Dear me,
Oh my goodness, I'm so sorry! Ngayon lang ako napadaan ulit dito sa mahiwagang portal ko. Ang dami kasing nangyari nitong mga nakaraang linggo! To sum it up, nag-business trip lang naman ako—ay, este kami pala ng boss ko!
Hindi naman out of the country, out of town lang dito sa loob ng Pilipinas. Pero at least, may "out" na word pa rin, 'di ba? Bale, ngayon lang kami tuluyang nakabalik dito sa opisina mula sa mahaba naming biyahe na nagsimula noong April 22nd hanggang May 31st. Grabe, ang tagal niyon, 'di ba? Pero sobrang sulit naman dahil ang ganda-ganda pala talaga sa Cebu! Sobra!
Kaso si Sir, pinagod ako nang husto doon—oy, huwag green-minded, hindi sa ibang paraan ng pagkapagod, ha? Kundi sa trabaho mismo! Ang isa kasi sa mga main branches ng kumpanya nila ay nandoon sa Cebu, at doon pinili ng mga board of directors at stockholders na mag-meeting. Ayon, pagoda ang beauty ko sa kakarampa buong araw. Ang opisina kasi ni Sir doon ay nasa 6th floor, tapos ang conference room naman ay nasa 12th floor. May mga times na nagmamadali ako at hindi ko na maantay ang elevator, kaya sa hagdan na ako nakikipagbakbakan nang takbuhan!
Siyempre, kapag may mga nira-rush na files si Sir na kailangang kunin mula sa opisina niya, kapag sinabi niyang, "I need you..." alam ko na agad ang ibig niyang sabihin. Oy, hindi na naman 'yan tungkol sa iniisip mo, ha! Ikaw talaga, bad! Ang ibig kong sabihin ay, "I need you to get this profile." O, 'di ba? Hindi pa kasi tapos magsalita si Sir noon, eh!
At dapat, kapag nagbigay siya ng approximate time limit, kailangang makabalik ako roon nang saktong oras o mas maaga pa. Kaya naman dinaig ko pa ang sumali sa marathon sa kakamadali. Kaya imbis na makapag-update at makipagchikahan ako rito sa diary ko gabi-gabi habang nasa Cebu, plakda si inday sa kama pagkatapos ng trabaho sa sobrang pagod.
Pero ayos lang talaga ang lahat dahil marami akong nakilalang mga kapwa assistant ng ibang big bosses doon, at ang saya-saya lang ng naging bonding namin! Lalo na noong huling linggo na namin sa Cebu, isinama ako ng mga co-workers ko roon na mamasyal sa iba't ibang sikat na tourist spots. Grabe, ang ganda talaga! Pakiramdam ko, babalik at babalik ulit ako sa Cebu sa susunod.
Sa sobrang pagka-in love ko sa mga lugar na pinuntahan namin, pagbalik sa hotel ay talagang kinatok ko si Sir Marte sa room niya para magkwento. Ako na talaga ang feeling close! Pero kasi, pakiramdam ko talaga ay sasabog ang buong katawan ko sa sobrang saya, at hindi ko alam kung saan ko iyon ilulugar. Kaya bago pa ako maloka sa excitement, dinaldal ko siya at ikinuwento ko sa kanya ang bawat detalye ng pamamasyal ko. Iniisip ko na lang, wala naman siyang karapatang magreklamo dahil ako nga, walang reklamo sa everyday exercise na pinapagawa niya sa akin sa hagdan, kaya ano ba naman iyong makinig siya sa kwento ko, 'di ba?
At alam mo ba? Hindi nga siya nagreklamo kahit kaunti! Prenteng-prente lang siyang nakasandal sa sofa habang nakatingin sa kawalan habang ako naman ay daldal nang daldal sa harap niya. O, 'di ba? Ang galing-galing niyang makinig, parang seryosong-seryoso sa buhay.
Ayon, naging masaya naman ang buong trip kahit nakakapagod. Marami rin akong natutunang mahahalagang lessons sa biyaheng iyon. Una, dapat malakas ang stamina mo para sa akyatan at babaan sa hagdan. Pangalawa, dapat lagi kang may baong candy sa bulsa para hindi ka biglang magutom habang nagtatakbo. At pangatlo, dapat pala ay madalas kang makipag-communicate sa boss mo para mas maging strong ang propesyonal na relationship ninyo bilang mag-boss, 'di ba?
Hay... pero sana naman ay huwag muna mauulit ang ganoong katinding trip sa susunod. Nakakangalay din sa binti!
BINABASA MO ANG
Begin Again
RomanceFenylyn Rose S. Magdua. Isang babaeng ang mundo ay umiikot lang sa mga pahina ng kanyang E-Pad at online diary. Hanggang sa isang pagkakataon na akala niya ay simpleng pag-uusap lang, nauwi sa isang hindi inaasahang tagpo. Siguro dahil sawa na akong...
