"Maybe running away is futile. Maybe fooling yourself is like facing your doom. Maybe trying to turn into the opposite way is like driving into a dead-end road. Maybe... It's time for you to face the truth. It's time to accept what it's leading you into. It's time for you to be brave. It's time for you to—"
Natigil ako sa pagbabasa ng novel sa isang ring mula sa telephone. Isa na namang tawag mula sa isang client na gustong magpa-set ng meeting for Monday.
"Thank you for this wonderful treat, Mister Martè—"
Agad niya akong matalim na tinitigan sa pagiging pormal ko sa kanya. Hiniling niya kasi kagabi na Philip na lang ang itawag ko sa kanya kapag kami-kami lamang at walang ibang nakakarinig. I badly wanted to disagree with him, pero with his lightning eyes, baka masunog at maging abo pa ako nang wala sa oras kung tumanggi ako.
"...sorry, Philip. Philip."
Tumawa pa ako nang kaunti nang makita ko ang mukha niya na biglang lumuwag—yung mukha na parang nalaman na nakapasa siya sa bar exam sa sobrang tuwa.
"I should hear you laugh more, Fen. And no—I should be the one to thank you. Nagpadala ako sa stress at ikaw ang napagbalingan ko," he sounded so sincere that I couldn't help but memorize and be mesmerized with his manly voice.
And yes, nagta-Tagalog naman pala ang loko! I can still imagine my face the moment he started to talk in Tagalog kahapon sa restaurant. As in, talagang tuwang-tuwa ako noon with matching palakpak pa! Ang epic ng naging reaction ko dahil akala ko purong Ingles lang ang alam ng bibig niya.
"Sige po—I mean, sige, Philip, mauna na ako."
Though he tried to persuade me on taking me home, hello?! Ano ako, bale? Tinakbuhan ko lang siya sabay para ng taxi sa labas. Yes, taxi. So much for being independent!
"Miss, baka pwedeng i-share iyang nakakatuwang thoughts mo? Pampa-good vibes lang..."
Binigyan ko lang si Marg ng isang vague at walang kaalam-alam na mukha rito sa pantry. But she was so persistent with her wiggling eyebrows, talagang nang-uusisa. Mabuti na lang at naiba ang usapan, and we ended up all laughing at somebody's joke. Lunch break naman kaya ayos lang mag-ingay nang kaunti.
"Guys, guys! Wait, eh paano naman si baby Feny? Wala siyang ka-date mamaya?"
Inaaya kasi ako ng grupo nila Marg, Martha, Jiggy, and Sandro na sumama mamaya sa night out nila. Diretso na raw sila doon pagkatapos na pagkatapos ng office hours natin. Pumayag ako kanina bilang sa haba na ng pag-aadjust ko sa ugali ng boss ko ay dapat may reward naman ako sa sarili ko paminsan-minsan.
Bigla silang nanahimik sa mesa at nagsitayo nang maayos. I followed their gaze, and I copied what they did. Para kaming naglalaro ng Simon Says sa bilis ng pagkaka-ayos ng tayo.
He nodded to everybody like he always does to the others, and then focused his eyes on me. "...In my office, Miss Magdua, please."
Tumango ako nang mabilis at sumunod sa kanya nang hindi na nililingon ang mga kasama ko bago ako tuluyang lumakad. Nauna na siya sa loob ng kanyang opisina, at ako naman ay mabilis na kinuha ang notebook ko sa table ko para baka sakaling may ipagbibilin siya bago matapos ang araw.
Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan mula sa loob. Mabuti na lamang at napigilan ko agad ang aking kamao sa pagkatok, kundi ay lumanding na ito nang malakas sa kanyang noo! I even stepped back to put some space between us dahil masyado kaming malapit sa isa't isa. He opened the door wide, left it open, and went straight ahead to his chair.
It took me a few seconds before I calmed myself and followed him inside. I clicked my pen, opened my notes, and waited for him to speak. Nakatayo ako roon sa tapat ng kanyang table but not so near.
BINABASA MO ANG
Begin Again
Storie d'AmoreFenylyn Rose S. Magdua. Isang babaeng ang mundo ay umiikot lang sa mga pahina ng kanyang E-Pad at online diary. Hanggang sa isang pagkakataon na akala niya ay simpleng pag-uusap lang, nauwi sa isang hindi inaasahang tagpo. Siguro dahil sawa na akong...
