Prologue

21K 518 72
                                    

Author's Note:

Unang-una po sa lahat, tinatawagan ko po ang lahat ng mga historian sa buong mundo na huwag niyo po sana akong ipakulong dahil underage pa po ako at isa pa, ang kwentong ito ay fiction lang. FAN-FICTION at hindi ko kailanman ninais na siraan ang napakagandang kasaysayan ng Pilipinas. Inspired ako sa kwento ng Queen Inhyun's Man at minor subject ko sa college which is The Life and Works of Rizal.

Prologue:

Saan ka man pumunta at dumako; sa LUZON, sa VISAYAS o kaya sa MINDANAO. Makikita mong lagi ang pagmumukha ng ating pambansang bayaning si JOSE RIZAL o kilala rin bilang si "JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO Y ALONZO REALONDA."

Kahit tanungin mo pa ang lahat ng mamamayan dito sa bansa ay siguradong kilalang-kilala siya at kahit pagtaguan mo man sya, sasama parin sya saiyo. Preferably sainyong mga bulsa at pitaka. REMEMBER: NASA BARYANG PISO PO SI RIZAL.

Mahal na mahal siya ng lahat ng Pilipino saan mang sulok ng Pilipinas dahil sa kanyang naging kontribusyon sa tinatamasang kapayapaan ngayon ng bansa, at ang higit sa lahat ay mahal na mahal din siya ng isang babaeng biglang sumulpot sa napakagulong buhay niya kahit dating magulo naman talaga ito dahil tinutugis siya ng mga kastila.

First book here! Hohoho Kindly support my work guys! c:

~Nobalilong. All Rights Reserved.

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon