Kabanata 3

9K 184 25
                                    

Aya Martinez

Kakatuwang tignan na dumating narin ang panahon at pagkakataon na nagkakilala narin sa wakas ang kalog kong bestfriend at ang kanyang ultimate crush. Wow bestfriend goal for your bestfriend.

Sayang at hindi ako nagkaroon ng documentation kung paano lumuwa ang mga mata ni Azalea, na parang lalabas na ito sa loob mismo ng bahay mata niya. Lol. 

Ang pakinang-kinang, paghawi ng buhok at "batt your eyelashes act" niya.  Napakarami rin palang flirtatious moves na nalalaman ang bestfriend ko. Pahinhin effect pa, akala ko dalagang Pilipina.

Mas lalo pa siyang natuwa nang sinabi ko na madalas ko syang ikinukwento kay Sir Rain pero hindi naman nya alam ang mga ikinukwento ko. Smirks.

Ang sarap balikan ang moment na love at first sight and out of my league scene na iyon. Sayang talaga, pang Instagram na sana.

At yung reaction nya! Priceless! Pang 9gag!

"Aya." Ayan tinatawag na ako ni Manager Kiko nandito ako ngayon sa studio ginagawa ang mga dapat kong gawin.

Pinuntahan ko agad si Manager, gwapong nilalang kaya nito. Bakit kaya hindi sya nag artista? Tapos ako ang magiging leading-lady niya, tapos may kissing kami at pagkalaunan ay magiging bedscene! Yum.

"Isarado mo yang bunganga mo Aya, madaming lumilipad na ipis rito baka pasukin yang bibig mo." Hinawakan ni Manager Kiko ang bibig ko at isinara ito. Titig na titig si Manager Kiko sa akin at ako naman si hindi marunong lumangoy ay nalunod kaagad sa kanyang mga tingin. Wow, hugot.

Agad akong napabalikwas para mawala ang tensyon na nararamdaman ng mga hormones ko. Chill lang kayo babies.

"Ano po yun manager kiks?" Pag-iiba ko ng usapan. Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri para mapunta sa iba ang aking atensyon at hindi sa super red, smooth, kissable lips nya!

Naglalagay ba siya ng lip gloss o lipstick? Bakit parang walang ni anumang biyak ang nakikita ko? Good kisser kaya siya? Waaah.

Bumalik ako sa aking wisyo ng nakarinig ako pagsnap ng daliri sa mismong mukha ko.

"Natulog ka ba? Parang nasa Lala-land ang pag-iisip mo ngayon ah." Ngumiti ng kaunti si Manager Kiko na hindi gaano umabot sa kanyang mga mata. Pero gwapo parin.

Humalakhak ako ng kaunti sa naging tanong niya. Nginitian ko rin sya."Baka nga, napaka-aga kasi naming gumising at nagulat ako na magkasintahan pala si Manong guard at Manang Janitress, ayaw pa magsink-in sa utak ko."

Mukhang nagulat siya sa naging pahayag ko at agad siyang humalakhak. Nako naman ang lalaking ito, napakagwapo kung ngumiti pero naging goddess ng tumawa. Oh Lord help me peacefully surpass this beautiful creature of yours!

Ano ba yan, habang tumatawa siya ay kasabay rin nito ang pagreflex ng mga muscles niya. Marupok ako marupok!

Maluha-luha ang mga mata ni Manager Kiko ng matapos ang laugh parade na pinagdaanan niya. "Wow, that's we call top breaking news. Nice."

Nagulat ako ng bigla niya akong akbayan at sabay kaming lumabas ng station building. Naging stiff ang lahat ng nerve endings ko kung gaano kami magkalapit ngayon at ramdam na ramdam ko ang mga, take note "mga" abs niya. Ninja moves!

"Saan tayo pupunta?" Hindi ko maiwasang hindi tumingala dahil sa katangkaran ng lalaking ito.

"Kakain tayo, gutom na ako." Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkaka-akbay sa akin pero in a soothing way.

Agad akong nagulat ng bigla niya akong iniharap mismo sa kanya. Magkalapit na magkalapit na ngayon ang aming mga labi. Ramdam na ramdam ko rin ang hininga niyang napakabango.
Nag-adjust siya at yumuko ng kaunti para magkatapat ang mga mukha namin. Nakatukod sa magkabilang braso ko ang mga kamay niya, ako naman ay tulalang nakatitig at naghihintay ng mga susunod niyang gagawin.

"Gusto mo?" Mas lalo akong nagulat ng ngumuso siya sa harapan ko. Nako naman, kailangan ng agarang documentation ito! Ang isang kissing scene na ito ay dapat makuhanan ng litrato o kayo matelecast worldwide! Ipapalaminate ko talaga ang litrato!

Teka, nagtatanong ba siya kung gusto niya na halikan ako? Or gusto kaya niya na ako ang humalik sa kanya? Or gusto niyang magpropose na? Azalea be my maid of honor!

Ipinikit ko ang aking mga mata at naghihintay ng mahiwagang grasya este memorable kiss with Kiko. Ayan na.

Pero dumaan ang ilang segundo ng wala parin akong nararamdang pagdampi ng anumang bagay sa ang aking labi. Inimulat ko kaagad ang aking mata at nakita kong mahinang tumatawa si Kiko.

"Gusto mo bang kumain jaan?" Ngumuso siya ulit at agad akong lumingon sa itinuturo ng kanyang mga labi. Restaurant pala.

Oh. My. God. Naghahangad nalang ako ngayon na kainin na sana ako ng lupa at manirahan na sa mundo ng Engkantada ng panghabang buhay!

Oh mga langit tirahin na sana ako ng kidlat! Ngumiti ako ng pilit, umalis sa harapan niya at tumakbo ng mabilis patungo sa restaurant. Tinakpan ko ang aking mukha habang kumakaripas ng takbo. Magkikita at makakasama ko pa siya ngayon sa pagkain.

Oh my. This will be a very long long day.

-------------

Akala niyo tapos na humiliation moment ko? Aba hindi pa. Idadaan ko nalang sa puspusang pagkain ang nilunok kong kahihiyan kanina lang. Uubusin ko talaga ang laman ng wallet ng lalaking ito hindi ako magtitira ni isang kusing na kahit pagbili ng toothpick ay hindi na niya ma-afford!

Magkaharap kami ngayon, at infairness napakaclassy niya habang nakatutok siya sa menu.

"Kasama ba ako sa menu at sa akin ka nakatingin?" Iniharang ko kaagad ang malaking menu sa aking mukha. Nahuli nanaman akong tumitingin sa kanya, baka makulong na ako dahil sa pagnanakaw tingin ko. Mabuti nalang natago ko sa menu ang aking blushing face.

Tinitigan ko ang bawat dishes na nakalagay, masasarap pero hala bakit ang daming zero's ng presyo? Naku naman, baka mapahugas pa ako ng mga plato nito.

Mukhang nagets naman ni Manager Kiko ang expresyon ko at ngumiti siya sa akin. "My treat don't worry."

Ayan nanaman yang complete set of white teeth niya without any tartar nayan!

Sa gitna ng trance ko ay bigla kaming nakarinig ng ringtone. Oh my, ang aking ringtone! Save by the one and only Sir Rain! Hallelujah!

Nag-excuse muna ako kay Manager Kiko at lumabas ng restaurant para sagutin ang life  saving call ni Sir Rain.

Muntik ko ng makalimutan, kung hinahanap niyo ang bida ng storyang ito na si Azelea ayun, pumunta na silang Palawan kasama ang amo niyang si Malificient.

*Sir Rain Calling*

Teka, bat di ko naisip na ibigay number ni Sir Rain kay Azalea? Baka maging textmates sila!

"Hello po sir!"

"Hello, din sayo Aya. Tumawag ako dahil may pupuntahan tayo. Kaya mag-impake ka na."

"Saan po tayo pupunta Sir?"

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon