March 11, 2015

11 2 0
                                    

                              March 11,2015
                               9:07pm

Dear me ,

Sa totoo lang, isang oras na 'kong nakatitig lang sa screen . Trying to sink in, every details actually , about what happened last Saturday . Guys , alam kong masama ang magkwento at mangi alam sa buhay ng may buhay dahil alam ko rin na hindi ito ikakaunlad ng ekonomiya kaya, kaya imbis na magkwento sa iba ay dito ko na lang ilalabas.

That Saturday . Iyon na ata ang pinaka malungkot na araw para sa aking boss. Sanay ako sa mga sad stories at epic ending ng mga nababasa ko mapa libro man o online or Facebook . Pero , iba pa rin kapag sa totoong buhay na , iyong ikaw mismo ang nakasaksi.

Hindi ko alam kung , iiwan ko ba siya sa loob ng restaurant or, lalapitan pagkatapos siyang iwan ni miss Arva.

Bago iyon ay excited pa si sir, I mean kahit hindi halata sa face ni sir na masaya siya pero ramdam ko iyong aura niya . Hindi tulad sa mga ordinaryong araw ko siyang nakakasama. This day, it's special . Very extra super special . Kaya pati ako naging excited . Nakita ko ang paglabas masok ng mga delivery man sa office ni sir, dala-dala ang bouquet at isang white paper bag na Tiffany & Co. . Tinawag niya 'ko para sabihin na sumama sa lakad niya.

Excited pa naman ako kasi, first time kong magkaroon ng participation sa ganitong special day. At sa boss ko pa .

Pero lahat iyon , lahat ng anticipation . Ng enjoyment . As in lahat lahat . Alam kong siya lahat ang nag prepare noon kasi ang ginawa ko lang ay maghintay sa desk ko sa mga tawag galing sa baba para paakyatin ang mga orders ni sir. Ang tawagan si miss Arva at kunwaring sabihin na kailangan siya ni sir na pumunta sa restaurant. Ang maging audience sa labas.

Ramdam ko iyong , bigat? Iyong sakit? Bigat at sakit kasi akala ko magiging happy ending sila. Akala ko sa wakas, makikita ko na si sir na naka smile araw araw. Ini imagine ko na nga habang naguusap sila non e. Pero tulad sa mga ibang libro na nabasa ko, isa rin sila sa mga hindi mapalad na magkaroon ng happy ending . 😥😢

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo sa labas . Parang ang hirap gumalaw. Parang ang hirap huminga. Tumigil ang mundo ko. Lalo nang makita ko na siyang umiyak. 😞

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon