March 5 2015

19 2 0
                                        


March 5, 2015


Dear me,


Ang sakit ng tiyan ko, grabe! As in ngayon na!Andito ako sa office, dito mismo sa munting cubicle ko. Pawis na pawis na ako at namimilipit sa sakit. Ang malala pa rito, may CCTV na nakatutok mismo sa pwesto ko na pwedeng i-monitor ni Sir Gloomy mula sa loob ng opisina niya. Dahil doon, kailangan kong magkunwari na ayos lang ako. Na professional ako.Kailangan kong umakto na sobrang busy sa pagpindot sa keyboard kahit na ang totoo, kung ano-anong walang kwentang bagay na lang ang itina-type ko rito. Kahit na sa totoo lang, gusto ko na talagang magbuga ng usok. Halos lahat na yata ng santo sa buong Pilipinas ay natawag at naorasyonan ko na sa isip ko habang pabalik-balik ang pintig ng sakit. Pero wala, tiis-ganda muna. Professional ako. Professional ako. PROFESSIONAL AKO. Prof—Hindi ko na talaga kaya!*(Takbo sa banyo)*...SUCCESS! Safe rin sa wakas. Nakaraos din!


—Me,

Begin AgainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon