March 14, 2015

14 2 0
                                        

March 14, 2015

3:00 AM

Dear me,

Anak ng tipaklong. Natuluyan na nga talaga ako.

Kapadadala ko lang ng email sa kanya para sabihing hindi ako makakapasok mamaya dahil ang taas-taas ng lagnat ko ngayon. Sabi ko na nga ba, eh. Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko, hindi ko na nakuha pang i-review o i-proofread iyong letter bago ko pinindot ang send. Bahala na siya riyan sa buhay niya kung hindi niya maintindihan ang nakasulat doon.

Nanginginig ako sa lamig ngayon kahit nakapatay ang electric fan. Ang sakit din ng buong katawan ko, lalo na ang mga mata ko tuwing ipipikit ko. Iinóm lang ako ulit ng gamot at marami-raming tubig, tapos magpapabalot na ako sa kumot.

Sana lang talaga huwag akong bulyawan sa text o tuluyang itapon sa 29th floor ni Sir Gloomy paggising ko mamaya. Kakayanin ko pa ba ang isa pang round ng sermon niya? Ewan ko na lang talaga.

Tulog na ulit ako.

Begin AgainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon