Kabanata 31

2.9K 80 3
                                    

Azalea Castillano

"So ito na yong power house cast ng soap mo Azalea, check it out."

Inabot sa akin ni Rovic ang mga papers. Rovic is a very talented person at alam ko na isa din siya sa namili ng mga makakasama ko sa soap opera. Siguradong mga magagaling at batikang mga artista ito na lalong magpapa-boost ng self esteem ko.

Cast:

Azalea Castillano

Rain Delgado

Leon Rivera

Lyra Hermosa

Sahara Gallego

Ivy Acaso

Garmel Gonzaga

Napanganga ako sa cast. Napakagagaling ng mga artistang ito. Marami na silang nasungkit na awards sa acting at sa iba pang award giving bodies.

Tiningan ko si Rovic.

"For sure Rov? Sila ang mga makakasama ko? Hindi ba masyado pa akong-"

Pinutol ni Rovic ang pagsasalita ko. "No, you're good enough for the role. And yes, you deserved to have them as your co-stars, we picked you because we believe in your talent Ms. Azalea."

Nginitian ko si Rovic. "Talaga? Pero I think you're right, dapat na lagi kong pagtiwalaan ang sarili kong kakayahan."

"Yeah that's the spirit Ms. Lead Actress, alis muna ako, I have a meeting."

Tiningnan ko ang pigura ni Rovic na papalayo. He's a strict man pero he cares din naman.

Tinignan ko ulit ang casting ng soap opera and oh my, kasama ko si Leon.

Ganon na ba talaga kami ka close dahil palagi kaming pinagsasama sa mga iba't ibang projects? O soulmates ba kami?

Napakarami namang artista sa industriya pero bakit pinagtatagpo kami palagi?

At may isa pa.

Rain Delgado.

Awkward.

Bahala na nga! Maging professional ka Azalea Castillano! Ikaw ang bida!

Leonor Rivera

"Rovic can I check the papers about the new soap?"

Oh my, oh my.

May bago na naman AKONG soap opera, syempre alam ko namang AKO agad pipiliin nilang bida.

Sino pa bang ibang artista ang tatalbog sa mukhang to? At sa acting skills ko? Sa sexy na katawan na ito? Sino? At nang mapatay ko agad.

"Here."

Hindi manlang tumingin si Rovic sa akin. Like duh. Hindi ba sya nabibighani sa kagandahan ko?

"Thaaanks Rooov." Malandi kong sabi sa kanya, sinadya ko pa talagang magdampi ang mga kamay namin habang inaabot niya ang mga papel para maramdaman niya kung gaano ako ka hot at seductive especially sa mga lalaki.

"K." Sabay tutok ulit sa laptop niya na parang walang nangyari.

K?! Isang Leonor Rivera sasabihan nya lang ng K?! Nagbibiro ba siya? Bakla ba siya? At ni wala manlang siyang naramdaman na sparks?

By the way, no bother. He's just a piece of shit of a writer.

Title: Endless Love

Directed By: Christine Rodriguez

Producer: Jhed Aguilar

Writer: Rovic Reyes

Main Casts: *click*

Kinuhanan ko muna ng picture ang sure success soap opera ko para makapang okray naman sa mga laos na artista jan sa tabi tabi.

Papatayin ko muna sila sa inggit ng pagpost ko sa mga social networking sites ko na milyon-milyon ang likes at followers. Sisiguraduhin ko na mamamatay talaga sila dahil sa sama ng loob at pagka-inggit sa akin.

Finishing up...

Uploaded.

Well, 1000 likes agad? Magtataka paba ako? Matignan nga ang pang-famous na post ko.

Title: Endless Love

Directed By: Christine Rodriguez

Producer: Jhed Aguilar

Writer: Rovic Reyes

Main Casts:

Azalea Castillano

Leon Rivera

Rain Delgado

.......

What the hell is this? Bakit nasa unahan ang pangalan ng ex-alalay kong yun? At nasa pangalawa lang ako? Ano ako supporting actress?

Nilapitan ko agad si Rovic.

OF ALL ACTRESSES IN THE COUNTRY YUNG BABAE PANG YUN ANG MAKAKAHIGIT SA AKIN? NAGING PUTI NABA ANG UWAK AT LUMILIPAD NA BA ANG MGA BABOY? HELL NO! HINDI KO MATATANGGAP ANG KAHIHIYANG ITO!

"Rovic! What the hell is this crap huh? Azalea Castillano for the lead role? Is this a kind of a prank?!"

Sinara ko ang laptop niya at humarap ako sa kanya.

"What the hell is wrong with you?! Are you blind? I'm working here for pete's sake! DON'T DISTURB ME!" Bumalik siya sa kinauupuan niya at sinimulang buksan uli ang laptop.

"Ahhh! Just answer my damn question Rovic! Si Azalea ba ang bida sa bagong soap?!"

"Yeah." Mahinahon niyang sagot.

"Anong YEAH?! Bakit siya?! Bago palang siya sa industriya ha? Ni wala nga siyang kakayahan sa pag-arte! Mas magaling ako sa kanya! She's just a piece of pretentious shit -- trying to be so called ACTRESS! And--."

Pinutol ni Rovic ang pagsasalita ko. "Just save it."

Umalis siya sa harap ko bitbit ang laptop niya.

This is not happening to me! Simula ng pumasok ako sa industriyang ito hindi ko pa naranasang maging hamak na supporting actress lamang!

I was born to be a star and always on the spotlight!

I was born to keep all my co-stars and my enemies down! Hindi ko binigay ang lahat at isinangla ang aking kaluluwa sa mga manyak na director para sa ganitong role lang!

Humanda ka Azalea Castillano.

Lumelevel ka na sa akin ha.  Tignan natin kung saan lang ang kaya mo.

Oras na ng aking paghihiganti.

Babagsak ka na rin.

Mawawala ka na parang bula at mabilis na makakalimutan ng mga tao.

Sisiguraduhin ko na hindi ka na makakabalik sa industriyang ito.

And I will make your life a living hell.

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon