Chapter 7: JM

39 14 3
                                    


Chapter Seven: JM

Papalapit na kami sa bleachers kung saan nandoon ang mga groupmates ko ng makita kami nina Mark at Francis.

"Jane, Hanzel, ito nga pala sina Mark J--" Mark cut my words.

"Hi I'm Jay Mark T. Romales!" Ang masayang lahad ng kamay nito sa mga kasama ko habang may diin ang pagkakabigkas ng pangalan niya, sabay wink sa akin. "Sorry. I'm thankful na hindi mo nakalimutan name ko." Bulong niya sa akin. Hehehe! I know what he means by that, kaya napa-peso sign na lamang  ako for the sign of peace. "This is Francis C. Naval." He continued and pointing out Francis.

'Haist! Nagkamali na naman ako sa pag-tawag ng name niya kanina. Nabaliktad ko na naman ang pangalan niya. Tss! Pero his lucky dahil hindi siya dun kabilang sa mga taong kakilala ko pero hindi ko matandaan ang pangalan.'

'Bakit kasi nalilito ako sa name niya? Eh since first year college classmates ko na  siya sa ibang mga minor subjects.'

While walking we decided na si JM and Francis nalang ang poster Daddies ng poster child ko since wala daw silang mahanap na poster mommy and child. Grabe lakas ko yata kay G, biruin mo may surplus pang isa? Ayaw naman kasi nina Jane at Hanzel na isa kina Francis ang maging poster Daddy ng poster child nila kaya ayon dalawa ang ama ng anak-anakan ko for this whole activity.

'JM' nalang tawag ko kay Mark para iwas sa pagkakamali. O'right!

"Aist! Suwerte yata natin sa mga ama ng anak mo ohh?" Kalabit sa baywang sa akin ni Sheila while taking pictures with her DSLR and murmuring at nakanguso sa direction nina Rafael at JM na kasalukuyang pinapakain si Russ. Break time na muna kasi dahil ten o'clock na, gutom na ang mga bata.

"Bilib din ako sa karisma mo Zobel, biruin mo pinagsabay mo ang dalawang lalaki at the same time? Ang haba ng hair mo girl, natisod pa nga ako." Nag-acting pa ito na mukhang matutumba kaya binatukan ko na at tiningnan ng masama. Anong ibig niyang sabihin, hindi ako two timer noh? Haist. Nagsisimula na naman po siya. "Ouch! Who gave you a permission to do that to me, Zobel?! As much as I could remember, two years ago, hindi mo nga magawang kurutin kami. You're not even showy or vocal? Well, you're still a weird,  silent type, and mysterious friend of mine. But, what makes you realized to be like this? To be a sadist?!" Seryoso niyang tanong habang hinihimas ang ulo niya sabay pout. Tss. Nakakasuka siya grabe. I gave her a glare matapos kong batukan pasalamat siya at malayo kami sa pader.

"Haha!" Ano bang nangyayari kay Sheila? May malfunction na ata 'to sa ulo eh.

"Kailangan bang tumawag na ako sa mental hospital Sheila Marie Go?!" Mariing tanong ko sa kanya habang hinahanap ang contacts ng mental sa cellphone ko. Akala ko galit na siya tapos tumatawa na ngayon sabayan pa ng paturo-turo sa mukha ko. 

"Okay!" Matigas niyang pakakasabi saka nagtaas ng dalawang kamay.  She knows that I'm not going to answer her too long damn questions. My eyebrow arc ng tiningnan ko siya, kahit kailan talaga may pagka-lokaret rin 'tong si Sheila Go noh? Anong nangyari at nagkaroon ako ng kaibigan na tulad niya?

"Tss. Fine! Look at them, your so bless to have them." Pinpoint niya kina JM, Rafael at Russ.  "Sorry, for me to say this girl huh? Eh kasi naman, hindi naman sumagi sa isipan ko na ang Ian Xershyle Lee Zobel na kilala ko noon na may eye glasses, out of the fashion, palaging haggard, well haggard ka pa rin naman kung minsan, at weird ay magiging..." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo, na mas nagpataas ng kilay ko. "Uhm, honestly you don't look like Ian Xershyle Lee Zobel I used to deal with two years ago. Well, you're like ugly duckling with very THICK EYE GLASSES. Mukha ka ng tao, alam mo ba yun?" Sabay tawa niya.

Hindi na ako nakapagpigil, "Ian naman! Batok agad?!"  Anong klaseng tanong yun Sheila Marie? Bakit hindi ba tao tingin niya sa akin noon? May chimpanzee o mas mabuting sabihing, may duckling bang nagsasalamin ng pagka-kapal-kapal at ngayon nag-improve dahil sa pananamit?!

Lalapit sana ako kay Shei ng kunti para marinig niya ang sasabihin ko, kaya lang lumayo sa akin at itinuro ang direksiyon nina JM, Russ at Rafael. Umalis na siya sa tabi ko na may nakakalokong ngiti at nag-wave ng kamay sabay sabing, "Rest room". I give her a smirk. 'Ayaw mo lang mabatukan uli kaya ka umalis.'

Nang tingnan ko ang direksiyon nina Russ, Si JM sinusubuan si Russ ng spaghetti, while Rafael currently wiping the messy spaghetti sauce around Russ mouth. Ang ganda nilang pagmasdan, na-iimagine ko tuloy na ako ang nag-aalaga sa kapatid kong si Yuan.

Ako sana ang magpapakain kaya lang mapilit si JM sila nalang daw kaya hinayaan ko na. Umupo nalang ako dito sa tabi ni Sheila na pinapabayaang pakainin ang foster child niya kay Cloud which is her poster husband. Ilang minuto na ring nakalipas ng bumalik siya simula ng takasan niya ang batok ko.

Suwerte din nitong si Shei di manlang tulungan ang partner niya. Makakuha nga muna ng balloons dahil mukhang gusto rin ni Russ. Pansin ko kasing kanina pa siya tingin ng tingin sa hawak na pink balloon ni Angel.

"Nanay na nanay ang peg natin ngayon Ian huh?" Ang nanunuyang sabi ni Senior Ysabel ng kumukuha ako ng balloon na color sky blue para kay Russ.

"Hahaha! Ganun po talaga Senior Ysa, once in a bluemoon lang to, kaya better to act na  parang reality and enjoy this activity! Kakarerin ko na 'to ngayong araw." Ang natatawa kong sabi kay Senior Ysabel.

"Sabi mo eh, wish you luck Ian!" Ang nagtatango-tangong sabi ni Senior, while giving me her sweet smile.

Nagpaalam at umalis na rin ako pagkakuha ko ng lobo. Nang dumating ako kina Russ, mukhang katatapos palang nitong kumain.

Nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata ng mapansin nito ang balloon na hawak ko. Seeing her expression my heart was pounding really hard but in a very sensual way. I can't explain what's going on in my system. Ang alam ko lang ay masaya akong makita ang batang masaya. Siguro ito ang isang good side ng motherhood.

"Good morning children!" Enthusiastic at energetic na bati ni Mico. "To our beloved Professors and classmates, good morning!" Clare said energetically kaya binati rin namin sila.

"Gusto niyo ba ng appetizer mga bata?!" Ang masiglang tanong ni  Clare na excited rin sinang-ayunan ng mga bata pati kami nakisali rin.

"We can't hear you! Sinong may gusto?!" Ang mas energetic na tanong ni Mico.

"Kami!" Ang sabi ng lahat. Natutuwa nga ako kay JM kasi parang bata rin. Ayon si Russ tuloy tuwang-tuwa.

"Okay! Let's do it partner?!" Sabi ni Clare kay Mico. "Game ako diyan partner! Are you ready guys?!"

Naghiyawan ang tao sa  buong gymnasium. Hindi ko alam na may ganito pa palang pakulo ang mga classmates ko. Ito ngang si Sheila at Gwen todo ang hiyaw, akala mo naman nagpi-perform yung ultimate crush nila from Engineering department.

'Nagtatanong palang naman di ba? Haist! Ganito ba ka-energetic mga tao ngayon? Kung sabagay masaya naman talaga ang atmosphere. Pero bakit ang saya nitong si Shei at Gwen? Weird. '

PRANK ME AND I DARE YOU PLAYER!: 5173 (ENDLESS)Where stories live. Discover now