Kabanata 40

3.2K 79 8
                                    


Azalea Castillano

"Bespren! Ba't ang tagal mong gumising jan! Magtatatlong araw ka ng walang malay! Ano ito semi-coma?! Bespren!" Nakarinig ako ng pamilyar na boses kasabay ng pagkakaka-alog ng aking katawan.

"Ano ka ba naman Aya! Pagpahingahin mo nga yang kaibigan mo! Mabuti nga at nakita natin siya ng ligtas. Mabuti nalang." May naramdaman akong patak ng tubig sa aking mukha na sa tingin ko ay patak iyon ng luha.

Idinilat ko ang aking mga mata ng dahan-dahan.

Isang puting kisame ang unang tumambad sa akin at mga pigura ng aking mga kaibigan.

"Azalea! Jusko po salamat! Nagising ka na rin! Nurse! Nurse! Doctor! Rain dali!" Nakita ko na humarurot ng takbo si Rain palabas ng silid at sa pagbalik niya ay kasabay rin ng pagpasok ng doctor at may kasamang nurse.

Nagsimula na akong tinignan ng doctor, ang nurse naman ang nagchecheck ng mga aparatong nakasaksak sa akin. 

"Okay naman ang pasyente, walang masyadong galos at kung anong malubhang sakit. Sobrang napagod lang siguro ang kanyang katawan kung kaya't nakatulog siya ng tatlong araw."

Tinitigan ko lang doktor na parang wala sa sarili. Hindi ko narin pinapakinggan ang mga salitang sinasambit niya. Si Aya at Rain ay lubos naman ang pakikinig sa sinasabi ng doktor.

Lumapit sa akin ang doktor kinuha ang isang clipboard.

"Maari ba kitang tanungin iha? Nasaan ka ba noong nakalipas na mga araw? Napagod ng husto ang iyong katawan na parang dumaan ka sa napakahabang depression. Ano ba ang nangyari? May nananakit ba saiyo?" 

Nag-isip ako kung ano ba ang nangyari sa akin noong nakalipas na mga araw. Nag-isip pa ako ng maigi hanggang sa makaramdam ako ng pagsakit ng ulo. Hinawakan ko ang aking ulo dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Huwag mo ng piliting alalahanin kung hindi mo pa kaya. Sige, magpahinga ka  na muna at babalik ako mamaya. Basta tandaan mo Miss Azalea na kung may maalala ka man ay sabihan mo agad ang iyong mga kaibigan".

Sinundan ko ng tingin ang doctor hanggang sa mawala na siya sa pintuan.

"Azalea, saan ka ba nagpunta? Alam mo bang alalang-alala na kaming lahat sa iyo! Kung saan-saan kami nagtungo mahanap ka lang!" Pag-aalalang tanong sa akin ni Rain. May namumuong naring pawis sa kanyang noo, siguro'y alalang-alala talaga siya sa nangyari sa akin.

Nakita ko nalang na biglang humagolgol na ng iyak si Aya na nasa tabi ni Rain. "Oo nga bespren! Akala ko na goodbye philippines na ang peg mo sa universe! Nahimatay pa ako dahil sa iyo! First time yon! Nakaka-stress ka ng under arms! Promise!"

Napatawa nalang ako sa mga sinabi ni Aya. Nandito na nga ako sa totoong mundo.

Teka, totoong mundo?

Pero ang pagkaka-alala ko ay binaril ako ng makailang ulit ng mga kastila, naramdaman ko pa nga ang bawat putok at ang pag-agos ng dugo sa aking katawan habang yakap-yakap ko si Jose.

Tumingin ako sa kawalan at iniisip ang mga nangyari.

Napunta ako sa mundo ni Jose. Nahuli kami ng mga kastila na pinamumunuan ng isang heneral. Ikinulong kami. Nagkasamang muli. Ikinasal. At-

Binaril si Jose at namatay. Pero kasunod naman akong hinatulan ng kamatayan.

Bakit buhay pa ako?

"Hay nako bespren ba't kasi nagplanking ka sa luneta park! Sa harap pa ng statwa ni Jose Rizal! Hay!" Napahilamos ng mukha si Aya at ininom ang hawak na mineral water.

"Luneta? Bakit ako nandoon?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Diba kami ang dapat magtanong saiyo tungkol dyan? Ano ka ba! Doon ka namin nakita! Nakahiga ka sa kongkretong daan at walang malay. Akala ko nga na wala ka ng buhay! Nagha-hyperventilate na ako nang dahil sayo!" Pagsasalita ni Aya habang pinapaypayan ang sarili.

Tumungo ang aking titig kay Rain na kasalukuyang nakaupo sa gilid ng aking higaan. 

Inayos rin ni Rain ang aking pagkakaupo sa higaan. 

"Totoo ba iyon Rain? Na sa luneta niyo ako nakita? Sa harap mismo ng statwa ni Jose Rizal?"

"Oo, may nagpost kasi sa social media na kamukha mo daw ang isang babae na nakalumpasay at nakahiga sa gitna ng Luneta park. Hindi naman nila makumpirma na ikaw iyon dahil napakarumi at dungis mo na hindi ka magawang makilala ng mga nagdadaang tao sa parke. Kaya dali-dali kaming pumunta doon upang kumpirmahin ang post ng isang netizen at mabuti nalang ay ikaw nga ang babaeng iyon." Nakatingin lang si Rain sa aking mga mata habang hinahagod ang aking buhok.

Pumikit ako at sinimulang buksan ang iba pang mga natatanging ala-ala na nakaimbak sa aking isipan. Hindi ba dapat ay patay na ako? At paano ako nakabalik sa totoong mundo? At bakit nabuhay ako?

Nagising ako sa aking diwa nang may kumatok sa pintuan. Pinagbuksan naman kaagad ito ni Aya.

"Oh officer! Ano pong pakay niyo rito?" Tumambad sa amin ang isang pulis at may hawak-hawak siyang isang selyadong plastic bag.

"Narito po ako upang ibigay ang mga gamit ni Miss Azalea." Inabot niya ito kay Aya, kumindat naman si Aya sa kanya. Nako naman Aya, kahit saan, kahit kailan basta gwapo talaga ay ready ka.

"Hmm, relo, kwintas, cellphone, wallet at teka ano to- Papel? Para naman ito yong papel na pangtawag ng kaluluwa, may sulat pang mga nakakatakot na kataga." 

Inabot sa akin ni Aya ang aking mga gamit kasama iyong kahinahinalang papel. Sa pagdampi nito sa aking palad ay nakaramdam ako ng kakaiba. Mukhang napaka-pamilyar nito sa akin.

"Ito ang magliligtas sa atin sa anumang darating na kapahamakan at kahit sa kamatayan man."

Bigla kong narinig ang boses ni Jose sa aking mga tenga na nagsasabi ng mga katagang iyon.

Pero paano napunta ito sa akin?

"Noong nag-away tayo, palihim kong isinilid ito saiyong damit. Mas mahalaga ang iyong kaligtasan kesa sa akin Mahal Ko."

Nilingon ko ang buong paligid. May boses talaga akong naririnig.

Biglang tumulo ang aking mga luha. Doon ko lang napagtanto ang buong pangyayari.

Isinakripisyo ni Jose ang buhay niya para sa akin. Ang lahat ng kanyang mga sinabi sa silid na iyon ay pawang kasinungalingan lang lahat. Ang totoo'y mahal na mahal niya ako.

Nagwala na ako sa loob ng silid at naramdaman ko nalang ang pagpipigil sa akin ng mga tao. Hinawakan nila ako ng mahigpit para maiwasan ang pananakit ko sa aking sarili.

"Ano bang nangyayari sa iyo Azalea? Doctor! Tumawag kayo ng Doctor!" Napakahigpit ng pagkakahawak sa akin ni Rain, para akong pasyente sa isang mental hospital na nagnanais na makawala.

"Anong nangyari sa kanya? Kanina lang ay napakahinahon niya. Hawakan niyo sya ng mabuti! Tuturukan ko sya ng pangpakalma."

"Huwag! Hayaan niyo ako! Wala naring kwenta ang buhay ko! Patayin niyo nalang ako! Pakiusap!" Paghahagolgol kong sabi sa doctor halos paos na paos na ako at putol-putol na ang aking mga sinasambit na salita.

Naramdaman ko nalang ang mahinang pagkirot sa aking braso, tinurukan na pala nila ako ng kemikal na panandaliang papawi sa aking kapighatian at kalungkutang aking nararamdaman.

Rain Delgado

Labis ang aking pagkagulat sa naging kilos ni Azalea kanina, nanlilisik ang kanyang mga mata, humahagolgol siya ng iyak at nagwawala. Nanibago ako dahil ang Azalea na kilala ko ay masayahin at malakas ang loob. Napakahina niyang tignan sa kalagayang iyon kanina.

Mabuti nalang at ngayon ay mapayapa na siyang natutulog pero makikita mo sa kanyang mukha ang sobrang pagkalungkot.

"Ano ba kasing nangyari sa iyo Azalea noong nawala ka?"

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon