Kabanata 13

5K 135 15
                                    

Jose Rizal

Naririnig ko ang bawat ungol ng pighati at pagdadalamhati ng aking mga kababayan. Kahit kailan! Ang bansang mula sa malayong silanganan ay nagsisilbi lamang katuwaan at alipin ng mga gahamang dayuhang nakaupo sa kanilang mga bagong wangis na upuan, natutuwa sa paghihirap na nagaganap sa buong kanayunan.

Lumaban ako.

Ipinaglaban ko ang bawat karapatan na nagsisilbi kong lakas.

Ang karunungang ipinagkaloob ng ating Panginoong Diyos at sa nagpalawak ng aking kaisipan, ang aking inay.

Ang natatangi kong inspirasyon sa bawat tabak na aking kinakaharap, ang aking sampung mga kapatid at ang aking mga magulang.

Ginamit ko ang natatangi kong kakayahan sa pagsusulat, ang aking pluma na nagsisilbi kong armas at sandata sa kanilang pangungutya.

Ang Noli me Tangere at El Filibusterismo na aking inalay sa tatlong paring martyr na nagpamulat sa kaisipan ng sangkatauhan, ang natatangi kong pag-asa.

Tinakpan ko ang aking mga tenga, putok ng baril, ang aking mga kababayan na humihingi ng saklolo, ang buong lugar ay nababalot ng kasamaan!

Ang bansang Pilipinas na ilang henerasyon ding hinubog at ipinagtanggol ng ating mga ninuno.

Inalay ang kanilang buhay para sa kapayaan, ngunit isa pa ring pangarap ng bawat pilipino.

-------

Ilang araw narin akong naglalakad na malayo sa kabihasnan sapagkat sa pagkakataong ito, tinutugis ako ng mga kastila.

Napadpad ako sa isang di-pamilyar na lugar, naubos na rin ang dala kong makakain at tanging isang patak na lamang ng tubig ang aking kaalalay sa pakikibaka ko dito sa kagubatan.

Naghanap ako ng malapit na bukal na maaring pumuno saaking kawayang lalagyan ng tubig nang may natanaw akong isang templo sa tuktok ng isang bundok.

Kaagad ko itong tinahak sa pagbabakasakaling maari akong humingi ng tubig sa nakatira doon.

Pagkarating ko sa tuktok ay may isang matandang lalaki ang bumati saakin.

"Magandang araw binata, ano ang maipaglilingkod ko saiyo?"
Tinanggal ko ang aking sombrero bilang tanda ng paggalang.

"Ipagpaumanhin ninyo po sana ang pag-apak ko po sainyong teritoryo ng walang pahintulot, ngunit ako poy naliligaw at kung maari'y nais ko po sanang humingi ng tubig." Ibinibaba muna ng matanda ang dala niyang panglinis at inakay ako sa kalapit na upuan sa lilim ng puno.

"Ilang araw kana ba sa kagubatan iho? Mukhang hindi ka pa nakakapaglinis ng iyong katawan. Kumain ka naba?" Nakakatuwa ang taong ito, kahit isa lamang akong stranghero ay binibigay niya sa akin ang buong atensyon nya.

"Mag lilimang araw na po." Kung hindi ako nagkakamali ay wasto ang bilang ko sa araw na aking iniukol sa kagubatan.

"Aba nakoy nakakapangamba naman ang iyong kalagayan iho, may matutuluyan ka naba ngayong gabi?" Nagsalin ng tsaa ang matanda at tsaka ito inilahad sa akin, malugod ko naman itong tinanggap at agad ininom.

"Sa kasamaang palad ay wala pa po, pero baka maging aalahanin lang po ako rito kaya hwag nalang po siguro-" Bigla niyang pinutol ang pagsasalita ko at hinawakan ako sa balikat.

"Ano ka ba iho! Hindi iyan problema, bukas ang aking dako sa kahit sino mang nangangailangan. Nagagalak akong tumulong lalo na sa aking mga kababayang nangangailangan." Patuloy ang paghimas ng matanda sa aking likod na para na niya akong sariling anak.

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon