Kabanata 24

3.5K 104 26
                                    

Azalea Castillano

Saan na ba yon! Kainis na wallet yan oh, ngayon pa na missing in action! Nandoon lahat ng credentials ko, due na ang mga payables ko at kailangan ko ang mga codes at pin numbers for clarification and security purposes.

Mabuti nalang at sinundo ako ni Rain sa bahay dahil kasama ko din naman siya sa new project na ginagawa namin. Nagco-commute parin ako at kasalukuyang nag-iipon para makabili ako ng kotse.

Nasa station building ako ngayon at present lahat ng casts, staff and crew pati narin ang mga big bosses ng kompanya. 

Kabadong-kabado ako ngayon! Halos kainin na nga ako ng kaba! Oh mahabaging lupa kainin mo na ako!

Busy ako sa pagme-memorya ng sasabihin kong speech sa event nang naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko.

Tinagnan ko ang screen at napangiti ako.

Crush calling...

"Hello Jose? May problema ba?" Tumayo ako at inilagay ang script ng speech sa coffee table na nasa harap ko.

"Kamusta Azalea, saiyo ba itong pitaka sa may lamesa? Mukhang naiwan mo kasi, hindi na kita nahabol kanina." Salamat naman at nasa bahay lang talaga ang wallet ko!

"Mabuti naman kailangan ko ang mga laman niyan. Teka, paano ako makakabalik sa bahay nasa station building ako, aabutin pa siguro ng isang oras na byahe kung uuwi ako."

"Pupunta nalang ako jan." Seryosong sagot ni Jose sa kabilang linya.

Siguro'y nagtataka kayo kung bakit malumanay kaming nag-uusap ni Jose sa cellphone. May reserba din kasi akong android phone kaya ibinigay ko na iyon sa kanya. Namangha nga ako dahil napaka-fast learner ni Jose. Nakuha niya agad ang mga tinuro ko. Matalino talaga si Jose at hindi na iyon makakaila sa kanya.

"Sigurado ka? Baka mawala ka?" Pag-aalala kong tanong, noong una ko ngang sampa sa syudad ay napraning ako dahil halos lahat ng kalye ay nakakaligaw.

"Huwag kang mag-alala mayroon namang GPS iyang cellphone mo diba? Kaya malalaman ko kung nasaan ka ngayon." Sinambit iyon ni Jose na parang alam na alam niya ang sinabi.

"Ha? Anong GPS?" Hindi ko manlang alam kung ano ang GPS. Nakakaawa ako.

"Global Positioning System." Matipid na sagot niya.

"Saan mo yan nalaman lahat?" Sa totoo lang, nawiwindang na ako sa katalinuhan ni Jose!

"Sa goog-- teka, google ba ang tawag don?" Napa-face palm ako sa sinabi nya Google agad? Maisali nga ito minsan sa Who Wants to be A Millionaire nang kumita ako, ang talino eh!

"Sige, suko na ako saiyo Jose! Kalahi mo ata si Einstein!" Nagpaikot-ikot ako sa aking pwesto na parang hindi mapakali.

"Albert Einstein? Siya yung nagpahayag ng Law of Relativity, sinasabi doon na--"

"Hep hep hep! Ayaw ko ng balikan ang sine skwela moments ko ngayon okay?" Hilig talaga ni Jose ang mag-trivia baka mawawalan pa yata ng trabaho si Kuya Kim nang dahil sa kanya.

"So ngayon, pumunta kana dito at e-oon ko na tong GPS chuchu na ito. Hihintayin kita."

"Sige, papunta na ako Azalea." Nararamdaman ko na parang ibababa na ni Jose ang telepono kaya may hinabol akong mga salita sa para kanya.

"M-mag iingat ka Jose." Nabulol pa ako. Ano ba Azalea Castillano! Compose yourself.

"Hi there Azalea!" Hindi ko na narinig ang sagot ni Jose sa kabilang linya dahil bigla akong tinawag ni bruha.

Nang tignan ko ang cellphone ko, naka-end call na ito. Bigla tuloy nag-init ang dugo sa bwisita ko este bisita.

"Hi Leon!" Bati ko sa kanya. Lumapit at nakipagbeso-beso siya sa akin.

"So how are you? Ilang araw din tayo hindi nagkita Azalea. You know, I've missed you." Umupo siya sa sofa at tumingin ng matalim sa akin.

"Mabuti naman Leon, napakabuti." Umupo ako sa kaharap na sofa.

"Wait, narinig kong may boyfriend kana daw? Is it true?" Tumawa siya ng plastik at kumuha ng magazine at sinimulang buklatin ito. Wow what a coincidence, ako pa ang cover girl ng Metro Magazine na hawak niya.

"I think it's all rumors Leon. I'm not seeing someone as of now." Kumuha rin ako ng magazine sa coffee table at mukhang pinaglalaruan kami ng tadhana na si Leon pa ang cover girl ng Kiss Magazine na nakuha ko.

"Well this is showbizness Azalea, halos lahat ng mga chismoso't chismosa ay nakabukas ang radar sa mga intriga and He's a very good looking guy. Good choice. By the way, you look gorgeous here." Itinaas niya ang hawak na magazine.

"Thanks, you also look stunning here Leon." Pinakita ko sa kanya ang centerfold ng magazine. Naka red brassiere at booty shorts si Leon sa magazine. Her pose is very seductive, bagay talaga siya sa mga ganitong uri ng magazine.

"Teka, I was talking about the guy I saw on the internet. Magkaholding hands pa nga kayo in the not-so blurred photo. Wait, is that him?" Napalingon kami ni Leon kay Jose na seryosong-seryoso na nakatutok sa cellphone.

Inalis niya ang atensyon sa cellphone, tinignan niya ako then he smiled.

As he was approaching us, everything turns into a slow motion. I feel butterflies in my stomach. He's genuine smile is breathtaking and I could stare for it forever. Suddenly, my heart skips a beat as I now realized that I was falling hard for this historical man.

--------

Jose Rizal

Napakarami ko ng nalaman sa panahong ito, ang paggamit ng cellphone, television at iba pang mga gamit na tinatawag nilang appliances at gadgets.

Pagkarating ko, hinanap ko kaagad ang lokasyon ni Azalea. Makaraan ang ilang panhik ng hagdan at paliko-liko sa mga pasilyo, nakita ko si Azalea na may kausap na pamilyar na babae.

Nagulat ako.

Ang aking pinakamamahal.

Leonor Rivera.

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon