June 22nd 2015

12 0 0
                                        

Dear me,

I actually don't know how to start this. It's really weird and awkward.

Anyway, I just wanted to divert my attention into something para hindi ko siya masyadong isipin. He's not here right now. Naroon siya sa kameeting niya sa Shangri-La Hotel The Fort, at may sunod-sunod na appointments pa siya for today. Ayan kasi ang napapala niya sa kaka-cancel niya ng meetings noong isang araw, eh. Buti na lang at mayroon siyang ka-lunch meeting somewhere in Makati, at dinner meeting sa Makati pa rin. Again, tambak ang trabaho niya ngayon.

Bakit ba siya ganoon, 'no?

Ay naku, ayoko na. Mababaliw ako sa kakaisip ng mga nangyari kahapon, eh. Siguro ganoon dapat ang pakikitungo niya sa akin noon pa man, sadyang late lang niyang pinaramdam. Pero heller?! Bakit niya naman hahawakan ang kamay ko tapos tititigan ako ng—ng—ah, basta! Nakakainis isipin!

Dahil sa mga pinaggagawa niya kahapon, pati iyong balak kong pagre-resign ay tuluyan ko nang nakalimutan! Ni hindi ko na nai-print ang resignation letter ko dahil sa gulo ng utak ko ngayon.

Ah, wait. Tumatawag si sir Martè! Sagutin ko muna ito.

Begin AgainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon