Kabanata 27

3.7K 97 11
                                    

Azalea Castillano

"Ano ba talagang nangyari sa iyo kanina? Bakit ka umiiyak Azalea?" Bakas na bakas ang pag-aalala ni Rain habang hinahagod niya ang likod ko at kinuha ang bottled water na ininom ko.

Dinala niya ako rito sa isang theme park kesyo malungkot daw ako kaya kailangan ko munang mag-unwind and breath some fresh air.

Hindi naman sa pagiging pilosopo pero fresh air in a polluted city is irrational. It makes you an hypocrite.

Nakadisguise kami ni Rain. Sinigurado namin na walang makakakilala at makakapansin sa amin. We wore our outfits normally para hindi talaga kahina-hinala sa paningin ng tao. 
Kasalukuyan kaming nasa isang cafè at kahit nakabalot si Rain ng sobra, mararamdaman mo parin ang kakaibang presensya niya. Inborn na talaga siguro iyon sa mga artista, they shine among the others.

Halos lahat ng makakadaan sa table namin ay sandaling tumitigil at tumitingin. They're giving us weird looks na para kaming tinubuan ni Rain ng isa pang ulo.

Hindi ko rin mapigilan na mapatingin sa kanila. "Huwag mo silang pansinin Azalea. They're giving us weird looks because we're wearing sunglasses in a windy and not-so sunny day, baka akala nila my sort of eye disease tayong dala."

Ngayon ko lang din napansin ang panahon. Nakasuot kami pareho ni Rain ng cap at shades. Nakacouple white V-neck tshirt kami at pants with sneakers. Diba typical get-up lang?

"Tignan mo yong nasa kabilang table, diba ang gwapo nong lalaki? Sayang at mukhang girlfriend niya yung kasama niya." Nagbubulungan ang dalawang highschool students sa kabilang table malapit sa amin. Nagbulungan pa, dinig na dinig ko din naman sila. Duh.

"Anong girlfriend? Ate kaya niya yan o kaya pinsan, hindi sila bagay. Mukhang hindi siya maganda, idinaan niya lang sa pagsuot ng shades." Singhal naman nong kulot na babae.

Teka? Ako? Hindi maganda? Gusto ba niyang bagsakan ko siya ng billboard ko?

Napansin ni Rain ang pakikinig ko sa kabilang table at hinawakan ang nanginginig kong kamay na gusto ng mangalbo ng nagcu-cutting class na mga studyante. "Chill, even with or without shades, you are stunningly beautiful my girlfriend."

Inalis ko agad ang aking kamay, yumuko ako dahil feeling ko pulang-pula na ako. Ayaw kong makita ako ni Rain ng ganito. Nakakahiya. Girlfriend daw?

Crush ko si Rain noon. Yes, I really like him pero kaibigan nalang talaga ang tingin ko sa kanya ngayon. I think my feelings for Rain faded away by the day I've met Jose. The special sensation I felt for Rain was all infatuation. Nothing more, nothing less.

Itinaas ni Rain ang mukha kong nakayuko at ngumiti ng matamis sa akin. "Bakit nakabusangot ka jan? Aba'y si Rain Delgado yata ang kasama mo, napakaraming babae ang naghahangad sa posisyon mo ngayon. Once in a lifetime lang ito and you know, I'm very busy Azalea." Tumawa ng mahina si Rain habang nakahawak sa tiyan.

"Hindi ka pala gaanong presko Mr. Delgado. You're very humble indeed." Tinaasan ko siya ng kilay and I crossed my arms.

"Just admit it, you're enjoying our date Azalea." Tinignan ako ni Rain na parang isang bata na nakasandal ang magkabilang kamay sa kanyang baba.

"Date? You know Mr. Delgado, I'm very busy too." I mimicked his actions and stared at him with an evil smile plastered all over my face.

"But still, sumama ka parin sa akin, I won this conversation period. Kaya Ms. Azalea, kailangan mong gawin ang dare ko para saiyo." Inayos niya ang posisyon ng cap niya dahil medyo naging tabingi na ito.

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon