June 21st 2015

13 1 0
                                        


"Fen, pakikuha raw ng package sa baba para kay sir Martè." Kunot-noo ko siyang tinitigan.

"Bakit sa iyo pinasabi, Marg?" Ako naman ang secretary, bakit hindi ako ang lapitan o tawagan nang direkta?

Nagkibit-balikat lang si Marg dahil malamang wala rin siyang kaalam-alam sa dahilan. Pero hindi pa rin maalis sa kanyang mukha ang pagdududa. Kita mo ito, ako nga dapat ang nagdududa rito, eh. Paano kung hindi pala totoo na utos iyon ni sir Martè tapos bigla niya akong hanapin sa desk ko? Imbis na matiwasay akong aalis sa kumpanyang ito kapag nag-resign ako, magkakaroon pa yata kami ng tampuhan bago maghiwalay. Pasaway talaga.

Bumaba ako sa lobby para kunin ang tinutukoy na package para kay sir Martè. Ang arte talaga, kailangan may pasugo pa. Tsk.

Nakangiting inabot sa akin ng receptionist ang package para kay sir Martè. Flowers? Oh well, baka nagkaayos na sila ni Miss—never mind.

Pasilip at pasimpleng inamoy-amoy ko muna ang bouquet habang naglalakad pabalik sa elevator. I can't help but smile, ang sobrang ganda naman kasi talaga ng mga bulaklak na napili. Ang swerte naman ng babaeng pagbibigyan niya nito.

Sa kakasipat ko sa bouquet na ito, napansin ko ang isang maliit na card na nakasitit doon. Teka, kamukhang-kamukha ito ng card na natatanggap ko tuwing may nagbibigay sa akin ng bulaklak noong mga nakaraang linggo. And speaking of that, wala akong kahit isang bulaklak na natanggap nung mismong kaarawan ko? Hmm, sayang naman iyong magandang vase na binili ko para sa desk ko.

Kumatok ako nang tatlong beses sa pinto ng opisina niya bago ko ipinasya na pumasok sa loob. Ang tumayo rito muli ay nagpapabakla sa akin, lalo na kapag naaalala ko ang mga sumabog na eksena kahapon. Pero alam mo, imbis na katakutan ko ang kwartong ito ay dapat hindi na. Mami-miss ko rin ito kapag umalis na ako. At naisip ko, good luck na lang talaga sa susunod na magiging secretary niya rito.

Hindi man lang siya kumibo nung pumasok ako—the usual, of course—kaya naman tikhim ang ginawa ko para makuha ang pansin niya.

"Aah, Sir? Where do you want me to deliver t-this—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko, bes. At feeling ko, mauubusan na ako ng dugo sa ugat. Sinaktan mo ang pu—Fen! Ano ba, hindi ito ang tamang oras para kumanta ng hugot songs sa utak mo.

"Uhm—" Halos magusot ko na ang ribbon sa higpit ng paghawak ko sa bouquet, na para bang dito nakasalalay ang buong buhay ko. He is so—

"Please read what's on the card, Fen." He asked calmly, then he locked again his attention to his laptop.

Sinubukan kong hanapin at bunutin ang card sa loob ng bouquet nang mabilis, pero dahil sa panginginig ng mga kamay ko ngayon, nahihirapan ako. Nang nahanap ko na rin sa wakas ang card at nahawakan ko ito, hindi ko alam kung bakit pero parang nakahinga ako ng maluwag. Pero agad din namang nahulog ang kaluluwa ko sa isang malalim na bangin pagkabasa ko sa nakasulat.

"What's inside, Fen?"

Alam kong hindi siya nakatingin sa akin dahil nakatitig pa rin siya sa computer niya, pero I can sense his humor. Ramdam kong nasi-sense niyang tense na tense ako ngayon sa kinatatayuan ko sa harap ng mesa niya. The fuck, who wouldn't be? At parang may nakakatawa pa sa sitwasyon ko ngayon para sa kanya. Kung hindi ko lang talaga ito boss, kanina ko pa ito pinagpalo ng hawak kong bouquet.

Gustong-gusto niya talaga akong pinahihirapan palagi—not that I'm complaining, but you know? A little bit—at least a tiny bitsy of concern from him will do naman, 'di ba? Pero dahil sir Martè siya, ay talagang pinapanindigan niya ang pagiging maarte at misteryoso sa buhay.

The fact na tinatawag niya ako sa tunay kong pangalan ngayon ay parang isang panaginip. Para akong lumulutang—okay, enough of this mushy stuff. Back to reality, Fen.

And so, hindi ko pa rin talaga mapaniwalaan ang katotohanang biglang tumama sa akin nang napakalakas. He's being nice to me. And now, I can even really feel his presence na para bang nasa harap ko lamang siya nang husto. Iyong mga balahibo ko sa batok ay nagtayuan bigla. Parang mas naging sensitive ako masyado sa paligid ko ngayon.

Binasa ko muli sa isip ko ang mensahe niya sa card:

I'm sorry, Fen. And thank you for the cake. Happy birthday to us.

Simple at maigsing mensahe lang naman kung tutuusin, pero hindi iyon ang mahalaga, eh. It's his effort and thoughtfulness na hindi ko inaasahan mula sa isang tulad niya. Iyon lang ang sapat na para sa akin. Oh, sa sobrang tuwa ko nga ay parang gusto ko na siyang yakapin bigla.

At ang realization na iyon ang nagpatingkad ng ngiti sa mga labi ko. Isang totoong ngiti. Contentment. Ang huling pagkakataon na natatandaan kong naramdaman ko ang ganitong gaan ng loob ay noong nagkwento ako nang nagkwento sa kanya tungkol sa mga nangyari sa akin sa tour, noong nandoon pa kami sa Cebu. Aah, that moment. I wish I could turn back the time, kahit sandali lang.

It makes me think na he was trying to be nice to me noon sa pamamagitan ng pag-upo sa tabi ko at pakikinig sa walang katapusan kong daldal. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Pakiramdam ko ay iyon ang naging special moment naming dalawa. One of our moments—no, the only moment we set aside our professional status of being the boss and his employee.

Kaya naman kahit gaano niya ako kasigawan noong isang araw, hindi ko talaga magawang magalit nang matagal sa kanya kahapon. Tampo, oo, natural lang iyon. But I can't erase the fact that he had the right to do that dahil nagkamali naman talaga ako sa trabaho ko.

The feeling is overwhelming to the point na being happy isn't enough na para sa akin ngayon. Kailangan ko siyang pasalamatan nang maayos. That's it, magpapasalamat ako sa kanya ngayon din.

Habang balak ko nang buksan ang bibig ko para magsalita, biglang na-stuck ang mga paa ko sa carpeted na sahig ng opisina ni sir Martè. Hindi dahil may nakalagay na glue o naugatan na ako sa kinatatayuan ko rito.

His aura is not dark anymore. It's not gloomy. Hindi na ako parang nakakakita ng isang nakakatakot na monster na lalamunin ako ng buo. Mas mukha na siyang isang milagro ngayon sa paningin ko. Miracle. Hindi ko mapigilan ang mapanganga habang sinusulit ang moment na ganito siya kagwapo sa harapan ko—na madalas ay hindi ko naman nakikita dahil palagi siyang nakasimangot. Tama ba itong mga pinagsasabi ko? Nagme-make sense ba ako sa inyo, guys? Sa sobrang shock ng utak ko, hindi ko na malaman kung paano bubuuin ang tamang sentence sa isip ko. God.

Iyong crush ko... Finally, nasabi ko na rin ba sa diary na ito na crush ko talaga si sir Martè?

He is so... Oh, bakit ba ako nagiging ganito ka-exaggerated ngayon? Well, siyempre, it's because—

It's because he is freaking standing right in front of me!

Begin AgainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon