March 6 2015

16 2 0
                                        


March 6, 2015

Dear me,

Kahapon, parang isang kalagim-lagim at hindi malilimutang trahedya ang nangyari sa akin. First time kong magpasabog sa hindi ko bahay! Halos naubos ko na nga iyong pampabango sa banyo para lang hindi maamoy ng iba. Buti na lang talaga, wala pang gaanong tao roon nung oras na iyon.Ako, ang toilet bowl, pati na rin si Ate Amoy's Power lang ang nakakaalam ng sikretong ito. Opo, Amoy's Power talaga ang pangalan ng brand ng panlinis doon!Anyway, pagkatapos kong magkalat—este, mag-bathroom break—bigla akong sinabihan ni Martha na hinahanap na raw ako ni Bossing. Patay! As in, kabado bente! Pero bago ako tuluyang pumasok sa opisina niya, nag-alcohol muna ako nang sandamakmak. Mahirap na, baka may "bakas" at ebidensya pa akong dala-dala.Kumatok muna ako bago pumasok. Grabe, abot-abot talaga ang kaba ko! Alam mo iyong pakiramdam na para kang nag-aabang sa professor mo na mag-announce kung sino ang bagsak sa subject niya? Ganoong-ganoon ang peg ko!Sumilip ako sa loob. Walang kaingay-ingay; tunog ng aircon lang ang maririnig mo. Siyempre, ulo ko lang muna ang ipinasok ko sa pinto. Malay ko ba kung anong nangyayari kay Sir sa loob? At least, kung sakaling babatuhin niya ako ng stapler, makakailag ako agad! Ayos ang strategy ko, 'di ba?Pero pagtingin ko, wala siya sa couch niya, at wala rin sa usual spot niya na nakatayo habang nakatanaw sa malalaking bintana. At napansin ko rin... hmm, ang bango talaga ng pabango ni Sir! Wala rin siya sa mismong swivel chair niya. Patay, nasaan na kaya iyon?At ang mas nakakatakot pa, biglang may nagsalita sa mismong likuran ko!Siyempre, ang madalas kong masabi kapag nagugulat ako ay kung ano mismo ang nasa isip ko nung sandaling iyon. Kaya ayun, nasabi ko nang malakas na mabango nga ang kwarto niya.Kanino pa ba manggagaling iyong boses na nakakatayo ng balahibo sa lamig? Edi sa gwapo kong boss!Dahan-dahan akong humarap sa kanya—slow motion ang eksena. Naka-peace sign pa ako habang nagpapakita ng pilit na ngiti. Kaso, mukhang walang epekto ang pagpapacute ko kaya tumabi na lang ako agad para paraanin siya. Ang dilim na naman ng aura niya, grabe!Pero naisip ko lang, ha... hindi ko lang sure, kasi nung oras na iyon, parang nakita ko siyang ngumiti nang palihim? Iyong klase ng ngiti na nababasa ko lang sa mga bidang lalaki sa mga wattpad books—iyong "umangat nang bahagya ang gilid ng kanyang mga labi." Naks!Mala-Jonaxx boy pala ang peg nitong boss ko pag nagkataon? Oraaaaayt!



Begin AgainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon