Kabanata 39

2.6K 70 2
                                    


Jose Rizal

Pagkalabas ko ng silid na iyon ay nilakasan ko na ang aking buong loob. Siguro'y isinilang ako sa mundong ito hindi lang upang paglingkuran ang nasyong ito at mga mamamayan na nasasakupan nito kundi upang makilala din ang isang babae na nagpaikot ng aking mundo sa kahit anong anggulo na maaring tahakin nito.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng aking bayan. Nakagapos ang mga kamay, nakasuot ng pormal na kasuotan at sinamahan pa ng sumbrero. Ako'y nakapikit at naghihintay sa aking sasapitin.

Napakasama kong tao kanina, sa harap pa mismo ng aking sinisinta. Dapat ay magalit at kamuhian niya ako ng lubusan upang hindi niya masyadong dibdibin ang aking pagkawala. Nagawa ko naman siguro ang nararapat. Nais ko man siyang itayo at hagkan nung nawawalan na siya ng lakas, siya rin ang nagsisilbi kong enerhiya. Hindi ko kayang idamay siya sa ganitong pagpaparusa, nararapat sa kanya ang mabuhay ng masaya at walang inaalala.

Magkaiba man ang pinagmulan naming mundo, iisa naman ang tinitibok ng aming mga puso.

"Maghanda! Itutok ang mga baril!"

Mas malakas pa ang tibok ng aking puso sa sigaw ng sundalo. Minulat ko ang aking mga mata at tumingala sa langit.

"Paputukan na siya!"

"Paalam mahal kong Azalea hanggang sa muli nating pagkikita."

Azalea Castillano

Bigla akong nagising nang marinig ko ang ingay na dulot ng putok ng mga baril.

Inalala ko ang mga pangyayari at doon ko naalala ang lahat, ang pagkamuhi sa akin ni Jose at ang pagtanggi niya sa aking pag-ibig.

Nararapat lang siguro sa kanya ang mamatay.

Pero.

Hindi maari.

Kahit sinabihan niya ako ng ganon kasasakit na mga salita ay alam kong totoo ang ipinakita niyang pagmamahal sa akin.

Tumayo ako at tumakbo.

Nasa ikalawang palapag pala ako sa isang gusali, may veranda dito at nasilayan ko ang nagkukumpulang mga tao. May pinagguguluhan sila sa gitna ng parke.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid at nanlumo ako sa aking nakita.

Tumumbad sa akin ang duguan at walang buhay na si Jose. Nakahandusay siya sa pinaka centro ng parke na parang isang hayop na sinagasaan. Nakagapos ang kanyang mga kamay at walang kalaban-laban. 

Nakikita ko pa ang ibang tao na tumatawa at tuwang-tuwa sa nangyari kay Jose.

Tinadyakan pa ng isa sa mga sundalo si Jose upang siguraduhin na patay na siya, ngunit hindi pa siya tuluyang naging kontento at hinampas niya ang ulo ni Jose gamit ang baril na bitbit niya.

Si Jose ay wala ng buhay at hindi siya naapektuhan sa ginawang panghahampas ng sundalo sa kanya.

Puno ng dugo ang kanyang buong katawan mula sa ulo hanggang sa kanyang mga binti.

Nasa malayo man ako nakatingin pero mula rito ay kitang-kita ko kung paano nila walang-awa na pinatay ang aking pinakamamahal na Jose.

Dito na tuluyang bumuhos ang mga luha sa aking mga mata. Napahagulgol ako at sumigaw. Sumigaw ako. Sumigaw ng sumigaw.

Hindi narin masyadong sumusunod ang aking utak at kung ano ano na ang iniisip ko.

Tumalon ako sa gusali ng walang pag-aalinlangan.

Bumagsak ako ng walang naramdamang kahit anong sakit. Siguro'y namanhid na ako ng tuluyan. Sinubukan kong tumayo at naglakad patungo kay Jose.

"Teka, may babae oh! Sino sya?" Narinig kong sabi ng mga tao sa paligid. May mga konsensya ba sila? Nakaya nilang makita ang taong nagsulong ng kapayapaan para sa bayang ito at hindi manlang sila nag-alsa? Ni hindi manlang sila nagprotesta upang pigilan ang mga gahamang sumasakop sa kanila?
At ang pinakamasaklap sa lahat ay hindi manlang nila tinulungan ang kanilang kababayan, sabagay ay mayayaman at mararangya ang mga tao na ito. Hindi nila alam kung paano magdanas ng pananakop at pang-aalila mula sa mga kastila.

Mayroon din namang mga tao na mabubuti ang kalooban. Ramdam ko ang mga nakaawang titig nila sa akin. Alam ko na nais man nila akong tulungan, ngunit kung lumampas man sila linyang itinalaga para sa kanila ay siguradong katapusan na din ng kanilang buhay.

"Umalis kana jaan ineng hanggang may oras pa!" Pabulong na sigaw ng isang awang-awang babae na may hawak na bata sa kanyang mga kamay, nilingon ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad patungo kay Jose.

Pagkarating ko sa walang buhay na katawan ni Jose ay doon na bumuhos ang aking pagkaluksa. Niyakap ko ng napakahigpit ang kanyang bangkay at hinalikan ang kanyang noo. Kung noon, sa bawat halik ko ay tumutugon siya pero sa pagkakataong ito, isang nakapikit na si Jose nalang ang nakikita ko. Hindi na niya magagawang hagkan at halikan pa ako ng pabalik. Napaka payapa ng kanyang mukha. 

Namatay man siyang walang kalaban-laban, pero natapos naman niya ang kanyang takbuhin at misyon sa buhay na kalakip dito ang mag-ambag ng kapayapaan at buksan ang kaisipan at mata ng mga tao patungkol sa tunay na adhikain ng mga mananakop.

Kung paano din nila pinapaikot ng mga nagbabalat kayong Padre Damaso ang mga walang kamuwang-muwang na isipan ng mga Pilipino.

Iniwan niya na nga ako. Iniwan na ako ni Jose.

Kung mamamatay man si Jose ay gusto ko naring mamatay dahil wala na ring silbi ang aking buhay kung hindi ko siya makakasama.

Magkakasama din tayo Jose sa lugar na tayo lang ang naroon at nakakaalam.

Walang mananakit sa atin doon.

Mamumuhay tayo ng mapayapa kasama ang isa't-isa.

Mamumuhay tayo magpakailanman.

Lumapit sa akin ang isang sundalo at itinutok ang kanyang baril sa aking ulo.

Ngumiti ako sa kanya at tinitigan ang kanyang mga mata.

"Barilin ang lapastangang babaeng iyan!"

Nakarinig pa ako ng isang malakas na sigaw mula sa mga tuwang-tuwa na mga kastila at kasunod na nito ang pagputok ng baril.

Isinambit ko ang aking mga huling salita hanggang sa tuluyan na akong bumagsak kasama si Jose sa aking tabi.

"Maraming salamat, hintayin mo ako Jose. Magkikita at magkakasama din tayo ng ilang saglit. Magiging masaya na tayo magpahanggang sa wakas. Mahal na mahal kita aking asawa."

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon