Chapter Twenty-seven: The Owner of the Ring
Nang imulat ko ang mga mata ko na basa ngayon, nakita ko sa salamin dito sa restroom ng kuwarto ko ang singsing na suot-suot ko. 'Paanong?' Nang i-check ko naman ang necklace ko nandito pa naman nakasabit ang infinity ring na bigay sa akin ni Oliver four years ago.
'Paano ako nagkaroon nito? Hindi kaya? No, that's to impossible. It was just a nightmare. He was just a nightmare.'
Tinitigan kong mabuti ang sing-sing. It was just a simple round ring with emerald stone sa gitna and may mga nakaukit na hindi ko naman maintindihan. In a simple description, an elegant ring.
Kasalukuyan akong nagpapalit ng jogging pants, underware at nagsuot ng violet jacket, para mas madali akong pagpawisan mamaya.
Maybe, it is another part of surprises o mga pakulo ng parents ko. Kahit kasi wala sila dito sa Pilipinas, everytime na birthday ko, they make sure na may mga surprises pa rin silang ihahanda para sa akin. Pero bakit sing-sing? Tsaka bakit nilagay ni Nanay sa ring finger ko? Weird. Pero impossible naman yung una kong naisip kanina. He was just a nightmare ang nangyari kagabi. Hindi yun totoo, dahil napaka-impossible nun. I'm sure enough na ang mga magulang ko ang may pakulo nito.
Para rin kasi silang si Oliver. Nakaramdam bigla ako ng kirot sa dibdib at lungkot ng maalala ko ang Buddy ko. I'm sure kung andito siya ngayon, marami na naman siyang surprises para sa akin. At sure akong guguluhin na naman nun ang buhok ko kung makita akong busangot ngayon ang pagmumukha ko kaya I tried to compose myself. Inisip ko nalang yung mga masasayang moment na kasama ko siya.
Natapos na ako mag-ayos. Ready to jogging. Binuksan ko muna ang pinto ng kuwarto ko, since hindi ko yun mabubuksan kapag hawak ko na ang tray ng pinagkainan ko. Huhugasan ko pa kasi 'tong kinainan ko para hindi na ipisin o langgamin pa. Wala naman akong aasahang ibang gagawa nun kasi mag-isa lang ako dito sa bahay.
Nang inangat ko na ang tray mula sa study table ko, may nakita akong dalawang nakatupeng sticky notes na kulay asul at berde at nakadikit sa mesa mismo.
"Si Mama at Papa talaga oh." Bulalas ko. Napangiti ako bago ko pa man ito buksan at basahin. That's why I really love them. Kahit wala sila sa tabi ko, still ginagampanan pa rin nila ang pagiging magulang sa akin.
'Happy 21st birthday Ian Xershyle!
How's the food TWIST?
Do you like it?
~SHEEN~'Si Mama at Papa talaga ohh. May pa-sheen-sheen pang nalalaman, puwede namang resplendent. I wonder kung anong oras gumising si Nanay just to prepare all of those.
'Ian Xershyle?' Kailan pa naging ganito ang naging tawag nila sa akin? Stroke ba'to ng sulat kamay ni Nanay? Siguro nagpasulat si Nanay sa iba, pero infairness maganda ang stroke huh.
'Bakit naka-caps lock ang word na twist? Pero bakit sheen? Ano naman kaya ang meaning nun?' Birthday ko na nga pag-papaisipin pa ako.
Kahit na may mga bagay na hindi ko naiintindihan, masaya pa rin ako. Ngunit napawi ang lahat ng ngiting yun. Ang saya ay napalitan ng puot ng umpisahan kong buksan ang pang- ikalawang sticky notes, which is kulay blue. Naikuyom ko ang mga kamao ko at muntikan ko pang mabitwan ang tray na naglalaman ng mga baso at plato dahil nanginginig na ito sa sobrang galit at pagkabigla.
No! It can't be. It was just a nightmare. Nanaginip lang ako, panaginip lang ang lahat ng ito. I pinched my cheek and slapped it. Pero huhuhu ang sakit. Feeling ko namula ang cheeks ko sa sobrang lakas ng pagkakapinit at pagsampal-sampal ko dito.
'What's the meaning of this?'
Hindi! Hindi ito puwedeng mangyari!
YOU ARE READING
PRANK ME AND I DARE YOU PLAYER!: 5173 (ENDLESS)
Novela JuvenilI want to see your smile My time will stop for a while My heart is pumping so high Unfortunately my feelings for you was died Because you've make it with such a lie. Life is faith and future, but undoing 'F' in life, it becomes LIE that c...