Chapter 02: That Day

112 27 33
                                    

Chapter Two: That Day
...
[September 19, 2019]

"Bro, congratulations! Job well done! Wala ka pa rin kupas! Akala ko tagilid ka dun, biruin mo nanalo ka pa rin?!" Sabay tawa ng malakas ng isang lalaking nakatalikod na nakasuot ng navy blue shirt mula sa isang bleacher sa Forestry.

"It's my pleasure to win this game Brad! Paano ba yan, you lose! Napaka-naive naman kasi ng prospect niyo, hindi manlang ako pinagpawisan. Tsk. Bakit pa kasi sa dinami-dami ng mga babae dito sa University, yung babaeng ang kapal pa ng salamin, may bangs na parang balahibo ng aso, out of the fashion na wala manlang pake kung baduy na suot niya, at higit sa lahat yung pepeng babaeng yun pa ang napili niyo? Eh andali-daling paikutin nun eh." Sabay halakhak ng isang nakaputing t-shirt na lalaki na ubod ng yabang sa katawan pero there is something wrong about his voice. I don't know pero parang familiar ang boses nito sa akin?

Narinig ko ang mga kataga at tawanang yun habang naglalakad ako ng mag-isa dito sa Forestry papuntang next class ko sa Wooden Building sa may bandang Forestry Plaza.  May apat na mga lalaki nakatalikod sa akin at nasa may bandang malalaking puno sila.

Sigurado akong sa usapang yun, may isa na namang inosente at kaawa-awang babae ang biktima ng mga 'to. 'Kainis!  Ang sarap nilang pagsusuntukin para paglaruan lang ang feelings ng iba? Sino sila para gawin yun? Tsaka wala namang masama sa salamin, bangs, pagiging tahimik at tsaka pagiging out of fashion diba? Ang importante naman comfortable ka sa suot mo, tulad ko nalang. Comfortable naman ako sa salamin at bangs ko pati na rin sa suot ko tsaka mas okay sa akin ang hindi magsalita. Ang laki ata ng problema nito sa mundo eh, pati ba naman damit at itsura ng tao lalaitin at papakialaman? Tsk. Hindi naman kailangang makipagsabayan ka sa trending just to say that you are in. Eh kung tiis ganda at di ka naman comfortable, in ka pa rin ba sa trending? Haist! May sapak ata mga 'to sa ulo.'

Pero kahit inis na inis na ako, dahil sa curiosity kong malaman kung sino panibagong kaawa-awang biktima nila, napag-desisyunan kong mag-eaves drop. Ewan ko ba at kung bakit nagpaka-tsismosa ako sa araw na'to? Maybe, I'm just curious tsaka hindi ako yung tipo ng babaeng uupo nalang sa tabi at papanoorin sila. Kailangan ng hustisya!

Mas lumapit pa ako sa kinaroroonan nila. Sa ngayon nandito ako nagtatago sa puno malapit sa kanila para mapakinggan ko ng malinaw ang pinag-uusapan.

"Woohhh! Pero sa pagkakaalam ko brother sa kanya ka lang natagalan? Hahaha! Biruin mo umabot ng isang buwan para makuha mo ang number ng geek na yun? Ewan ko sayo, hinihingi mo pa kasi personally, eh dati naman kinukuha mo nalang sa iba ha? Natagalan ka pa tuloy." Nagsipaghalakhakan sila. 'Tsk. Ang yabang niya huh? Kahit ako kung ganyan siya kahangin talagang matatagalan siya.'

"At ito pa ang malala, mukhang hindi natamaan ng charisma mo tol!? I understand kung bakit tagilid, eh wala yata yung kiliti sa katawan? Hindi manlang kinilig o nagblush kapag lumalapit ka Pare! Biruin mo yun parang walang epekto existence mo sa kanya? Ibang-iba siya sa mga prospect mo dati na hindi lumalagpas sa isang linggo kuha mo na. Kaya tama ang desisyon namin. Pero Brad, congrats parin at nagawa mong mapansin ka nun!" Ang natatawang sabi ng unang nagsalita kanina, nakipag-apiran pa nga siya sa manlolokong nakaputi.

'Tama bang tawagin ang isang tao ng geek? Who the hell is he para tumawag ng ganyan?'

"Ohh, ito 15k at susi. Nasa parking lot na yung kotse." Ang seryoso pang sabi ng isang lalaki. "Hahaha! Akala ko tagilid kana, ano bang nagpabago ng isip mong ituloy pa'to?" Ang dugtong nito sa seryoso at natatawang tanong ng nakaitim na T-shirt.

'Mga laking g*go pala silang lahat eh?! Ganun ba kalaki ang pustahan para sa sakit na ididulot nila sa biktima nila? Puso at tiwala ang winasak nila na walang anumang material na bagay ang makakapalit at mahirap makalimutan!'

PRANK ME AND I DARE YOU PLAYER!: 5173 (ENDLESS)Where stories live. Discover now