PRANK ME AND I DARE YOU PLAYER!: 5173 (ENDLESS)
PRANK ME AND I DARE YOU PLAYER!: For Five Months After A Year, Within Seven Days After Three Years (ENDLESS)
Chapter One: The Blogger
I want to see your smile
My time will stop for a while
My heart is pumping so high
Unfortunately my feelings for you was died
Because you've make it with such a lie.
Life is faith and future, but undoing 'F' in life, it becomes LIE that can vanish your feelings and the worst thing was love will DIE.
Hindi natin masasabi kung ang mga nangyayari sa ating paligid ay tunay o isang illusion lamang? We can't even say that our companions were telling the truth? Hindi natin alam kung ang nakikita ng ating mga mata ay reality? We can't even say that a single tear drop or a word coming from others are the truth? Ito ang mga bagay na napapansin ko sa aking paligid. Maraming lokohang nangyayari, mga luha at oras na nasasayang dahil sa mga walang kuwentang mga tao na walang alam kundi maglaro at manakit ng kapwa nila. Yan yata ang nagbibigay sa kanila ng kaligayahan eh?
Bakit may mga taong walang puso?
Bakit parang laro lang sa kanila ang lahat? Kung sabagay hindi naman talaga natin alam kung nabubuhay tayo sa isang laro, show o hindi? Pero ang tangi kong masasabi sa bagay na'to, dapat maniwala tayo sa ating sarili. Sa bagay na sa tingin natin ay tama at totoo ay ang dapat nating paniwalaan dahil maraming tentasyon at pagulo sa buhay na tinatahak natin. At ang pinakaimportante sa lahat maging observant ka sa bawat aksiyon ng mga taong nakapaligid sayo. Enjoy life and live happy.
At ito ang pinaniniwalaan ko, HueQuill. Ang color na lumilipad. See you sa next blogpost ko readers, thank you sa pagbabasa.
HueQuill perspective to be continued...
[Posted 06/09/2018]
Ito ang buhay ko, ang magsulat sa blog ko at mag-aral. Kasalukuyan akong nasa lagoon park ng University na pinapasukan ko. Nagta-type sa laptop ng mga realization ko for this week habang pinapanood ang babaeng umiiyak at pinagsusuntok ang dibdib ng isang lalaki dahil sa panloloko daw nito.
Ewan ko, hindi ko naman sinasadya, narinig ko nalang kasi ang babaeng umiiyak at nagsisigaw na, "Prank lang ba lahat ng ipinakita mo sa akin Cy?!"
Nakaramdam ako ng awa sa babaeng humahagulhol ng nakaluhod na sa lupa ngayon. Sana hindi ako matulad sa kanila. Galit ang naramdaman ko sa lalaking kanina iniiyakan niya kasi iniwan lang siya nito, nginitian ng nakakaloko tsaka tinalikuran. Hindi ko kilala ang babaeng umiiyak pero nagagalit ako sa lalaking yun. Naiinis din ako sa babae kasi sayang ang mga luha niya, hindi deserving ang walang pusong lalaking yun na iyakan!
'Bakit sadyang may mga taong hangal ang kaluluwa? Bakit may mga taong parang pelikula lang ang tingin sa mga nangyayari? '
Nasurvive ko ang buong first year college na may iba't-ibang klaseng kasinungalingan at panloloko akong nasasaksihan. Mga masasayang pangyayari na isa lang palang palabas.
'Ganito na ba talaga ang mundo, ang hirap makita ang reality? O tama ang Professor ko na, tayo mismo ang gumagawa ng sarili nating reality?'
...
![](https://img.wattpad.com/cover/64425556-288-k10309.jpg)
YOU ARE READING
PRANK ME AND I DARE YOU PLAYER!: 5173 (ENDLESS)
Fiksi RemajaI want to see your smile My time will stop for a while My heart is pumping so high Unfortunately my feelings for you was died Because you've make it with such a lie. Life is faith and future, but undoing 'F' in life, it becomes LIE that c...