March 12, 2015
3:55 PM
Dear me,
So, heto na naman ako. Obviously, hindi ako okay ngayon. Kaninang umaga, oo, pero ngayon, hinding-hindi.
Andito ngayon sa tabi ko ang isang maliit na royal blue box—at malamang, napaka-obvious naman kung anong laman niyon. Eto iyong ebidensya sa mga nangyari noong nakaraang araw na ayoko na sana pang isipin. Eh kasi naman! Nakalimutan pala ito ni Boss sa restaurant sa BGC kung saan naganap ang... alam mo na. Ito ngayon ang ikinababadtrip ng buong pagkatao ko!
Ibibigay ko ba o ibibigay ko? Oh, come on! Parang may choice naman talaga ako rito, 'di ba?
Kuwento ko muna kung paano napadpad sa akin 'to. Pabalik na ako galing lunch break nang biglang tawagin ako ni Manong Coco Martin (iyong guard namin). Sabi niya, may package daw para kay Sir na iniwan doon sa front desk. At heto nga, pagtingin ko, ito palang box na 'to.
ANONG GAGAWIN KO NGAYON?
Si Sir naman, napapansin ko na parang okay na ulit siya. Iyong tipong parang walang nangyari noong Sabado? Balik na naman sa normal ang facial expression niya. Well, ganoon pa rin naman ang mukha niya kahit masaya o malungkot—sobrang seryoso pa rin. Iniisip ko tuloy, baka imbis na makamove-on si Sir, lalo lang siyang mabadtrip o masaktan kapag iniabot ko ulit sa kanya 'to. O baka naman nakamove-on na nga ba talaga siya? Naku naman!
PAKIALAM MO BA, FENYLYN? Anong paki mo sa love life ng boss mo?
Wala pa nga akong isang buwan sa trabahong ito pero heto na agad ang bumubungad sa akin! Mag-resign na kaya ako? Tapos ano pagkatapos? Saan ka naman pupunta, Fenylyn? Eh, 'di ba nga, muntikan ka na ngang hindi matanggap dito noong una? Kaya magtiis ka!
Ewan ko ba! Kinakabahan ako. Baka mamaya, pag-iabot ko itong box sa kanya, bigla na lang niyang ibato sa mukha ko dahil sa galit.
Ewan ko na talaga!
BINABASA MO ANG
Begin Again
RomanceFenylyn Rose S. Magdua. Isang babaeng ang mundo ay umiikot lang sa mga pahina ng kanyang E-Pad at online diary. Hanggang sa isang pagkakataon na akala niya ay simpleng pag-uusap lang, nauwi sa isang hindi inaasahang tagpo. Siguro dahil sawa na akong...
