Kabanata 20

4K 127 27
                                    

Azalea Castillano

Sa hinaba-haba man ng talakan, sa boarding house parin namin ni Aya ang patutunguhan.

Halos mapilay na ako sa pagkalayo-layo ng nilakad namin ni Jose. Oo nga't nakita namin ang hard-to-get na pisong iyon pero paano magkakasya ang 10 pesos para sa dalawang tao? Ano? Kakandong ako sa kanya? O siya ang kakandong sa akin para isahan lang ang bayad namin sa jeep?

Nakakaawa naman tignan na ang rising star na si Azalea Castillano ay di-magawang sumakay dahil wala siyang pamasahe. Breaking news na ito!

Nakakahiya kayang dumaan sa mga billboards na may mukha ko pero eto ako ngayon, minamahal ang inang kalikasan at naglalakad para iwas polusyon.

Nagkasugat-sugat narin ang mga paa ko dahil sa suot kong heels. Tiis ganda lang talaga.

Pero hindi ko rin naman napansin na halos sampung kilometro (10km) ang nilakad namin ni Jose dahil naging masaya ang naging diskusyon namin habang nag-aala walk for a cause kami.

Doon narin ako nag-ala Boy Abunda sa nangyaring fast talk sa daan. Walang habas kong tinanong si Jose tungkol sa buhay niya.

Matindi ang mga revelations ang nalaman ko sa taong ito. Masasabi ko talaga na nagsasabi siya katotohanan at siya ang Pambansang Bayani Ng Pilipinas.

Tumbok na tumbok niya ang bawat katanungan ko at ni-recite pa ang "Sa aking mga Kababata" kahit wala naman akong alam tungkol don! Kaya tumango-tango nalang ako para hindi ako magmukhang mangmang!

Nakakasira talaga ng balanse ng mundo ang pagsasama ng matalino at loading na katulad ko. Nakaka-drain ng braincells. Believe me!

-------

Aya Martinez

"Qwertyuiopaadfghjklzxcvbnm!"

Iyan agad ang sinalubong ko kay Azalea. Kinompleto ko talaga ang keyboard nang mawindang siya at hindi na umulit! Jusko po! Alas dos na ng madaling araw at ngayon pa lang niya naisipang umuwi?!

Nakalimutan ata niya na artista siya at parang Convenience Store ang Showbiz Press na open 24 hours! Mahe-headline siya nito!

At higit sa lahat, may pa-BH (Bring House) pa siyang fafabol na lalaki ha?

Teka lang no. Lalaki?!

"AT SINO YAN?!" Pambubulabog ko kaagad sa kanya, naghanap pala siya ng mga fafa hindi pa ako sinama! Hmp!

"Si Jose lang yan Aya, hindi nangangagat, hindi rin nangangalmot kaya sige, ikaw muna ang bahala sa kanya at matutulog na ako. Good Night.  Mwa." Nakapikit si Azalea habang sinasabi niya ang lahat ng iyon. Umakyat na siya sa kama niya at nagtalukbong. Eh?

"Hoy babae gumising ka jaan! Paano kung rapist itong dala mo?!" Niyugyog ko si Azalea pero mukhang nasa ibang mundo na siya ngayon.

Hinarap ko itong "Jose" at tinarayan ko siya. "Kaano-ano mo si Azalea? Hwag mong sabihing mag-shota kayo?! Masyado ka namang gwapo para maging kalahi niya! Sumagot ka!" Naramdaman ko nalang na may humampas sa akin ng malambot na bagay.

"Akala ko ba tulog ka na?! Matulog ka na hoy!" Inihampas ko pabalik kay Azalea ang unan. "Eh nanlalait ka na yata tungkol sa akin eh! Gusto mo laitin rin kita? Ano?" Sinubsob ko ang unan sa mukha ni Azalea nang matahimik siya. Iba ang nalalaman ng babaeng ito, kaya magpapa-under muna ako.

