March 9 2015

18 2 0
                                        

March 9, 2015

Dear me,

Sabado. Dapat ngayon, nagpapakasarap ako sa pagtulog. Malamang nga sa mga oras na ito, tulog na tulog pa ako. Pero hindi. Andito ako ngayon sa office habang si boss naman ay nasa loob ng kanyang mahiwagang kwarto. Mukha nga siyang agitated ngayon—actually, kagabi pa siya ganyan, eh.

At speaking of kagabi, alam mo bang may girlfriend pala itong mama na ito? Aba, ang ganda! Wala akong masyadong alam sa background nung babae, pero ang napansin ko, mabait siya at sobrang ganda. Nahiya nga ako, kasi hindi ko muna siya pinapasok agad nung magsabi siya na gusto niyang makausap si Sir Philip.

Ay, hindi ko pa pala nasasabi ang pangalan ng boss ko, 'no? Siya si Philip Ace Marte. At ang girlfriend niyang maganda ay si Arva Rodriguez. Nakangiti nga lang siya palagi kahit pinaghintay ko muna siya ng limang minuto.

Ayon nga, pagkalabas nung babae kagabi, andoon pa rin si Sir sa opisina niya. Susko, alas-siyete na ng gabi noon at andoon pa rin siya sa loob, kaya nagpa-deliver na lang ako ng pagkain. Gutom na kaya ako! Tsaka alangan naman na umuwi ako nang maaga habang siya ay andito pa rin, 'di ba?

So iyon nga, dahil hindi ko alam ang gustong pagkain ni Sir, tinext ko muna si Martha—ang aking ultimate source of knowledge dito sa kumpanya. Sabi niya, hindi naman daw picky si Sir sa pagkain, basta huwag lang lagyan ng bawang. Wow. Hindi raw picky sa lagay na 'yan, ah? So, nag-order na lang ako ng Chicken, Spareribs, limang kanin, at dalawang tall iced tea sa Pamana Restaurant.

Pagkadating ng delivery, ipinasok ko agad sa kwarto niya iyong pagkain, tapos sabay labas nang mabilis nang walang lingon-lingon.

Habang kumakain ako sa desk ko, inayos ko na rin iyong next schedule niya para sa Lunes. Siguro past 9:00 PM na nung sa wakas ay lumabas na rin si Sir sa opisina niya. Madilim na naman ang mukha, parang may dalang sariling bagyo. After 10 minutes, sumunod na rin akong bumaba, pero bago iyon ay nagpatawag muna ako ng taxi kay Manong Guard.

At ngayon ngang Sabado, andito na naman ako sa opisina sa hindi ko malaman na dahilan! Basta na lang niya ako tinawagan kanina at sinabing, "Office, now." Edi siyempre, nataranta ako at nagmadali!

At ito nga ako ngayon—

Ay, tinatawag ako ni Sir. Sige, babush muna!

Begin AgainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon