Kabanata 9

5.1K 138 7
                                    

Azalea Castillano

"Bravo! Good take! Napakagaling mo Miss Azalea! Sigurado ka bang new bloom artist ka lang? You're a natural! Pasok sa banga ang pagkakapili sa iyo ni Del at Patrick!" Halos magtata-talon nasa saya ang Asst. Director ng pelikula na si Direk Kier.

Binaba ko nalang ang ulo ko dahil nakakaramdam na ako ng konting hiya at masyadong nakaka-ooverwhelming ang mga compliments ni Direk sa akin.

Halos kanina pa niya ako pinupuri at kung hindi niya yan ititigil. Nako. Lalaki ang ulo ko neto!

"Hindi naman po gaano Direk, pero salamat narin po sa pagpapalakas ng aking loob." Lumapit ako kay Direk sa standby-area at kinamayan siya.

"As your mentor and director, and you as a new artist, I should keep your fire burning. At hwag kang mag-aalala, darating rin tayo sa constructive criticism part and you should be ready for it. That stage is tougher and you can suffer emotional mayhem. Just be professional and always be natural Miss Lea."

Tumabi sa akin si Aya at pi-nat ang balikat ko, she mouthed Amazing and roll her brown eyes.

Sa totoo lang, unexpected ang pagiging artsy ko pagdating sa pag-arte. Magaling pala ako sa larangang ito. Hindi naman ako dumaan sa anumang acting workshops, siguro ay dahil narin parati kong nakakahalubilo ang mga artista at live ko silang makita sa mga taping nila. I think it was all self-thought. Just wow.

For me it was all shocking. Ewan ko ba, pero sa tuwing dinideliver ko na ang mga linya ay parang nag-iiba ang aking buong pakiramdam. Sinasaniban ako ng emosyon at kakayahang hindi ko maipaliwanag.

"Okay break muna tayo! Wardrobe kindly pick a dress that will fit the next scene for Miss Azalea. And Mr. Rain Delgado? Are you ready? You're up!" Napadako kaagad ang aking paningin kay Rain. Sinabayan niya rin ako ng tingin na sya ko namang ikina-pula ng pisngi.

Bago pa niya ako tuluyang mapansin ay naglakad na ako patungo sa artists standby-area. Actually my favorite past time is gawking Rain. Hindi siya nakakaumay.

Nakarating na ako sa tent at kung minamalas ka naman nandito ang ex-amo ko. Oo, himala't pumayag talaga siya na sisantihin ko ang sarili ko.

Nagjoin full-force kami ni Sir Patrick at Direk Del sa pagkausap sa amo kong mukhang pirata.

Sabay nilang ipinaliwanag ang sitwasyon patungkol sa akin. Mahinahon namang pumayag si Maam Leon sa naging proposisyon nila Sir Patrick at Direk Del sa kanya. Ang totoo pa nga ang napakasaya raw niya sa nangyari sa akin. May sinabi pa siyang deserve ko ang blessing at all my works were paid off.

Niyakap pa niya ako at hinalikan sa pisngi. Halos mandiri ako sa mga inasal ni Maam Leon sa pagkakataong iyon, alam ko na may bahid ng ka-plastikan lang ang magandang pakikitungo niya sa akin at kasama ko pa sila Direk at Sir kaya dapat lang siyang umarte na mabuti at mahinhin.

Doon niya talaga tuluyang nagamit ang pagiging batikang artista niya.

Hindi ko parin alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Maam Leon at hindi dapat ako maging kampante. May pagka pyscho-maniac ang babaeng yan at ramdam ko na may back-up plan siya sa mga pangyayaring ito.

Naging Personal Assistant niya rin ako ng mahigit isang taon at masasabi kong kilalang-kilala ko na ang totoong pag-uugali ni Maam Leon. Mula sa mannerisms hanggang sa kung paano siya mapuno at magalit ng sukdulan. I am the living legend bro.

Halos kabaliktaran ang pinapakita ngayon ni Maam Leon sa akin mula sa dating pangta-trato niya.

Ang dating mataray ay naging maalahanin.

Ni ayaw niya akong hawakan noon, ni hindi dapat dumampi ang balat ko sa kanya, pero ngayon, halos palagi siyang nakadikit sa akin, niyayakap ako bigla at hinahawakan ang braso't mga kamay ko. Nangyayari lang yan kapag may nakatutok nang camera sa amin.

Pumasok na ako ng tuluyan sa standby area at agad naman akong binati ni Maam Leon.

"Hi Azalea! You're doing so well huh? Hindi ko alam na you have such a great talent! Bakit ba hindi ako ang naging starmaker mo? I could be your manager. Here, have a drink." Inabot niya sa akin ang isang bottled water and she gave me a questionable look.

She just chuckled. "Don't worry, walang lason yan." Her voice is full of sarcasm.

"Can you drink it first Maam? Baka kasi may lason nga." Nginitian ko siya at inabot sa kanya ang bottled water. Mukha namang nagulat siya sa inasal ko kaya bumawi kaagad ako ng salita. "Just kidding Maam Leon. Alam ko naman na we're in good terms right? And for me, you are one of my mentors who keeps me on point."

Umayos siya ng upo at lumapit ng kaunti sa akin. "Oh my dear Azalea, don't call me Maam okay? Not in a thousand years, we're friends now at magtatampo ako kapag narinig ko pa na tawagin mo akong Maam ulit. Get it?"

Hinawakan ko ang mga kamay ni Leon para makompleto ang act ko. Alam ko naman na umaarte din sya. Lights at camera nalang kulang at makakabuo na kami ng teleserye nito.  "Okay maam I mean Leon. Thank you."

"The pleasure is all mine, and you calling me Maam feels me to be a lot older that anyone else here. Just stick with the first name basis we've got okay? Wait! This moment should be remembered and seen by the fans, let's take a selfie!"

Agad nilabas ni Leon ang kanyang fancy phone at kumuha ng litrato namin. With the caption: New found bestie.

Nagpaalam na ako kay new found bestie nang tawagin na ako ni Direk Kier para sa next scene.

Nagbeso-beso muna kami at niyakap ang bawat isa bago ako tuluyang umalis.

Eleonor Rivera

Well, seeing my ex-personal assistant na pinupuri ng isa sa pinaka-kinaiinisan kong direktor sa industriya ay isang nakakabwiset na tanawin sa akin. I'm in the business for how many years at halos mabibilang ko lang ata ang time na pinuri ako ni Kier for my performance.

Halos lahat ay panlalait na at kritisismo! Direktor ba talaga siya? He's being so unfair! My ex-personal assistant is just a new bloomer, ni wala pa siyang maibubuga pagdating sa acting skills niya! Damn this industry!

Sige lang, lubus-lubusin mo na ang mga oras na ito Azalea. The spotlight you are in is slowly dying off with just the snap of my fingers. Huh. Noted.

Hwag na hwag mo akong susubukan.

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon