Kabanata 10

5.2K 125 9
                                    

Leon Rivera

Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang pagbubukas ng aking buhay sa publiko. Kahit na open book ang talambuhay ng isang artista, pinapanatili ko parin itong nakasara laban sa mga mapanghusga at mapanirang tao.

Noon, halos natatakot ako sa tuwing pinag-uusapan na ang tungkol sa Pamilya.

Sa mga kaibigan ko, sa skwelahan, pati narin sa naging mga karelasyon ko. For me, that seven letter word is a curse and that shouldn't be spoken by my own mouth.

Lumaki nga ako sa isang kompletong pamilya. Pero ano ba ang aasahan mo sa isang lasinggerong tatay, sugarol na nanay, mga drug addict na dalawang kuya na halos labas-masok na sa kulungan, at nakipagtanan na bunso.

Not your typical family.

Ang instances na iyan ang aking mga naging dahilan kung bakit sinasabi ko sa mga nagtatanong tungkol sa aking pamilya na lumaki akong ulila at walang kinalikhang mga magulang.

Ayaw kong makita na kina-aawaan ako ng ibang tao. Dahil matatag ako, hindi ako ipinanganak para kaawaan lang ng mundo.

Doon na ako nagsimulang magsumikap. Nagpapasalamat parin ako dahil namana ko ang kakisigan at kagandahan ng aming pamilya, nasa lahi na namin ang mga katangiang hinahangad ng bawat pangit sa mundo.

Taglay ko rin ang katalinuhan ng aking ina.

Kung kayat naging daan ito para makatuntong ako sa Unibersidad ng Pilipinas at maging isang scholar ng bayan.

Lahat ng naging hakbangin ko ay ni walang anong patnubay mula sa aking mga magulang. Wala akong nakuhang pampalakas ng loob mula sa kanila. Hindi rin ako humihingi ng pera at sustinto dahil nagpapart-time job ako habang nag-aaral.

Akala ko magiging mabuti na ang lahat ngunit bumaliktad ang aking mundo ng may nakaaway akong isang maimpluwensyang studyante sa UP.

Halos araw-araw akong binubully ng mga estudyante, sinunog nila ang mga gamit sa boarding house ko at pinakamasaklap ay nagawa nilang tanggalin ang scholarship ko.

Kinausap ko ang mga Head ng skwelahan pero parang mas pinahahalagahan pa nila ang impluwensya ng pamilya ng nakaaway ko kesa sa top performing student nila. Wala silang nagawa kundi ang paalisin ako.

"Akala ko ba isa akong iskolar ng bayan? Bakit wala kayong magawa?!" Halos lumuhod na ako sa mga Head Dean na nakausap ko, para lang ibalik nila ang scholarship na tanging makakapagpabago sa magulong buhay ko.

Hindi ako makapaniwala na dahil lang sa hindi ko pagbigay ng title na inaasikaso kong case study sa studyanteng iyon ay masisira ang pangarap ko.

Pinaghirapan ko ang konseptong iyon! At kung ibibigay ko sa kanya ang buong format ng research ko ay siguradong aabutin pa ako ng isang buwan bago makabuo muli ng bagong topic. Kailangan kasing dumaan muna sa maraming experiments bago ko makuha ang perfect formula ng thesis ko at maabutan na ako roon ng deadline!

I studied BS Chemical Engineering at the University of the Philippines with candle grades ika nga puro uno.

Isang taon nalang sana at ga-graduate na ako at running for suma-cumlaude.

Nagising ako sa pag-alala ng nakaraan nang dahil sa pagliwanag ng LED Billboard na nasa harap ng kwarto ko.

Hawak ko ngayon ang tanging family picture na mayroon kami ng buo. Masaya kami sa litrato, mga bata pa kami at ni walang iniisip na kahit anong suliranin sa buhay.

Matapos ang ilang minuto ng pagtitig sa litrato ay ibinalik ko na ito sa drawer at ini-lock. Tinago ko na sa mga tao ang ala-alang ito pati narin sa buhay ko.

Nakaharap ako ngayon sa magandang tanawin ng syudad. Nasa 40th floor ako ng isang magarang hotel at mag-isang pinapakiramdaman ang buong paligid.

Napangiti ako ng biglang mag-play sa LED Billboard ang maamong mukha ni Maryel Case. Ang dakilang pilay na ngayon.

Napakarami talagang epal sa industriyang ito, katulad ni Maryel. Mabuti't nasulusyunan ko kaagad ang ka-epalan niya.

You got me. Oo na, ako ang may kagagawan kung bakit nagsa-suffer ng partial trauma si Maryel ngayon. Sisihin niya ang sarili niya.

Mang-aagaw kasi siya ng spotlight, kaya ayon, isa na syang dakilang pilantod ngayon. Ang sama ko ba? Well salamat it runs in our blood.

Ako si Eleonor Rivera tatlong taon na ako sa industriya at hindi nakakapagtaka na sa maikling panahon na pamamalagi ko sa showbizness ay nakamit ko na ang karuk-rurukan ng tagumpay na nais matamasa ng bawat artista.

Well, hindi naman talaga ako nagsikap. Sabihin nalang natin na mismong sarili ko ay nagawa kong ibenenta sa mga halang na mga kaluluwa makamit ko lang ang kinalalagyan ko ngayon.

Napansin ako ng isang matandang huklubang director sa bar kung saan ako nagtatrabaho noon at inayang mag-artista pero bago yun, kailangan ko munang ibigay ang kagustuhan niya.

Desperada na kung desperada pero lahat kaya kong gawin makawala lang sa pagtira sa lansangan at pagiging GRO.

Simula nong matanggal ang scholarship ko, nahirapan narin ako sa makapasok sa bawat kompanya na ina-applayan ko at makakuha ng trabaho. At doon ko lang nagpagtanto na may kinalaman parin ang taong nakalaban ko sa UP. Sino ba namang kompanya ang hi-hinde sa halos uno kong grado? Pati mga fastfood chains at restaurant ay banned ako. Kung kayat wala na akong ibang nagawang paraan kundi ang kumapit sa patalim.

At dahil na rin sa tulong ng kasamaan, nakatindig ako ngayon sa industriyang ito. Pasensya na pero hindi ako naniniwala sa tinatawag niyong 'diyos' dahil simula't sapol wala akong naranasang kabutihan mula sa kanya.

Nabuhay akong mag-isa, wala akong mga magulang. At kinasusuklaman ko kung sino man sila.

Ginagamit ko ang lahat ng tao na alam kong mapapakinabangan ko.

Naiyukom ko ang aking kamao at mahigpit na hinawakan ang shot glass na naglalaman ng aking authentic wine.

Pagkalipas pa ng ilang sandali ay nagplay naman ang commercial ni Azalea sa LED Billboard. Umaariba na talaga ang ex-personal assistant ko, mas marami pang projects at TV Commercials kesa sa akin.

Inabot ko na ang buong bote ng wine at nilagok ito hanggang sa maubos. I can't believe na ganoon lang kadali nakuha ni Azalea ang lahat. Hindi manlang niya naranasan ang mga nangyari sa akin! Dapat makaranas din siya ng kapighatian at panlulumo sa sarili!

Huwag na huwag mo akong susubukan Azalea, matuto kang lumugar kung ayaw mong matulad kay Maryel at maging pilantod rin.

Natapos ang commercial at bumungad doon ang ngiti ni Azalea.

HUMANDA KA.

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon