi niya. Mukhang tao na siya ulit, at bumalik na ang pagka-baby face niya. Mas madali na siyang tingnan ngayon nang hindi natatakot.

Begin AgainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon