Dear me,
4:00 PM
Oh. My. Freaking. Ghouls.
Hindi nga nagbibiro iyong mamang kumausap sa akin sa pantry kanina! It is really his birthday today! Bakit naman kasi ngayon pa ako nagkamali? Sa mismong birthday pa talaga niya?! Kasalanan ko rin talaga, eh.
Dahil hindi ako mapakali kanina pagkatapos kong kumain, dali-dali akong bumaba ng building at tumakbo sa pinakamalapit na pastry shop para bumili ng isang maliit na cake. Pagdating ko naman doon, natulala ako sa dami ng choices sa display glass. Napaisip ako bigla—isipin mo, kahapon na mismong kaarawan ko, wala man lang akong biniling cake para sa sarili ko. Tapos ngayon, pagkatapos ng lahat ng masasakit na salitang natanggap ko mula sa kanya, heto ako at nakatayo sa harap ng hilera ng mga mamahaling cake para sa kanya? At ang malala pa, hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko!
Mahilig ba siya sa chocolate? O mas gusto niya ng mocha? O baka naman mas feel niya ang Black Forest? Mayaman kasi siya, kaya baka mapili siya sa lasa. Pero ang pinakamalaking tanong talaga: kumakain ba siya ng cake, o baka naman mas lalo lang siyang magalit sa akin kapag nakita niya ito? Baka mamaya, imbis na kainin, ihagis niya lang sa mukha ko ang cake!
Kaya heto ako ngayon, nakaupo sa table ko at ready na ring mag-out. Kasabay ng cake na ito, naihanda ko na rin ang resignation letter ko. Pikit-mata ko itong itinext at itinipe kanina habang mabigat ang dibdib, sabay lunok ng laway bago pinindot ang save. Para bukas, i-print ko na lang at pirmahan. Ready na akong umalis kung sakali.
Kanina, sinamantala ko ang pagkakataon na pumasok nang patago sa opisina niya habang wala siya. Ang sabi kasi ng mga nakakita, lumabas daw muna si Sir Marte—mukhang hindi pa naman siya tuluyang uuwi dahil pataas daw na floor ang pinindot niyang button sa elevator.
Kaya ayon, mabilis ko itong ipinasok sa sarili niyang refrigerator sa loob ng office. Pero bago ko itinago ang buong cake, naghiwa muna ako ng isang slice at ipinatong ko iyon sa table niya. Nilagyan ko rin ng sticky note na may nakasulat na, "Happy Birthday, Sir," at may maliit na habol na salitang "Sorry" sa ibaba.
Siguro naman okay na ang ganoon, 'di ba? Well, sana lang talaga ay wala akong maging kagalit o kaaway bago man lang ako tuluyang umalis sa kumpanyang ito.
BINABASA MO ANG
Begin Again
RomanceFenylyn Rose S. Magdua. Isang babaeng ang mundo ay umiikot lang sa mga pahina ng kanyang E-Pad at online diary. Hanggang sa isang pagkakataon na akala niya ay simpleng pag-uusap lang, nauwi sa isang hindi inaasahang tagpo. Siguro dahil sawa na akong...