"Huwag kang mangamba ngunit magkaibigan lang kami ni Azalea." Ngumiti siya, at doon na nag-live show ang mapuputing ngipin ni Jose. Wow pang-commercial ng Closegate!

"Magkaibigan o MAG-KAI-BIGAN?! Siguraduhin mo yang tabas ng dila mo lalaki! Mabuti nalang at artistahin ka rin, kaya sa ngayon, hindi muna kita paghihinalaan okay?" Tinapik-tapik ko ang kanyang balikat para maka-chansing. Galawang breezy.

"Magkaibigan lamang kami at wala ng ibang ugnayan ang namamagitan sa amin ni Azalea, ano nga pala ang iyong pangalan Binibini?" Yumuko siya at inalis niya ang kanyang sombrero tsaka hinawakan ang kamay ko. Chansing pre!

Tumawa ako ng pagkahaba-haba nang marinig ko ang salitang binibini mula sa kanya. "Binibini? Nakakalungkot mang isipin na hindi ako nakapasok sa Bb. Pilipinas 2014 pero hwag mo akong tawaging ganyan! Ew lang kaya."

"Nakakapagtaka kung bakit nagugulat o kaya natatawa kayo sa tuwing tinatawag ko kayo sa katagang iyan, kapalastanganan na ba iyan sa mga babae sa panahong ito?" Ano na? Gagawa naba ako ng Burador at Kathang Pormal na may 1000 words? Nakaka-nose bleed siya! Tulong!

Napatulala ako ng ilang segundo at nagtanong. "Saang mental ka galing? Takas ka ano?"

"Aya, sa Planet Nemic yan nanggaling si Jose kaya huwag mo na siyang tanungin, mauubos lang lahat ng brain cells na natitira sa utak mo. Tiwala lang." Hamakin ba naman ako ng taong natutulog?

"Saan pala ako maaring matulog Binibing-?" Iniharang ko ang aking kamay sa mukha ni Jose.

"Hephep! Sabing hindi ako isang Binibini! Ako si Aya Martinez at ikaw si Jose-?" Ang kaninang mataray na ako ay bumabait na! Gwapo kasi eh!

"Huwag mo naring tanungin ang pangalan ni Jose, siguradong magkaka-brain hemorrhage ka." Itong si Azalea sabat ng sabat! Akala ko ba tulog na siya? Moment ko ito! Moment!

"Naguguluhan na ako! Ewan ko sainyong dalawa! Makatulog na nga lang!" Napasabunot nalang ako ng buhok. Magkaka-stroke ata ako ng wala sa oras! Sarap pag-umpugin nitong si Azalea at nitong si Jose. It's very complicated!

"At ikaw matalinghagang lalaki!" Tinuro ko si Jose at ngumiti naman siya sa akin. "Doon ka sa sofa! At huwag na huwag kang gagawa ng kung anong kababalaghan kung gusto mo pang masikatan ng araw sa gabi! Gets mo?! Araw sa gabi?! Matalinghaga iyon kaya dapat gets na gets mo okay?"

"Oo Ms. Aya naiintindihan ko. Kakaiba ang upuan niyo rito napakaganda ng pagkakagawa at yaring-yari sa malambot na bagay." Hinimas niya ang sofa na parang first time niya lang makahawak nito. Makikita mo sa ekspresyon ng mukha niya na manghang-mangha siya rito.

Inabutan ko siya ng kumot at unan. "Sige at ako'y matutulog narin at ipapa-alala ko pala saiyo Mr. Jose na may chainsaw ako sa ilalim ng kama ko kaya please, keep safe okay? Nice to meet you." Kinindatan ko siya at humiga ako sa kama at agad na isinira ang aking mga mata.

"Ikinagagalak rin kitang makilala Bb. Aya Martinez. Magandang gabi saiyo."

May tumawag ba sa aking Binibini o nanaginip na ako?

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon