Kabanata 11

4.8K 130 7
                                    

Azalea Castillano

Title: Rizal: The Most Wanted Bachelor

Director: Del Francis Ceniza

Producer: Patrick John Colades

Main Casts: Rain Delgado (Jose Rizal)

Leon Rivera (Leonor Rivera)

[Maryel Case] Azalea Castillano (Segunda Katigbak)

Masigasig ko ngayong binabasa ang authenticated full revise script ng movie.

Napahanga nalang ako sa kung sino mang ghost writer ang lumikha ng ganitong obra. Napaka-unpredictable ng kakahinatnan ng movie. Makadurog-puso ang mga eksena at siguradong mapapaluha ka.

Ang pelikulang shino-shoot namin ngayon is written by a ghost writer. Binili lang ng kompanya ang kanyang gawa, nabihag din siguro ng storya nya ang panel.

In fairness, mood catcher talaga ang story niya.

Napahalakhak nalang ako sa iba ko pang nabasa at nalaman tungkol sa storyline ng movie.

Meron palang naging Haponesa na love interest si Rizal? May European pa? At ilang mga Pilipina. Jusko! Nakakawindang!  Kaya pala pinangalanan niyang the Most Wanted Bachelor!

Napansin ko rin na halos magkapareho na ng pangalan si Leon at ang gagampanan niyang role. Coincidence?

Patuloy akong nagbasa hanggang sa kilinig na ako! Marami-rami rin kasi ang scenes namin ni Mr. Rain Delgado.

May scene kami kung saan kailangan naming magholding hands o kaya naka-akbay siya sa akin. Mayroon pang hinarana niya daw ako! Sino ba naman ang hindi kikiligin jan? Wala akong pakialam kahit scripted lang ang lahat at nakadepende lang kami kung kailan sisigaw ang direktor ng Cut!

Binuklat ko ang kasunod na pahina at doon na ako tuluyang nagimbal.

Scene 23: Jose Rizal to Segunda Katigbak kisses her passionately.

"Waaah!" Napatayo at napasigaw ako sa nabasa. Halos lahat ng staff at crew ay nakatingin na sa akin ngayon. Wow center of attraction na ako.

Agad akong umupo at humingi ng tawad sa mga nabulahaw ko.

Tinignan ko ulit ang script ng mapansin kong halos mapunit na ito.

"Hoy bes, erotica ba yang binabasa mo? Parang gusto mo na yatang kainin yang papel na kanina mo pa hawak ah. Anong bedscene naba? Super instense? Share naman jan oh!" Tumabi at lumapit sa akin si Aya at pabulong slash pasigaw niyang sinabi ang mga nakakahindik na pananalitang iyon. May dala pa syang dustpan at walis, nako tumakas na naman to sa pagtatrabaho.

"Magtigil ka nga Aya! Erotica ka jan! Script kasi ito ng movie hwag kang ma-ano jan! Aanuhin kita eh!" Hinampas ko sa mukha ni Aya ang papel, pero mahina lang naman.

"Aray ha! Akin na nga muna yan!" Hinablot ni Aya ang script at nagsimulang mag-scan. Tumatawa-tawa rin ng paunti-unti si Aya na parang baliw at may kalakip pang facial expression.

Ilang sandali lang ay biglang naging seryoso siya. Wow. Bookworm kana pala bes.

"Hoy anong mukha yan bes? Bipolar ka naba? Magpapatawag naba ako ng Psychiatrist na susuri sa pinagdadaanan mo ngayon?" Inilapat ko ang aking palad sa noo ni Aya, baka kasi sinusumpong na ng topak ang bestfriend ko.

"Ano ka ba! Hindi ako sinusumpong ngayon! Teka, saan na bayun. Tekaa-hmm-ayun! Gotcha!" Sinapak ni Aya ang buong libro ng script sa pagmumukha ko. Ana ba yan! Hindi manlang ako naka-shield!

"Tingnan mo ito bes! Your day has come! Alila and Alalay no more!" Hinablot ni Aya ang balikat ko at iniyuko ang aking mukha sa script.

Scene 17

Segunda Katigbak to Leonor Rivera: slap her in the face.

Dapat ay mangamba ako sa sasapitin ng pisngi ni Leon pero bakit parang gusto ko atang tumalon ngayon sa London Bridge, magpaikot-ikot sa Big Ben at mag bungee jumping sa Eiffel Tower? Abot ozone layer ang tuwa ko ngayon!

"Nako bes! Pinapatawad na kita sa paghampas mo sa akin kanina! You've earn my forgiveness na!" Niyakap ko si Aya ng napakahigpit. Yong makadurog buto na yakap!

"Totoo pala talaga ang kantang Gulong ng Palad bes, minsan nasa ibabaw, minsan naman nasa ilalim! At kung makayakap ka naman! Loosen up naman jan!" Sa pagkakayakap namin ngayon ni Aya ay parang hindi kami nagkita ng 100 years and 1 day.

"Hoy kayong dalawa magkakayakapan nalang ba kayo? Siguro naman hindi matatapos ang movie ng mag-isa no? Yong walang tutulong na staff? At wala ang isa sa mga main casts?" Biglang sumulpot sa harap namin si Maam Ethyl na may hawak na nakarolyong dyaryo, tsaka ito pinukpok sa mga bunbunan namin ni Aya.

Sumilip ang isa sa mga Production Staff ng movie at tinawag ako. "Miss Lea? Next scene niyo na po with Ms. Leon doing Scene17. You're up in 5 minutes please get ready."

Scene 17? Yun pala yong mine-morize kong lines kanina at yun din ang sampal scene!

Binigyan ako ng makahulugang ngiti ni Aya at nag mouthed ng lakasan mo!

Itinaas ko ang aking kamao at nag-evil smile. Magkikiskis na ako ng palad because.

Payback is coming.

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon