Epilogue

4.8K 121 38
                                    


Rain Delgado

"Annnd cut! Good take! Okay next scene. Nasaan naba ang ka-love team mo Rain? Kumakain na naman ba sya?" Natawa ako sa kaawa-awang mukha ni direk, napahilamos nalang siya ng mukha at kinuha ang megaphone at itinutok sa bunganga niya.

"MAHABAGING AZALEA CASTILLANO! KUNG SAAN KA MAN NAROROON SA MUNDONG IBABAW NA ITO AY PUMUNTA KA NA DITO SA SET DAHIL MAGTE-TAKE NA TAYO!"

Tumahimik ang buong paligid hanggang sa may marinig kaming hinihingal na pigurang papalapit sa aming kinalalagyan.

"Opo direk! Teka lang! Eto na eto na." Tumambad sa amin ang tumatakbong si Azalea patungo sa location. May nakaipit pang burger sa bibig niya.

"Hay nako bata ka! Sa susunod ay lalagyan ko na talaga ng security code ang refrigerator sa buong set! Ginagawa mo na kaming pulubi! Kain ka ng kain hindi ka naman tumataba! May bulate ka ata sa tiyan mo iha. Hay nako."

Nagbuntong hininga  nalang si direk, samantala, hinalikan na lamang siya ni Azalea sa pisngi at naglakad patungo sa set.

Tumingin at ngumiti siya sa akin. "Rain! Halika na! Ang bagal mo naman! Puro kana kasi bilbil!"

"Aba, nahiya naman ang 8 pack abs ko sa katakawan mo no." Dinakma ko siya ng mahigpit na yakap. Nagpumiglas si Azalea at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Diba? Damang-dama mo ang mga abs ko? Matigas pa yan sa iba pang matigas sa katawan ko." Namula naman kaagad si Azalea at nanlaki ang kanyang mga mata.

"Anong matigas? Bastos!"
Biglaang kinagat ni Azalea ang braso ko nakapulupot sa kanya hanggang sa mabitiwan ko sya.

"Anong bastos? Ngipin, buto, bungo? Hindi bayan matigas? Ikaw ang bastos napaka dirty minded mo! At tsaka ang sakit ng pagkakakagat mo ah! Aray naman!"

Inilabas lang ni Azalea ang dila niya at inasar ako. Mabilis syang pumunta sa camera man namin na si Manong James at pinagkukumusta ang iba pang mga staffs.

Nakagagalak tingnan ang mga ngiti ni Azalea ngayon. Mabuti na lamang at nakayanan niya ang depresyon, noon, halos hindi na siya kumakain, minsan ay isinusubo niya naman ang pagkain pero agad din naman niya itong iniluluwa. Palagi siyang nakatanaw sa kawalan na parang napakalalim ng kanyang iniisip. Bigla din siyang umiiyak ng walang dahilan na labis na pinangambahan naming mga kaibigang nakapalibot at labis na nag-aalala para sa kalagayan niya.

Inilagak namin siya sa isang welfare and health institution sa loob ng anim na buwan at sa kabutihang palad ay iyon ang nagpabalik sa kanya, sa totoo niyang sarili.

Hindi parin namin alam kung ano ba talaga ang pinagdaanan ni Azalea noong nawala siya na parang bula. Hindi naman siya nagkukwento, sinasabi niya lang na nakalimutan na niya ang mga nangyari. Hindi narin namin siya lubusang pinilit, basta ang mahalaga ay tuluyan ng nagbalik ang dati niyang sigla.

"Rain na space-out ka jan? Tulaley lang? Halika na, ready na ang buong set." Hinawakan ni Azalea ang aking kamay at iginayak sa set.

Pakanta-kanta pa siya habang naglalakad kami. Mabuti nalang at nalinis namin ang pagkatao ni Azalea mula sa media at mapanghusgang pananaw ng mga tao tungkol sa kanya. Napatawan na rin ng ilang taong pagkakakulong si Leon dahil sa pagpapahayag niya ng mga kasinungalingan tungkol kay Azalea sa boung Pilipinas.

Siniraan niya pa ito. Sa tulong din ng matibay na ebidensya dahil sa CCTV Actual Footage ay nadagdagan pa ang kaso ni Leon dahil nadiskubre din ng mga otoridad na siya rin ang may kagagawan ng pagka-aksidente ng artistang si Maryel Case. Nakalaya naman kaagad si Leon dahil sa pyansa pero ipiniit naman siya sa Mental Hospital dahil sa mga kakaibang kinikilos niya. Nagpapakita na siya ng isang babaeng wala na sa matinong pag-iisip at tuluyan ng nawala sa spotlight na inaasam-asam niya.

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon