Kabanata 32

3.1K 78 2
                                    

Rain Delgado

Kaharap ko ngayon si Azalea.

Magkahawak ang aming mga kamay.

Nakatitig lang ako sa mga makiskislap niyang mga mata at nakikita mo roon ang totoong sinseridad.

Siya lang talaga.

Siya lang talaga ang babaeng nilalaman ng puso ko at balang araw ay hihintayin ko sa altar.

"Mahal na mahal kita Azalea."

Iyan ang mga katagang palaging nasa isipan ko na nais kong sabihin kay Azalea sa tuwing nasisiliyan ko ang kanyang makikislap na mga mata.

Ngunit alam kong...

"Mahal na mahal din kita Edward."

"AND CUT! PACK UP NA TAYO!"

Pagkasabi ni direk ng cut iniwas kaagad ni Azalea ang pagkakatitig niya sa akin at pilit na inaalis ang kanyang mga kamay mula sa pagkakahawak ko. Pero hinigpitan ko lang ito.

"Rain aalis muna ako, may gagawin muna ako."

Mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya habang nakangiti.

"Oy ano kaba! Para kang timang jan! Bitaw na nga. May...May..May gagawin pa ako." Pag-iiba niya ng tingin, halata naman na nagsisinungaling lang siya.

"Ayaw ko nga. Diba sabi ko noon hindi kita bibitawan? Aha?" Itinaas-baba ko ang aking mga kilay at nakita ko naman na ngiti niya.

"Naman eh. Bitaw na sabi." Pagpupumilit ni Azalea sa akin.

"Sa isang kondisyon." Nagtaka naman kaagad si Azalea sa proposisyon ko.

"Bakit may kondisyon pa?"

"Sige ka, hindi kita bibitawan, papunta pa naman ako ng banyo ngayon. Tara na sa Male's Bathroom pasok na tayo." Kasama kong hinatak si Azalea papunta sa banyo.

"Teka! Oo na! Ano ba kasi yong kondisyon? Siguraduhin mo lang na hindi yan kung ano ha!" Tiningnan niya ang magkahawak na mga kamay namin.

"Bakit may iba kabang iniisip? Ha? Azalea? May idea ka ba na mabuting gawin ngayon?" Sa totoo lang, nagbibiro lang naman ako pero napaka-cute kasi ni Azalea kapag napipikon.

"Wala. Wala akong iniisip okay?" Nagblush si Azalea at ibinaba ang tingin sa lupa.

"Pwede pa nga jan sa banyo nalang natin gawin eh." Nandilat ang mga mata ni Azalea at pulang-pula ang kanyang mukha.

"Bastos! Bitaw na nga! Sige ka, sisigaw ako!" Pang bubulyaw niya sa akin.

"Sige sumigaw ka ng mahalikan kita." Sabay smirk ko sa kanya.

Napatakip naman kaagad siya ng bibig gamit ang mga kamay niya na nadala rin ang mga kamay ko dahil magkahawak kamay kami Hahaha.

"Manyak ka ha, hinahalikan mo mga kamay ko." Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti.

Nagulat naman kaagad siya. "Bitaw na sabi!" Kinagat niya ng marahan ang kamay ko. Iba talaga pag alagang Closegate ang toothpaste, napakatibay ng ipin.

Nabitiwan ko ang mga kamay ni Azalea. Agad din naman siyang tumakbo, teka yong kondisyon ko!

"Teka lang Azalea! Mamaya ha! 8pm sa Crown Park hihintayin kita!"

Tumigil siya at humarap sa akin at inilabas ang dila niya.

Kaya nga mahal ko siya eh.

Mahal na mahal.

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon