March 15, 2015

12 2 0
                                        

March 15, 2015

10:45 AM

Dear me,

Napakabait talaga ng boss ko, grabe. Ni walang reply na "Okay," "Get well soon," o kaya naman "May you rest in peace"—kahit anong ganyang basic na pampalubag-loob, wala talaga. Total silence.

Nakaka-stress ka sa buhay, Mister Marte! Pagkatapos mo akong bulyawan noong isang araw, ganyan ka naman ngayon katipid sa text o email.

Nga pala, iyong mahiwagang asul na box na may singsing sa loob ay andito pa rin sa drawer ko rito sa bahay. Pero hindi naman ako nag-aalala dahil naka-lock naman iyon nang maayos. Hindi ko muna iisipin iyon ngayon dahil sumasakit lang ulit ang ulo ko.

Bukas, kahit medyo mabigat pa ang pakiramdam ko, papasok na ako. Kailangan, eh—mahirap na, baka tuluyan na akong mawalan ng trabaho nito. Ano kaya na naman ang mangyayari bukas sa opisina? Haharapin ko na naman ang dark aura ni Sir Gloomy.

Luh? Teka lang. Biglang nag-notify ang phone ko. May email si Sir!

...

Blank? Ha? Ano 'to? Walang kahit anong nakasulat sa body ng email. Send-error ba ito o sinadya niya para lalo akong kabahan? Buksan ko nga ulit.

Begin AgainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon