June 21st ( part 2 )

10 1 0
                                        


'Di ba magre-resign ka na, Feny? 'Di ba? Yes, Feny, keep convincing yourself.

Siguro dahil napagod na ako sa kakatitig at kakantunganga sa kanya, my mouth finally decided to say something. Pero bago pa ako nakapagsalita, sandali—hindi ako makahinga! No! Hindi ito joke! I'm choking! Help! Nakalunok yata ako ng sarili kong laway sa sobrang kaba!

"Fen! Jesus, what's happening to you?!"

Bigla siyang lumapit sa akin at hinila ako palapit sa kanya, na mas lalong nagpakaba sa buong sistema ko. Hindi pa siya nakuntento, hinimas-himas pa niya ang likod ko. Jusmeo naman, lord!

"Wat—wat—ter!" sabi ko sabay hawak sa tuyo kong lalamunan. It's a matter of life and death! Ano ba itong nangyayari sa akin?!

He was so quick to run back to his table and get the half glass of water he had. Wait! Time first—pero bago pa ako nakapagreklamo na baka baso niya iyon, ipinainom na niya ito sa akin habang dahan-dahang tinatapik ang likod ko. Iniwid din niya ang mga hibla ng buhok ko na halos humarang na sa bibig ko.

Finally, I managed to breathe again. Sinubukan kong ayusin ang sarili ko. Mula sa buhok ko na halos makain ko na, sa damit kong nagusot nang kaunti, hanggang sa nagwawala kong feelings. Thanks to the water, humupa ang ubo ko. Erhm... ayoko na munang isipin kung kaninong baso ang nainuman ko.

Naramdaman ko ang biglang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Blush? Nah, baka dahil lang sa pagkaubo. Pero hindi ito ang tamang oras para mag-blush, Feny! Subukan mo kayang tanggalin muna ang pagkakahawak mo sa braso ng boss mo?!

Dahil sa taranta ko kanina, nabitawan ko pala ang bouquet kaya agad ko itong pinulot sa sahig at sinubukang ayusin. Naku naman. Umatras ako mula sa kinaroroonan ko at muling pinagpagan ang mga bulaklak.

Naku, si Sir! Nakatingin na pala siya sa akin nang mag-angat ako ng ulo. Bakas pa rin ang pag-aalala sa kanyang mga mata—or so I thought. Did I see it correctly? Did he just smirk? Sa harapan ko mismo? Well, you can't blame me, minsan ko lang kaya makitang umunat ang labi ng lalaking iyan maliban na lang kung nagsasalita siya!

I blinked a few times dahil baka napikit lang ako at guni-guni ko lamang iyon. Pero hindi, eh. Sa nakikita ko ngayon, hindi lang simpleng smirk. Nakita ko ang mga mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin! He's smiling! Dahil doon, hindi ko rin namalayan na napangiti na rin ako.

"Your life was in danger a while ago, but when you recovered, you looked so worried more for your flowers? Unbelievable."

Habol-hininga pa rin ako habang pinakikinggan ang mga salitang iyon mula sa kanya. Oh, Sir. You're making my last day even more so memorable—oh my God.

"S-sir, thank you for these beautiful flowers. And also—"

"Clear my schedule for today, Fen..." Ay, teka, hindi pwede— "...no buts, we're taking our day off today. You may get your things first, then wait for me at the elevator. We'll walk down together." Narinig ba niya ang sinabi ko, o naisip ko lang ba iyon nang malakas?

"Yes, Sir," sagot ko na lang. Wala rin namang saysay makipagdiskusyon sa kanya kaya lumakad na ako papuntang pintuan.

"Oh, and Fen," natigil ako at hinarap siya nang magsalita siya ulit, "Don't bother to call the people for the cancellations, I already did. Just clear it on your list. Then let's try to squeeze it for tomorrow's scheds."

Tumango ako tulad ng isang mabuting servant at tuluyan nang lumabas ng opisina niya. Pagkasara ko ng pinto, doon ko lang inilabas ang hangin na naipon yata sa dibdib ko habang magkausap kami. Nakarating na ako sa table ko pero parang lutang pa rin ako sa bilis ng mga pangyayari kanina.

...no buts, we're taking our day off today. You may get your things first, then wait for me at the elevator. We'll walk down together.

Did he just say "we"? Saan naman kaya kami pupunta nitong si sir Martè?

Bago pa ako maabutan ng boss ko ay mabilis ko nang inayos ang mga gamit ko. Nag-freshen up din ako nang kaunti dahil mukha na akong bangkay. Mukhang nasama sa pagka-drain ng energy ko ang makeup ko kaya naglagay ako ng kaunting pulbos at lip tint. Sinuklay ko rin ang buhok kong parang sumabog dahil sa ubo kanina.

Tumingin ako sa mini clock kong Minion sa tabi ng computer screen ko. Huh, 10:12 AM pa lang. Record-breaking ito, ito ang pinakamaagang labas ko sa buong buhay ko bilang empleyado. I can't help but feel giddy. Taena naman, Feny!

Now I feel alive and look alive. Pinalubog ko ang power button ng computer ko at pinatay ang lahat ng switches na pwedeng patayin. Pati kuko ko sa paa, patay na rin yata sa kaba. Ikaw ba naman ang makipag-unahan sa tadhana nang ganito bigla, 'di ba?

Napatayo ako nang tuwid nang bumukas ang pinto ng opisina ni Mister Martè. Sinalo ko ang bag ko at nagmamadaling naglakad papuntang elevator. Nauna akong pumasok at inantay na makahabol siya sa loob. Nang makapasok siya, tahimik kaming nakatayo rito habang dahan-dahang bumababa ang elevator. Nasa likuran ko siya banda. Sobrang tahimik. Idinaan ko na lang sa paglalaro ng mga daliri ko ang awkwardness habang nakatingin sa sahig. Parang konting ingay lang ay magugulat ka na sa sobrang bigat ng air.

Nang sa wakas ay makarating kami sa main lobby, doon ko lang tuluyang pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigilan. Masarap sigurong kasama itong si Sir manuod ng mga thriller at horror movies, hindi ka talaga makakahinga.

"Are you okay, Fen?" napabaling ako sa kanya mula sa pagkakatitig sa floor.

"I'm fine, Mister Martè," sagot ko. Huwag mo lang muna akong kausapin, Sir, at magiging okay talaga ako.

Pagkalabas namin ng building, agad na iniabot ng valet ang susi ng kotse niya. Tumango si Sir at naunang maglakad papunta sa passenger side—iyong sa tabi ng driver's seat. Binuksan niya ang pinto at hinintay akong makapasok sa loob. Gusto ko pa sanang matulala sa gentleman gestures niya kaya lang baka mairita siya, kaya binilisan ko na ang pag-upo. Nang isara niya ang pinto, sinundan ko pa siya ng tingin habang pinaliligiran niya ang sasakyan hanggang sa makapasok na rin siya sa driver's seat. Mabilis niyang isinuot ang kanyang seatbelt at ini-start ang makina.

Bigla niya akong tiningnan nang may pagtataka, tapos ay tumingin siya pababa sa bandang katawan ko. Bigla akong na-uneasy. Nakaramdam ako ng urge na takpan ang dibdib ko gamit ang kaliwang braso ko, bago ko napagtanto kung ano ang tinitignan niya—hindi ko pa pala naisusuot ang seatbelt ko!

Kaya naman nagmadali akong kabigin ang dulo nito, pero dahil sa sobrang galing ko, hindi ko ito mahila nang maayos. Inalis ko ang tingin sa kanya at ibinuhos ang lahat ng lakas ko sa bwisit na seatbelt na ito!

Narinig kong mahinang natawa ang boss ko kaya mas lalo akong na-tense nang husto! Leche talaga!

"Let me, Fen..."

Pero bago pa ako nakasagot, nakalapit na siya sa akin. Inalis niya ang nanginginig kong mga kamay mula sa pagsira sa inosenteng seatbelt. Ang mainit niyang hininga na humahaplos sa kaliwang tenga ko ay nagdulot ng kakaibang kiliti na umakyat hanggang sa batok ko—at huwag niyo nang itanong kung paano nagdikit ang mga braso naming dalawa! Sumang-ayon na rin ang tibok ng puso ko sa nararamdaman ng tiyan ko ngayon. Feeling ko ay nagkakaroon na ako ng panic attack. Bakit parang gustong tumalon ng puso ko palabas ng dibdib ko? I closed my eyes for no particular reason.

Click!

Idinilat ko ang mga mata ko at nirepaso ang paligid. Salamat sa diyos, nasa tapat pa rin kami ng building. Buhay pa naman ako. Ang biglang pagbaba ng hininga ko kanina ay nagbalik na rin sa normal. I think I'm good now. Maingat akong umayos ng upo na parang walang nangyari at parang walang bumabagabag sa akin. Hindi ko alam kung gaano katagal ang itatagal ng katahimikang ito, kaya hinarap ko siya at nagpasalamat ako nang mahina.

Binigyan lang niya ako ng isang maliit na ngiti bago tuluyang itapak ang paa sa gasolinador para mag-drive.

Uulitin ko, mukhang okay naman ako sa ngayon. Sana nga talaga.

Begin AgainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon