June 19th 2015

13 0 0
                                        

Dear beautiful,

Iiiiiiiit's... my birthday!!! Oh, yes! It's my birthday today! Woohoo!

But—it's Monday today, guys. Feel niyo rin ba ang struggle ko, mga friends? Birthday ko ngayon, tapos nataon pa sa araw ng Lunes! Leche talaga.

Kaya ayon, bigat na bigat ang loob ko—as in, lahat ng organs ko sa loob, parang nag-gain ng weight sa araw na ito. Ayokong pumasok sana, eh. Kaso si Boss, may meeting at kailangan niya ako. He needed me. Shocks, parang ang sagwa pakinggan!

Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko, siguro nahalata ni Boss na wala ako sa mood para sa marathon ngayon. Kaya ang magaling, hindi niya ako isinama sa meeting. Sa halip, pinaayos niya sa akin ang mga files niya na napag-iwanan na ng panahon sa cabinet.

Noong una, akala ko magandang pagkakataon ito para makapag-relax. Kaso, ang gusto niya, by series pa ng number ang arrangements ng bawat folder. Kainis, puto talaga! Pagkaharap ko sa tambak na files, parang mas gugustuhin ko pang sumama sa kanya sa meeting, eh. Ang dami nito, bes! Gusto ko na magbigti! Oh, eh alangan naman na ako ang magbigti, eh 'di sinong tatao rito sa story? 'Di ba?

Pero dahil si wonder Dora ako, nagawa ko naman kahit paano nang walang kain-kain. Kaya naman, balak kong bumawi at kakain na lang ako mamayang 5:00 PM pagka-out ko. Aba, 5:00 PM na kaya!

At siyempre, hindi ganoon kadali ang mag-exit. Ang magaling na tadhana—iyan, naka-caps lock para intense—siya namang timing ng tapos ng meeting ng mga boss! Natanaw ko sila sa dulo ng hallway. At dahil well-trained na ako sa takbuhan doon sa Cebu, hah! Tumakbo na ako nang mabilis papuntang elevator bago pa niya ako matawag ulit! Yaaaasss!

Oo, alam ko namang medyo mali ang ginawa ko at medyo takas ang peg ko. Kaya naman bago ako tuluyang umalis, nag-iwan muna ako ng note sa table ko at sa table niya.

Sir,

It's 5:00 PM already, sir, and I'm really sorry if I didn't wait for you before I left. It's my birthday today, sir. I hope you don't mind this, but I usually spend my birthday with my dad. I chose to come to work today, but now I am going to Baclaran Church instead to light a candle and pray.

Hoping for your kind consideration. Thank you, Mister Marte.

– Feny (your secretary)

P.S. Hindi kita kinokonsensya, sir, ha? Have a good night, sir! :)

Heto na ako ngayon, on the way na sa simbahan. Happy birthday to me! Sana huwag uminit ang ulo ni Sir bukas pagkabasa nito.

Begin AgainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon