Bigla akong nanibago kay Mister Martè. Naghingi siya ng advice tungkol sa isasara nilang deals para sa expansion ng Century International Corporation—magtatayo sila ng panibagong Hotel-Condominium sa Fort Bonifacio.
Tinatanong niya kung tama bang kumuha ng bagong team ng interior designers para sa high-end building, kahit may sarili na silang team ang kumpanya. "Hmm, kung ako po tatanungin niyo, Mister Martè, maganda nga po ang suggestion ng board. Maganda iyong may bago sa paningin ng mga kliyente... pero siyempre, hindi ko pa rin po tatanggalin iyong trademark na kung saan kayo naging kilala mula noon," sagot ko.
He nodded and thanked me. Hindi biro ang bilyong nakataya rito, kaya para gumaan ang loob niya, I quoted The Lucky One: "I'm your next guy... I'll always stand by next to you... Kaya alam kong makakaya mo 'yan, Sir."
Kanina, pumasok ako sa office niya nang dahan-dahan para ilapag ang tubig at paracetamol. Mahimbing siyang natutulog sa swivel chair niya. He looked so peaceful. Kamuntikan na akong mabitawan ng kaba nang gumalaw siya at minasahe ang kanyang sentido (temple).
Hindi ko alam kung bakit, pero kusa akong hinila ng mga paa ko papunta sa likuran niya. With shaky hands and sweating forehead, unti-unti kong nilapat ang mga daliri ko sa sentido niya. Nagulat siya nang bahagya, but then his shoulders relaxed, and he groaned in relief.
Minasahe ko ang anit niya, pababa sa kanyang balikat. It's been years since I last did this—noong ginagawa ko ito sa Tatay ko. I lost track of time; he even started breathing evenly, indicating he had fallen asleep.
Nang tumigil ako, naramdaman ko ang paninigas ng braso ko. Sinubukan niyang hanapin ang mga kamay ko nang hindi iminumulat ang kanyang mga mata. So, I continued, this time massaging his neck. But then, he grabbed my hands. Sa halip na bitawan, dinala niya ang mga ito sa kanyang mga labi at hinalikan. Isang marahang halik.
My heart hammered against my ribs. "U-uhm... Mister Martè?"
"Philip, Fen..." he whispered in his sleepy, husky voice.
Gusto kong matunaw. Sa sobrang gulo ng nararamdaman ko, inunahan ko siya sa mga sasabihin niya at binawi ang aking mga kamay. I felt relieved, but when I tried to walk away, hinawakan niya ang braso ko.
"Why are you avoiding this, Fen?"
Tumigil ang mundo ko. "Excuse me? Hindi ko maintindihan, Philip, saan ako umiiwas?"
He stepped forward. I stepped back, until my back hit the glass wall. I was trapped.
He placed his arms on both sides of me. "It's inevitable, you felt it too..."
He took my hand, formed it into a fist, then loosened it, and gently placed my palm against his face—his jawline, his skin. I wanted to cry. I don't know if I'm happy or scared, but every moment with him makes everything feel so complete.
Dear me, anong gagawin ko? Pumasok ako sa opisina para magdala ng paracetamol, pero mukhang ako ang nangangailangan ng gamot para sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Begin Again
Storie d'AmoreFenylyn Rose S. Magdua. Isang babaeng ang mundo ay umiikot lang sa mga pahina ng kanyang E-Pad at online diary. Hanggang sa isang pagkakataon na akala niya ay simpleng pag-uusap lang, nauwi sa isang hindi inaasahang tagpo. Siguro dahil sawa na akong...
