Kabanata 29

3.2K 84 1
                                    

Azalea Castillano

Halos tatlong linggo na mula ng umalis at biglang nawala na parang bula si Jose, at feeling ko, sapat na ang panahong yun para maka move-on. Feeling lang naman.

Pati nga si Aya ay parang nakamove-on na talaga dahil hindi man lang daw niya naaalala si Jose, itinanong pa nga niya sa akin kung sino ba daw ang tinutukoy ko. Siguradong nabubulag-bulagan lang yun.

May bagong project ako ngayon at anak naman ng past hunts you oh. Dahil sa sobrang hit ng movie na ehem Rizal: The Most Wanted Bachelor, ayun nagkaroon ng part 2 sequel.

"Azalea, pag-aralan mo itong scene mo, medyo mahirap ang lines mo. Mag meditate ka, characterize, magpasanib ka sa mga espiritu nila Ate V, Nora Aunor at Dolphy dahil kakailangan mo sila okay?" Inilagay ni Rovic ang makakapal na papel sa harapan ko.

"Teka, buhay pa si Ate V at Nora Aunor ha? Pasanib ka jan." Bulalas ko sa kanya.

"Kung hindi ka susunod sa akin ipapasanib ko rin sa ibang artista ang espiritu mo okay? Gets mo ba ang point ko? May humor yon kaya please, I repeat Ms. Azalea PAG-ARALAN mo ito ha? Dahil makakatulong yan para mai-portray mo ng maayos ang bawat scene. Get it?"

May idinagdag pa si Rovic na sangkatutak na script na parang encyclopedia narin na sa sobrang kapal. Siya ang Head Writer ng movie.

"Salamat Rovic, pagsisikapan kong mabuti kahit naiiyak na ako huhu." Ngumiti sa akin si Rovic akin at nag thumbs up. Inilagay ko muna ang mga sandamakmak na libro sa gilid ko at mamaya ko nayan pagdidiskitahang basahin.

Nararamdaman ko na hindi pa umaalis si Rovic sa harapan ko.

"Bakit? May kailangan ka pa Rov?" Simula nung umalis si Jose naging mataray at bossy na ako ng konti. Okay, binanggit ko na naman pangalan niya sheez.

Binigyan niya lang ako ng death glare at yung thumbs up niya ay naging punching sign na nagpapahiwatig na "kapag hindi mo pa sinumulan niyan siguradong hindi ka na masisikatan ng araw."

Tinaas ko ang mga kamay ko for surrender.

"Opps okay okay panalo na ang WRITER sa ARTISTA."

"Good girl Azalea, mahaba-haba yan kaya study well."
Pinat niya ang ulo ko tsaka umalis. Ano ako bata?

Haaay okay let's get it started Azalea Castillano! Aja aja! Buksan na ang libro at simulan na ang page 1 ng kalbaryo HUHUHU.

Aya Rodriguez

Jusko ko po mahabaging Diyos sa langit bakit ba ang daming nagkukumpulang at nagwagwapohang nilalang dito sa station. Sigurado ako noong nagpasabog ng kagandahan ang langit full alert sila at nakatingala na ng makarami. May dala pa silang timba para hakot all you want the kagwapuhan at good traits with 8 pack abs. Hmm.

Papunta ako ngayon sa set ng bagong movie ni Azalea, hindi ako nag-expect na magiging total hit talaga yung movie nila at pagkakaguluhan ng maraming tao nationwide. Marami na ring nabuong fans club dahil sa success ng movie.

Official manager narin ako ni Azalea so, HUHUHU hindi na ako julalay ni Sir Rain. Hindi naman talaga niya ako shino-shoo o pinagtabuyan pero dahil sa kalagayan ngayon ni Azalea, kailangan niya ng magma-manage sa kanya. Marami narin naman akong kilalang malalaking tao sa industriya kaya plus points narin iyon.

Sabi rin ni Sir Rain mas mabuti na kaibigang matalik ni Azalea ang handler niya dahil siguradong magiging honest kami sa isa't-isa. Tama rin naman yon.

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon