Chapter Twenty-nine: Surprise
Bakas sa mukha ang pagkagulat at saya ng isang mestisa, matangkad, may itim na mahabang buhok at chinitang babae na may tinatayang nasa mid-fourty na. Sa lakas ba naman ng pagkakasabi ko kanina, sinong hindi mabibigla?
"Cherry? Mom? Paanong?"
"Good morning Baby Love, surprise!" Masayang bati sa akin ni Mama ng mapansin niya ako. Inihinto niya ang paghiwa ng white onion saka ako niyakap ng mahigpit.
Gulong-gulo ang utak ko sa mga panahong ito. Akala ko ba nasa NY pa sila, eh kausap ko palang sila kani-kanina lang. Marami akong gustong itanong, pero mas pinili ko na lang na akapin siya pabalik matapos kung ilagay sa mesa ang dala kong tray. Halos mag-aapat na taon na ring hindi ko naranasan ang isang akap ng isang ina. Miss na miss ko na siya. May mga nagbago sa kanya physically. Mas nagmature ang itsura ni Mama ngayon. Ewan pero parang may napapansin akong mali. Mas pumayat kasi si Mama kumpara dati.
Hindi ko na pala namamalayang kanina pa tumutulo ang mga luha ko. Ang tamging nararamdaman ko lang ang medyo mainit na likidong umaagos sa mga pisngi ko. Humihikbi na rin si Mama kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya.
How I miss her.
"Ma? Ka-kailan po ba kayo dumating?" Tanong ko sa pagitan ng mga hikbi. Masasabi ko ngayon pa lang na ito na ang isa sa pinakamasaya kong kaarawan. Kulang na lang si Papa at Yuan.
"Pasali naman ako diyan sa yakapan ng mag-ina ko." Biglang sulpot at sabi ni Papa sa kung saan bago pa man ako sagutin ni Mama. Natawa na lang kami ni Mama kahit may mga luha pa sa mga pisngi namin saka sinalubong si Papa ng yakap.
"Blossom? Papa!"
Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon. Akala ko mag-isa lang si Mama pero kasama niya pala si Papa. Sa wakas kasama ko na rin ang Cheery Blossom ko ngayon.
"Ganyan ba talaga kayo kaiyakin? Blossom, asan na yung sadistang babaeng pinakasalan ko?" Tanong ni Papa sa gitna ng yakapan naming tatlo. Natatawang hinampas ni Mama si Papa sa braso kaya natawa na lang ako.
Tinitigan ko lang sila habang nag-aasaran na naman. How I miss seeing them like that in front of me.
Iniisip ko yung kaninang tumawag sila. Hehe hindi na naman ako naging keen observer. Paanong hindi ko napansin na local number ang gamit nila kaninang tumawag sila? Haist. Sana hindi ako nabigla ngayon.
"Xershyle, anak, hindi ka ba masayang nandito kami ng Papa mo?"
"Ma-masaya po." Sabi ko. Hinagkan uli ako ng yakap ng mga magulang ko. "How I miss hugging you Baby Love." Ang malambing na sabi ni Mama.
"Miss na miss ko na rin po kayo." Sabi ko kasabay ng mahigpit na yakap. I didn't expect na uuwi sila.
"Ohh siya, hindi sa nagiging bitter ako Xershyle, Cherry, pero masusunog na ang pan. I think we have to cook our breakfast. Madali na rin naman matatapos na tayo, we can take our breakfast." Seryosong sabi ni Papa habang inilalagay sa pan ang mga spices. Natawa nalang si Mama at pinagpatuloy ang paghihiwa, this time vegetables naman.
Namiss ko 'tong makita sila dito sa kitchen na nagluluto. Sana dito na lang sila at hindi matapos ang araw na 'to. Pero alam kong hindi puwede, marami pa silang dapat gawin sa NY for business kaya I know na its too impossible na magtagal sila rito sa Pilipinas. Haist. Susulitin ko na nga lang habang andito pa sila.
"Mom, Dad, kailan nga po pala kayo dumating?" I asked. Kasi naman kung kanina andito na sila, anong oras exactly? Natatakot kasi ako baka nagpang-abot sila ni Cy dahil mainit pa 'yong omelet na kinain ko at yung milo at gatas. Ngayon sigurado na akong hindi sila ang nagpaluto nun. Because the way I see it right now, nagpi-prepare pa lang sila ng breakfast namin.
Sana talaga hindi nila naabutan dito yung dakilang liar na yun. I'm sure enough na hindi na yun panaginip ang nangyari kagabi. Pero hinihiling ko pa rin na sana panaginip na lang ang lahat ng yun.
"Quarter to five, Baby Love. Nang tumawag kami sayo ng Papa mo a while ago, nasa biyahe na kami ng mga oras na yun papunta ng bahay." Sabi ni Mama habang nag-lalagay ng omelet sa plate mula sa pan.
Nakahinga ako ng malalim ng marinig ko yun. Hayy. Salamat. Buti nalang, pero kung nagkataon talaga, tss lang ang walang latay sa manlolokong yun.
"Si Yuan po pala, kasama niyo rin po?" Tanong ko.
"Oo, inihiga ko muna doon sa guest room dito sa ground floor. Napagod kasi sa ilang oras na biyahe ang kapatid mo." Sabi ni Dad habang inaabot ang mga plate kay Mom. Ako naman hinuhugasan yung pinagkainan ko kanina.
Excited na akong makita in person si Yuan. I want to pinch him. I want to play with him. Sa wakas magagawa ko na ring makipaghabulan, taguan, kulitan, kilitian at tawanan sa kapatid ko.
"Baby Love, can you give me that plate." Sabi ni Mama kaya iniabot ko ito gamit ang kanang kamay ko since hawak-hawak ko ng kaliwang kamay ko ang baso.
Sa halip na kunin at tingnan ni Mama ang platong iniabot ko, hindi yun ang tinitigan niya. Bigla ako nakaramdam ng kaba, takot at hindi mapakali. She intently look at my right hand and ring. She look at it blankly. Mas lalo akong kinabahan ng nakita ko sa mga mata ni Mama ang lungkot. Iwan, pero parang may mali. 'Di ba dapat mabigla siya at magalit pero bakit taliwas ang lahat sa inaasahan kong magiging expression niya.
'Mom, please don't be mad.' Pa-paano ko 'to ipapaliwanag sa kanila? I don't know how and where to start?
Your such a mess in my life Cy! You ruined my special day! I promise you'll pay for this!
YOU ARE READING
PRANK ME AND I DARE YOU PLAYER!: 5173 (ENDLESS)
Novela JuvenilI want to see your smile My time will stop for a while My heart is pumping so high Unfortunately my feelings for you was died Because you've make it with such a lie. Life is faith and future, but undoing 'F' in life, it becomes LIE that c...