Kabanata 21

4K 123 26
                                    

Azalea Castillano

Ito na ata ang isa sa mga pinakamasarap na pagtulog ko sa nakalipas na dalawang dekada ng aking buhay.

Ang mas nakakatuwa pa ay ang aking naging panaginip dahil, nakilala ko raw ang pambansang bayani ng Pilipinas!

"Magandang umaga sa iyo Azalea." Bumungad sa akin ang mukha ng isang lalaki. Lalaki pala si Aya? Kami lang dalawa ang nakatira rito!

"Sino ka manong?! Anong ginagawa mo rito?!" Hinugot ko ang aking sandata na mula sa aking buhok at tinutukan ko siya ng hairpin. Oo hairpin.

Ngumiti ng pilit itong lalaki at nagkamot ng batok.

"Alam kong hindi ka nga masasaktan nitong hairpin, pero at least  mamamatay ka naman sa tetanus na taglay nito! Huwag mo akong mamaliitin!" Tinutok ko sa kanya ang aking mahiwagang sandata.

"Ako lang ito Azalea, si Jose. Nanaginip ka pa ata eh." Kinuha ni Jose ang hairpin at inilagay ito sa aking buhok. Inayos niya pa ang pagkakalagay nito.

Tinitigan ko siya at doon na bumalik ang lahat ng alaala na nangyari kahapon.

"Oo nga pala! Jose! Akala ko kung sino at pwede ba bumaba ka nga rito!" Sobrang lapit kasi ng mukha naming dalawa. Umakyat siya sa double decker na higaan namin ni Aya. Nasa 2nd floor ako.

Bumaba na si Jose at dinungaw ko si Aya na nasa baba ko. Nakanganga siya at tulo laway pa.

"Aya! Bumangon ka na jan at magluto!" Salitan kami kung gumawa ng gawaing-bahay ni Aya and it's her turn today.

Bumangon naman kaagad si Aya na labis kong pinagtaka, saka niya kinuha ang fire extinguisher na nakasabit sa pader.

"Sunog? Nasunog na naman? Tawag ka ng 911 bes!" Pinutol ko na ang kabaliwan niya at hinampas ko siya ng tsinelas.

"Aray naman eh. Akala ko sinabi mo "sunog" yun pala "luto". Teka, malinis ba yang tsinelas mo? Ew ha!" Kumuha ng alcohol si Aya at umarte na diring-diri. Ang layo kaya ng "sunog" sa "luto" pinapairal na naman ni Aya ang pagiging tamad niya. Grabe sya.

Bumaba ako sa kama at inakbayan si Aya. "Nalalanghap mo ba yong nalalanghap ko? Nagluto kana talaga? For real?"

Lumapit kami sa dining area at namangha sa aming nakita. "Nagpa-order ka ba? Or hindi lang natin namalayan na nagpadala ang mga masugid mong fans ng ganito karaming pagkain?"

Saka napadako ang aming paningin sa lalaking kanina pa pala kami pinagmamasdan ni Aya.

"Ikaw ba may kagagawan nito Jose? Oo o Oo?" Sabay naming tanong kay Jose. May pagpipilian pa ba siya?

"Ako nga, nagising kasi ako ng maaga kaya napagdesisyunan kong paghandaan kayo ng makakain para narin ito sa pagtanggap ninyo sa akin ng bukas palad sa inyong tahanan. Munting pasasalamat ko ito sainyo Ms. Azalea at Ms. Aya." Umupo na kami ni Aya at namangha sa mga nakahilerang pagkain sa hapagkainan. 

Hindi na kami nag e-initiate ng conversation kay Jose at baka maubusan kami ng dugo sa dahil kanya. Problemahin pa kami ng Red Cross.

-------

Meanwhile.

"Ansharap naman nito! Nagpapa-humble ka pa Jose! Anong mumunti! Pang fiesta ata itong mga niluto mo!" Halos nagmumukha na kaming pulubi ni Aya at parang hindi nakakain ng ilang taon. Masarap naman kasi.

"Oo nga! Wagas ka dong!" Binigyang pugay namin si Jose at tumawa lang siya ng kaunti. Napansin rin namin ni Aya na napaka-pormal niya kung kumain.

"Nga pala, anong schedule ko ngayon?" Manager ko rin itong si Aya. Alam ko naman na I'm in good hands parang BDO Bank lang.

Tumingin si Aya sa journal na nasa cellphone niya. "Wala naman. Ayan na laos kana bes, wala ka ng project eh."

"Isang bansa ang Laos kaya magtigil ka jan! Pero sa wakas naman at makaka-pagpahinga narin ako buong araw!" Napasuntok ako sa hangin dahil sa saya.

Nakarinig kami ng kaluskos at napatingin agad kami kay Jose.

"Anong problema? Natatae ka ba? Sabihin mo lang ha, huwag na huwag kang magkakalat dito!" Pangbubulyaw ni Aya kay Jose, tinakpan ko bibig niya. Nasa hapagkainan kaya kami! Tinignan ko siya masama at tumahimik naman agad si Aya.

Naging seryoso si Jose at nagsalita. "Sapagkat lubos parin ang aking pagtataka kung paano ako napunta sa panahong ito. Nais kong maghanap ng kasagutan sa mga katungang naglalakbay sa aking buong isipan." Ayan na nagsisimula na naman siya! Pigilan niyo ako! Nosebleed!

Nae-chika ko na kay Aya ang tungkol kay Jose, na siya ang Pambansang Bayani. Tinanong nga niya rin ako kung takas ba ako sa mental institute, pero dahil bestfriend ko siya at bestfriend niya rin ako kaya dapat niya akong paniwalaan. Support system namin ni Aya yan. Ngayon alam niyo na.

Binitawan ni Jose ang hawak niyang kobyertos at nag-aalalang tumingin sa amin ni Aya.  "Ayos lang ba ang inyong kalagayan? Bakit nagtatakip kayo ng ilong?"

Nagtinginan at ngumiti kami ng pilit ni Aya, agad naman akong nakaisip ng idadahilan. "Wala naman, sobrang baho kasi nitong si Aya alam mo na hindi pa naliligo simula kahapon kaya nangangamoy. Huwag mo na kaming pansinin at kumain kana Chef Jose."

Bigla akong tinapakan ni Aya sa ilalim ng mesa. Napa aw nalang ako ng walang tunog, facial expression lang. Mabuti nalang at nakayuko si Jose at hindi ako nakita, artista nga ako pero nahihirapan akong umarte na walang nakatutok na camera.

"Pumunta tayo sa library." Wala sa isip kong nasabi.

Siniko ako ni Aya at nagsalin naman ng tubig si Jose sa kanyang baso. "Anong library bes? Diba allergic ka sa lugar na yan?"

Tumayo ako at lumipat ako ng upuan sa gitna ng lamesa. Magkatabi kasi kami ni Aya habang kaharap namin si Jose.

"Hindi ganon! Diba may section ang library na tungkol sa bansa natin? Filipiniana Section ata ang tawag don. Baka may mahanap si Jose na clue kung paano siya napunta sa panahon natin."

Tumango-tango si Aya at pumalakpak ng tatlong beses. "May point ka bes! Natumbok mo iyon ha! Kahit 81 lang ang grade mo noon sa Social Studies, worth it din pala. Proud ako saiyo." Umarte pa siya na naiiyak at pinahiran ang nangingilid daw niyang luha.

"Maari ba tayong magtungo roon ngayon? Kung hindi din naman ako makaka-abala sainyo." Kumikinang ang mga mata ni Jose sa pagkakataong ito, makarinig lang ng sandamukal na mga libro na-paranoid na.

"Wala rin naman kaming gagawin ni Aya ngayon. DIBA AYA?" Inilabas ko na ang pinaka-nakakatakot at pinaka-masama kong tingin para kay Aya.

"Oo naman. Malakas ka sa akin Jose eh. Sure, hindi labag sa kalooban ko. Promise." Hindi talaga sobrang nagpapahalata si Aya. Lumabas na ang sarcastic mode niya.

Umaliwalas ang mukha ni Jose. Masaya akong nakikita siyang ganyan. Palagi lang kasi siyang parang may malalim na iniisip at nag-aala pasan ko ang mundo effect.

Lumakas ang tibok ng puso ko ng biglang lumapit sa akin si Jose at niyakap ako.

Naramdaman kong nag-init ang aking mga pisngi. Oh hende nagba-blush ako!

Niyakap ko siya pabalik at hinagod ang kanyang likod. "Huwag kang mag-alala Jose, tutulungan ka namin ni Aya sa abot ng aming makakaya."

"So kayo lang may moment jaan? Ano ako third wheel? Group hug tayo oy!" Sumama sa yakapan-serye si Aya. Napatingin ako kay Jose, nakapikit siya habang nakangiti. Hindi ko narin maiwasang mahawa sa ngiting ipinapakita niya.

Mas lumakas pa ang tibok ng aking puso.

Parang oh no.

May crush na ata ako kay Jose?

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon